CHAPTER 44 ~ OPLAN:LUCIANA

788 16 1
                                    

Nagising si Ysabela dahil sa ingay na nasa paligid niya.

Pagdilat niya ay nakapalibot na sa kanya ang buo niyang pamilya.

"Ate Ysabela!"

Ysabela!”

Anak…”

Nag-aalalang sambit ng mga ito.

Napatingin siya sa kanyang ama dahil ang huli niyang naalala ay naghihinagpis siya sa gilid ng kotse yung nasaan ang bangkay ng tumangay kay Baby Mikmik.

Naupo siya sa kama at muli niyang naalala na wala na sa kanyang piling ang kanyang anak kaya muling nangilid ang kanyang luha at napahagulgol sa sakit ng kanyang nararamdaman.

"mikmik?"

anak, tama na.... alam na namin kung sino ang may pakana ng lahat ng ito."

Nag-angat siya ng tingin dahil sa sinabi ng kanyang Ama.

Kinuha nito ang pulang sobre sa ibabaw ng mesa na ibinigay ni Mr. G para sa susunod niyang misyon.

A-Anong ibig sabihin nito?” Nagtatakang tanong ni Ysabela.

Open it...hahayaan ka naming mag-desisyon kahit labag sa loob namin dahil sa pagkawala ng kapatid mo.”

Kinabig ni Joel ang kanyang asawa na si Ysa na nasa tabi lang niya at naiiyak na rin.

Dahil alam niyang kapag tinangap ni Ysabela ang misyon ay maari din itong mapahamak at umuwing bangkay kagaya ng nangyari sa kakambal nitong si Daniela.

Dahan-dahan na binuksan ni Ysabela ang sobre at nakita niya kaagad ang pangalan ng babaeng kinamumuhian niya.

Napatingin siya sa kanyang Ama.

“Noong mamatay si Dramon, inilapit ko kay Mr. G ang kaso niya. At ipinahanap ko ang babaeng yan. Nalaman namin na umalis ito patungong Switzerland at lumipat siya sa US. Mas malakas ang kanyang impluwensya sa ibang bansa dahil sa kaliwa’t-kanan na puwede niyang lapitan para hingan ng tulong kaya nahirapan silang bumubo ng plano kung paano mapapasok o mapapatay ang mafia queen na si Luciana kung sakali man na manganib siya doon. Pero ngayon nandito na siya sa Pilipinas. Siguro isa sa dahilan ng pagbalik niya ay ang anak mo.” Paliwanag ng kanyang ama.

Hayop ang babaeng yun… pagkatapos niya kaming linlangin at patayin si Mikhail pati na rin si Doc David at si Jenny ay babalik siya dito upang kunin ang anak ko.”

Galit na ginusot niya ang papel sa kanyang kamay at mahigpit niya itong kinuyom sa kanyang palad.

“Anak, mag-iingat ka…alalahanin mo. Hindi pa namin natatangap ang pagkawala ng kapatid mo. Ayaw ka man naming payagan ngunit hindi ka namin maaring pigilan na kunin si Mikmik” Nag-aalalang sabi ng kanyang ina.

Kinuha niya ang kamay ng kanyang Ina.

Don’t worry Mom, sisiguraduhin ko sa inyo na babalik ako ng buhay at kasama ko si Mikmik sa pagbabalik ko.” Pangako niya sa kanyang Ina.

Niyakap siya ng mga ito.

Ate mag-iingat ka,”

"Oo nga ate, ibalik mo dito si Mikmik ha.."

"Take care..."

Bilin sa kanya ng tatlo pa niyang kapatid.

Tumango siya sa mga ito. At naghanda sa kanyang pagbalik sa headquarters ng TAJSO.

Pagkatapos na lumabas ng kanyang mga magulang at kapatid ay nag-ayos na rin siya sa kanyang sarili.

Nagsuot siya ng black camouflage suit at isinabit niya ang kanyang medalyon sa kanyang leeg kung saan nakalagay ang TAJSO initials.

My Possesive Mafia BoyfriendWhere stories live. Discover now