CHAPTER 42 ~ GOOD AND BAD NEWS

779 17 0
                                    

•YSABELA's P.O.V•

Tatlong buwan na ang nakalipas...

Sariwa pa rin sa isip ko kung paano namin nakita si Doc. David  at Mikhail sa dalampasigan malapit sa Batangas Port.

Wala na silang buhay at nangingitim na rin ang kanilang katawan.

Nakita din namin ang pira-pirasong parte ng bangka.


Nahuli kami ng dating…

hindi namin sila nailigtas dahil natagalan kami sa paghahanap.

Hangang ngayon ay hindi ko pa rin matangap ang lahat. Bukod sa kanila ay marami pang bangkay ang nakita namin sa isla.

At nakumpirma ni Bobby na tauhan sila ni Luciana.

Ayokong maniwala na wala na siya.

Ngunit dahil sa gamit nila na nakita namin at sa suot nilang gula-gulanit na damit ay nalaman namin ang totoo.

Bukod sa sunog na katawan ay may tama pa sila ng baril.

Pina-DNA namin ang isa at tumugma ito sa sample DNA ng ama ni Doc David.

Pero dahil wala nang pamilya si Mikhail ay hindi na namin siya napa-DNA.

Akala ko hindi ko kakayanin…

pero sa tulong ng aking pamilya ay unti-unti kong kinakaya ang lahat.

Mahirap at masakit para sa amin lalo na sa akin pero kailangan kong magpakatatag para sa anak namin ni Mikhail.

Nalaman ko kay Bob na lahat ng ari-arian na iniwan ni Mikhail ay sa akin nakapangalan. Hindi ko akalain na yun pala ang plano ni Mikhail noon pa.

Labis-labis pa yun sa anak namin kahit siya ay tumanda at magkaroon ng pamilya.

Nandito ako ngayon sa Hacienda de Monteverde. nakituloy akong muli  kila Mom at Dad.

Dahil mas pinili kong dito na lang manirahan.

Kasama ang abo ni Mikhail na inuwi ko dito....

Si bobby pa din ang nag-asikaso ng mga negosyo ni Mikhail dahil hindi ko pa kayang harapin ang mga yun.

Tatlong buwan na ang nakalipas at malapit na rin akong manganak.

Bumalik na kami sa normal naming buhay. Pero kahit kailan hindi na babalik ang masayang buhay ko kasama si Mikhail at nang magiging anak namin na si Mikholi. Lalaki ang pinagbubuntis ko. At masakit sa akin na hindi man lang niya maranasan ang magkaroon ng tatay. Ngunit ipinapangako ko sa kanya na kakayanin ko ang lahat for him. Hindi ko siya pababayaan at aalagaan ko siya.

Kahit wala si Mikhail.

Kahit wala na ang Daddy nya...

Ija?” Napalingon ako kay Daddy.

Daddy, sa tingin niyo? Kakayanin ko kayang maging ama at ina kay Mik-Mik?” Naiiyak na tanong ko sa kanya.

Naupo siya sa tabi ko at kinuha ni Daddy ang kamay ko at pinisil niya ito.

Nandito kasi ako nakaupo sa labas ng bahay namin at nakaharap sa malawak na garden.

Anak, alam mo…sasabihin ko sa’yo ang totoo. Hindi lang si Mik-mik ang mahihirapan…pati na rin ikaw. Pero dahil nandito naman kami. Kami ang magsisilbing ama ng ni Mik-mik. At hindi ka namin pababayaan.” Nakangiting sabi niya sa akin.

My Possesive Mafia BoyfriendWhere stories live. Discover now