Chapter 9 ~ DEVIRGINIZED ⚠️

2.3K 32 0
                                    

Bang!!

Bang!!

Bumagsak ang dilat na mata ni Takamurah  sa sahig dahil sa putok ng baril ko sa kanyang sentido.

Umaagos pa ang dugo sa kanyang ulo.

Hindi ko na napigilan ang aking sarili dahil sa pagsiklab ng aking galit sa ginawa nilang paglalaro kay Ysabel.

Nagsimulang magpalitan ng mga putok ng baril mula sa mga body guards ko laban sa mga bodyguards niya. Sunod-sunod kong binaril ang salamin dahil wala itong pintuan na nakaharap sa amin.

Pinatamaan ko na din ang lalaking kasama ni Ysabel.

Kaya Bumagsak din ito sa semento.

Nakasubsob ang hubad na katawan ni Ysabela sa kama. At walang pagdadalawang isip ko siyang binalot sa kumot.

Habang si bob naman ang nakabantay sa likod ko.

Pagkatapos kong ibalot siya sa kumot ay binuhat ko na siya. Mahihinang ungol ang namutawi sa kanyang labi.

thanks god she's safe....

Ayoko munang isipin kung ano ang nangyari sa kanya dahil ang mas mahalaga sa akin ngayon ay maitakas ko siya sa impyernong lugar na ito!

Bobby, tawagan mo ang piloto na sunduin tayo ngayon din!” Utos ko sa kanya habang siya ang naging back-up ko papalabas ng hideout ni Takamurah.

Kinuha niya ang phone at sinunod ang utos ko habang wala pa ring tigil ang sunod-sunod na palitan ng putok ng baril sa paligid.

Hindi ko alam ang kahihinatnan ng ginawang kong ito. Mabigat na kalaban si Takamurah pero sa isang iglap ay napatumba ko siya nang hindi nagdadalawang isip.

Pero wala akong paki-alam !!

Pinaglaruan niya ang babaeng mahal ko kaya dapat lang ako na ang maghatid sa kanya sa impyerno!

Nasa hallway na kami palabas ng basement nang salubungin kami ng maraming tauhan ni Takamura  na sa tingin ko ay mula pa sa Exclussive Club at bumaba lang dito. Kahit isang batalyon pa sila hindi nila kakayanin ang mga skilled bodyguards ko.

Isa ito sa dahilan kung bakit nag-invest ako sa mga malalakas na armas. Dahil kapag mas malakas ang armas mo ay mas madali kang makakapatay ng kalaban.

Umatras muna ako at sila ang nauna sa hanay at nakipagpalitan ng putok ng baril sa mga kalaban. Dahil buhat-buhat ko si Ysabel  Itinalikod ko ang aking katawan in case na may tumagos na bala hindi siya matatamaan.

Dramon! Let’s go!” Pagmamadali ni Bob sa akin.

Matagumpay nilang naubos ang mga tauhan ng Intsik na yun.

Pero hindi pa ito natatapos kaya kailangan naming magmadali na makaalis dito.

Pagkarating namin sa parking lot ay kaagad kong isinakay sa backseat si Ysabela bago ako sumunod sa kanya. Nasa harapan naman si Bob katabi ang driver-bodyguard namin at nasa likuran na van naman ang mga private bodyguards ko.

May mga tama din sila pero wala namang naiwan sa hide out ni Takamurah.

Harvey, tawagan mo na rin si Doc. David na pumunta sa mansyon at sabihin mo sa kanyang magsama siya ng makakatulong para gamutin ang mga tauhan natin.” Seryosong utos ko sa kanya.

May natira pang bumabaril nang makasakay na kami pero ang mga nasa van na ang tumapos sa kanila.

Pinaharurot ng driver ang kotse palabas sa basement papunta sa private property kung saan sasakay kami ng helicopter pabalik ng mansyon.

My Possesive Mafia BoyfriendWhere stories live. Discover now