Chapter 8 ~ VIAL

1.3K 25 0
                                    

Fuck! Dramon.ano ba?? Tama na yan! Kapag hindi mo tinigil ang pag-iinom mo masusunog ang atay mo. Ano bang nangyayari ? Parang hindi ka lalaki ah!” Litanya ni Bob sa akin.

Akmang aagawin niya sa akin ang hawak kong Tequilla pero hinampas ko ang kanyang kamay.

"Leave mo alone...bobby...."

"pervert..."

Isang linggo na ang nakalipas nang umalis si Ysabela....

Noong araw na umalis siya ay nalaman namin na  bumagsak ang helicopter sa dagat malapit sa Laguna de bay. At hangang ngayon ay hindi ko pa rin nahananap si Ysabela.

Pinapuntahan ko na rin sa mga tauhan ko ang farm at wala na siya doon. Imposibleng kasama siyang lumubog sa ilalim. Alam kong hinding-hindi siya ganun kadaling mamatay....

At isa pa walang bangkay ang na-recover kaya malakas ang kutob ko na buhay pa siya.

dahil i have my guts na hindi pa sya patay...

pero hindi pa rin tumitigil ang mga tauhan ko sa paghahanap pero hangang ngayon wala pa rin kaming balita.

fuck.... Para na akong masisiraan ng bait sa kakaisip kung nasaan siya ngayon. At hindi ko na alam ang gagawin ko para mahanap ko siya.....

Pinakilos ko na rin ang mga experto kong mga tauhan upang maghanap ng tao at ilang milyon na rin ang nagagastos ko pero wala pa ding nangyayari.

Gusto kong sisihin ang sarili ko dahil hinayaan kong mangyari ito.

Matalim ang matang ipinukol ko sa kanya at tumayo akong bitbit ang bote ng alak.

Anong gusto mong gawin ko… bobby? Kasalanan ko ang lahat ng ito!”

Tinalikuran ko siya at umakyat ako ng hagdan ngunit dahil sa labis na kalasingan ay napabitaw ako at muntikan na akong mahulog kung hindi niya ako nahawakan.

“Tama na Dramon..., naintindihan kita. Mas mabuti pang ipatigil mo na ang paghahanap kay Ms. Ysabela. Sa tingin ko sinadya niyang gawin yun para hindi mo na siya hanapin pa.”

Hindi ko na napigilan ang sarili kong ibato ang bote ng alak kaya agad itong nabasag sa sahig.

Naisip ko na rin yun,...

kaya mas lalo akong nagagalit sa sarili ko dahil pilit ko pa rin siyang hinahanap kahit alam kong ayaw na niyang magpakita sa akin. Alam kong mali ang nagawa ko. Inakala niya siguro na nagtaksil ako sa kanya ngunit hindi ko kayang gawin ang bagay na yun.

Dramon tama na, mas marami pang bagay na dapat gawin. Malaki na ang nagagastos mo sa kanya. Ano bang balak mo kapag nakita mo siya muli? Kukunin mo ulit siya? Sigurado akong hindi mo na siya madadala dito. Bakit kasi nambabae ka pa alam mo naman na yan ang ayaw ng mga babae.” Naiiling na pangaral niya sa akin.

“I said I didn’t touch her! Bakit ba ayaw mong maniwala sa akin?!” Singhal ko sa kanya.

Ilang beses ko nang sinabi sa kanya na hindi ko ginalaw ang babaeng yun pero paulit-ulit parin niya akong sinisisi.

Sabihin na nating hindi mo nga ginalaw ang babaeng yun. Pero paano sa isip ni Ms. Ysabel? Sa tingin mo ba maniniwala siya sa’yo?”  Kunot noo na tanong niya sa akin.

Humakbang ulit ako sa hagdan para iwan na sana siya. Pero lumingon ako ulit sa kanya.

“I don’t have plan to tell her the truth. Pero kapag nakita ko siya ulit. Ibabalik ko siya dito sa ayaw at sa gusto niya.” Seryosong sabi ko sa kanya.

My Possesive Mafia BoyfriendWhere stories live. Discover now