CHAPTER 28 ~ UNSAFE

1K 31 5
                                    

•YSABEL's P.O.V•

Anak, puwede ka naman magpahinga kami na muna ni Mommy mo ang magbabantay sa kanya. Baka makasama sa’yo ang ginagawa mo.” Paki-usap ni Dad sa akin.

Kanina pa sila pabalik-balik dito sa kuwarto ni Mikhail kung saan siya nakaratay.

Nasa ICU pa kasi siya at hindi pa rin bumubuti ang lagay niya. Pangalawang araw na namin dito sa hospital at nanatili lang ako sa tabi niya.

Tumayo ako sa upuan at hinarap ang nag-aalalang si Daddy.

Dad, kaya ko po. Huwag po kayong mag-alala ni Mommy. Malakas po ako, gusto ko pong gawin ito para sa kanya. Ayoko po siyang iwan dahil sigurado akong kapag nagising siya ako agad ang hahanapin niya.”

Napabuntong-hininga si Mommy sa tabi niya.

Kaya kinuha ko ang kamay niya.

“Mom, diba ganito din kayo noon kay Dad? Buntis na kayo noon sa triplets kong kapatid pero hindi niyo rin iniwan si Dad. Makakaya din namin ito ni Mikhail...” Pilit ang ngiting sabi ko sa kanya.

Pero sa loob-loob ko nangangamba na rin ako na baka hindi na siya magising pa. Ngunit pinanghahawakan ko ang pangako niya sa akin na hindi niya ako iiwan.

Kung alam ko lang na ganun kalaki ang pagmamahal niyo sa isa’t-isa. Inalam ko sana muna ang lahat bago siya husgahan. Patawarin mo ako anak.” Sambit ni Daddy.

Kaya nabaling ang atensyon ko sa kanya.

Wala ka pong kasalanan Dad, kahit ako ay nagduda din po sa kanya. Ngunit pinatunayan niya po sa akin na malinis ang kanyang hangarin. Lalo na po ngayon ko pong kailangan ko po na magpakatatag para sa kanya at sa magiging anak namin. Kaya ko po ito, kakayanin namin ni  to ni Mikhail .” Nangingilid ang luhang sabi ko sa kanila.

Niyakap ako ni Mom at pati na rin ni Dad.

Pagkatapos ay nagpa-alam na rin sila sa akin. Nauna na kasing umalis sila Daniela at Daniel kanina.

Pagkatapos ay muli akong bumalik sa loob ng kuwarto ni Mikhail. Pinagmamasdan ko lamang siya.

Nang sinubukan niya akong iligtas ay binaril siya ng piloto. Kaya tuluyan siyang nahulog, dalawang tama sa likuran, isang tama sa tiyan at isang malalim na saksak ang tinamo niya sa laban sa hayop na Intsik na si Ziao Ling. Kung tutuusin dapat wala na siyang buhay.

Pero naramdaman kong pilit siyang lumalaban at huminga at alam kong para sa akin yun.

Nang mahulog siya sa chopper ay nagpahulog na rin ako para sagipin siya.

Nahirapan akong maka-kalag sa tali. Pero pinilit kong languyin si Mikhail hangang sa unti-unti na siyang lumulubog sa ilalim ng tubig at wala ng malay. Akala ko katapusan na naming dalawa. Pero nakatulong ang ginawa naming training sa isla kaya nagawa kong makatagal sa ilalim. Mabuti na lamang at dumating agad ang mga kapatid  ko. At sinisid nila kaming dalawa. Si Bob at Daniel ang tumulong kay Mikhail upang mai-akyat sa motor boat at si Daniela  naman ang tumulong sa akin para makawala ako ng tuluyan sa tali.

Si Tito Nath at Tito Bogs naman ang umasikaso sa  chopper dahil patakas na ito.

Ayoko nang balikan ang alaalang yun. Lalo na noong naghihingalo na siya sa kandungan ko habang ginagamot at pinipigilan ang pagdaloy ng dugo sa mga sugat niya.

Dahil doon ko napagtanto na malalim ang pagmamahal ko sa kanya.

At pinangako ko sa aking sarili na magising lang siya. Hinding-hindi ko na siya iiwan pang muli.

At hinding-hindi na kami magkakalayo.

Mahal ko…gumising ka na. Paki-usap, namimiss ko na ang boses mo. Ang nakakunot mong noo kapag naiinis ka sa akin. Ang ngiti mo kapag kinikilig ka. At kahit yung korni mong jokes namimiss ko na rin. Mas namimiss ko yung paghiga ko sa maskels mo habang inaamoy ko ang mabango mong kili-kili kapag tulog ka. Kaya gumising ka na okay?” Mahinang bulong ko sa kanya.

My Possesive Mafia BoyfriendWhere stories live. Discover now