CHAPTER 25 ~ POISONS

1K 27 2
                                    

  •MIKHAIL DRAMON's P.O.V•

Mataman lang akong naghihintay sa pagdating ni Levi. Kakarating lang namin kahapon dito sa Hwanghae Province, North Korea. Ipinatawag ko siya dahil nalaman ko na ang lahat ng kalokohan na ginagawa niya sa mga nakalipas na taon.

Hindi ko akalain na pa siya pa mismo ang magta-traydor sa akin!

Bumukas ang pintuan at bumungad sa akin ang seryoso niyang mukha.

Ipinatawag mo daw ako?” Nagtatakang tanong niya sa akin.

Maupo ka.” Seryosong sabi ko sa kanya. Kinilatis ko ang kilos niya at naramdaman kong hindi siya mapakali.

Panay din ang galaw ng mata niya na parang kinakabahan sa susunod kong gagawin.

Naalala mo pa ba ang pinagsamahan natin noon bago ako maging isang Mafia?” Seryosong tanong ko sa kanya. Sinalubong niya ang matalim kong tingin sa kanya.

Naalala mo ba na sinabi ko sa inyo na kung saan man ako makarating ay dadalhin ko kayo ni Bobby  hangang magkaroon din kayo ng pangalan? Nang maabot ko na ang posisyon ko bilang isa sa makapangyarihang Mafia nawala sa akin ang mga mahal ko sa buhay. Pinatay sila ng mga taong nais akong pabagsakin. At kahit si Tyron  ay nawala sa akin. Pero bago siya mawala ay unti-unti ko nang binibitawan ang pangakong yun. Dahil alam ko na lahat ng bagay na gustuhin natin sa sa mundo ay may kapalit. Everything comes with a price. The more you crave for it the greatest the consequence. Kaya mas pinili ko ang mag lie-low at tangihan ang lahat ng illegal business offer sa akin. But what did you do? Ginamit mo ang pangalan ko. Napahamak si Tyron ng dahil sayo.”

Napakuyom ako sa aking kamao. Dahil sa pinipigilan kong galit. Kitang-kita ko ang pagkabalisa niya at panginginig niya nang ibulgar ko sa kanya ang lahat.

A-alam mo na pala ang lahat. Bakit hindi mo pa ako patayin?”

Patayin? Walang kwentang parusa yun para sa’yo!” Singhal ko sa kanya.

Pinilit ko ang aking sarili na hindi magpadala sa labis kong galit sa kanya.

Dahil may pinagsamahan pa rin kami at masakit sa akin na traydurin ako ng isa sa tapat kong tauhan.

Tumayo ako at humarap sa salamin na bintana ng Gusali kung saan tanaw na tanaw ang mga bundok ng Probinsya ng  Hwanghae.

Mahina ka na DRAMON, hindi na ikaw ang dating kilala ko! Pinahina ka ng babaeng yun!”

Napapikit ako at pinigilan ko ang aking sarili na harapin siya kahit nakatutok na sa akin ang baril niya na nakikita ko sa reflection ng salamin.

Alam mo bang ayaw ni Dezmon  sa mga illegal kong gawain Levi? Pero nang makilala ka niya ay nagsimula na siyang sumama sa akin noon.”

A-anong ibig mong sabihin?” Nagtatakang tanong niya sa akin.

Si Dezmon, nagmahal siya ng taong magiging dahilan ng pagkamatay niya. Kaya galit na galit ka nang malaman mong si Ysabela  ay kapatid ni Daniela Monteverde na tumapos sa buhay niya hindi ba?”

Dahan-dahan akong humarap sa kanya at nakita ko ang magkahalong galit sa mga mata niya at panginginig habang nakatutok pa rin sa akin ang kanyang baril.

Minahal niyo ang isa’t-isa hindi ba?”

Hindi totoo yan!” Singhal niya sa akin.

Nang mamatay siya ikaw ang nagtuloy ng pangarap niyong dalawa. Kaya kahit pangalan at authority ko ay ginamit mo para ma-involve ako sa illegal na negosyo. Nang sa ganun ikaw lahat ang makinabang hindi ba? Alam mo ba kung bakit buhay ka pa hangang ngayon? Dahil sa kapatid ko at dahil sa pinagsamahan natin Levi.” Giit ko sa kanya.

My Possesive Mafia BoyfriendWhere stories live. Discover now