CHAPTER 29 ~ AWAKED

1K 31 1
                                    

Halos tatlong minuto pa ang ibinyahe namin papasok at paakyat sa bundok kung nasaan ang rest house na sinasabi ni Bob.

Malayo pa lamang kami ay tanaw ko na ang malaking bahay na napapalibutan ng matataas na punong kahoy.

Bukas ang lahat ng ilaw kaya kita ang kabuohan ng bahay kahit madilim pa rin. Hindi kami nahirapan dahil semento naman ang daan.

Tumigil kami sa harapan ng bahay at bumaba na rin kami. Naunang pumasok si Bob  sa loob at pinagtulungan nilang ibaba ang stretcher kung saan nakahiga ang wala pa ding malay na si Mikhail.

Ipasok niyo na si Dramon.” Utos niya sa iba pang tauhan.

Hinayaan ko munang magmasid sa paligid si Daniela at Daniel dahil sinigurado ko munang maayos ang kuwarto na pagdadalhan sa kanya.

Yun din kasi ang dahilan kung bakit sila narito. Ang alamin kung safe ba ang lugar at magkabit na rin ng mga CCTV’S sa buong lugar.

Hindi na kami nahirapan na i-akyat siya sa hagdan dahil may elevator ang bahay ni Bob. Sumakay kami at pinindot niya ang 2nd floor.

Paglabas namin ay mahabang hallway ang bumungad sa amin.

Doon sa kabilang dulo.” Turo niya kung saan dadalhin si Mikhail. Nakasunod lang kami ni Doc. David sa likuran ng stretcher.

Nagpaiwan kasi si Jenny  sa ibaba at siya na rin ang nag-asikaso ng mga dala naming pagkain. Kasama niya si Beah ang kapatid na dalaga ni Bob.

Nang makapasok na kami sa kuwarto ay bumungad sa amin ang malaking kama. Isang wooden cabinet. Mahabang sofa na may glass table sa gitna at isang salamin na pintuan palabas sa balkonahe.

Pinagtulungan ng apat na katao ang paglipat kay Mikhail  sa kama. At inayos naman ito ni Doc. David.

Halos mag-uumaga na nang matapos ang buong proseso. Kumain muna kami at nagpa-alam na rin ako sa kanilang magpapahinga dahil sa labis na pagod.

Naglinis muna ako ng katawan at nagpalit ng ternong pajama pagkatapos ay nahiga na ako sa malaking sofa.

Kasya naman ako dahil malapad naman ang sofa kaya dito na rin ako matutulog. Ayoko kasing iwan siyang mag-isa. Nasa guest room naman ang dalawa kong kambal at ang iba pa.

Mabuti na lamang at malawak ang bahay ni Bob Kasya siguro ang apat na  pamilya na may limang myembre dahil sa laki nito. Kahit na modern na ang mga kagamitan may touch pa rin ito ng wooden structure at bumagay sa lugar. Masasabi kong magaling ang architect na gumawa ng bahay niya. 

Sa labis na pagod ko ay mabilis akong hinila ng antok.

Ysabel…”

Hmmm…” Mahinang ungol ko nang may marinig akong pamilyar na boses na tumawag sa pangalan ko.

Hangang sa pakiramdam ko ay may dumampi sa aking labi. Napamulat ako ng mata at laking gulat ko nang makita ko si Mikhail  na nakatunghay sa akin at nakangiti.

Mik-Mikhail?” Pupungas-pungas na na sambit ko.

Bakit hindi ka sa tabi ko natulog?” Malambing na tanong niya sa akin. Nangilid ang luha ko at mabilis ko siyang hinila sa leeg at niyakap.

S-Sira ulo… ka talaga!” Humihikbing sabi ko sa kanya.

Kinabig niya ang likod ko kaya napa-angat ang katawan ko at mahigpit niya akong kinulong sa bisig niya.

I’m sorry…I’m sorry kung nag-alala ka sa akin ng husto…” Sambit niya.

Nararamdaman kong hindi niya gusto kung ano man ang nararamdaman ko ngayon.

My Possesive Mafia BoyfriendWhere stories live. Discover now