Chapter 5 ~ GOODBYE

1.4K 26 0
                                    


Lagpas tanghali na ay hindi pa rin siya bumabalik sa kuwarto ko.

Nakatulog na nga ako ng ilang oras kanina pagkatapos tahiin ang sugat ko.

Hindi naman sa ina-antay ko siya...

we?

Pero hindi ko rin alam kung bakit panay ang tingin ko sa orasan. Simula kanina hindi na siya bumalik.

Parang ayaw ko na tuloy maniwala kay Doc David na kinilig nga siya sa sinabi ko kanina.

Parang nakakaramdam ako ng inis na hindi ko alam kung saan nangangaling.

Naiinis ba ako dahil hindi niya ako dinadalaw dito o naiinis ako dahil hindi tumalab sa kanya ang pagpapabebe ko kanina?

Hmp! Kapag hindi pa rin siya nagpakita sa akin maghapon ay hindi ko na siya kakausapin!

Hindi man lang niya sinilip kung buhay pa ako! Tapos nagwalk-out pa siya kanina!

Pagkatapos ‘kong magtanghalian kanina ay wala pa rin siya.

Hindi ko pa rin nakikita ang masungit niyang mukha.

miss mo?  mismo!

Hangang sa malapit nang magdilim ay talagang hindi pa rin siya pumapasok sa kuwarto ko.

Nakakabagot kaya mag-stay dito wala naman akong puwedeng kausapin kundi ang mga gagambang bahay sa labas ng terrace!

Nanawa na din ako sa kakatingin sa overlooking na tanawin kaya nagpasaya akong mahiga na lamang ulit sa kama.

At dahil mainit na ang ulo ko nagtalukbong ako ng kumot.

Ayaw niya akong kausapin Puwes! Bahala siya sa buhay niya!

Maya-maya pa ay narinig ko ang pagpihit ng Doorknob. Naramdaman ko ang pagbukas ng pinto at pigil ko ang aking pahinga sa mabigat na yabag niya.

Kumain na po kayo Miss.” Narinig kong boses ng babae. Siya din ang tumulong sa akin na magpalit ng damit.

Ayoko, ibalik mo na yan wala akong gana.” Nagmamaktol na reklamo ko sa kanya.

Akala ko pa naman ay si Mikhail na ang pumasok. Naramdaman ko na lang na may umupo sa tabi ko.

Sinabing ayo—”

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang pagbaba ko ng kumot ay mukha ni Mikhail ang bumungad sa akin.

Ma-aliwalas na mukha siyang nakatingin sa akin.

hmmmm..? ano meron?

Sa tingin ko bagong ahit siya kaya wala na ang maliliit at papatubong bigote niya.

Bakit ayaw mong kumain?” Tanong niya sa akin sa seryosong boses niya.

kasi di mo manlang ako binibisita dito....

alam mo namang gusto kong palagi nakikita ang pagmumukha mo.

tk! sinimangutan ko siya at tumalikod ako sa kanya.

Bayagan ko kaya to? Kapal ng mukha pagkatapos akong hindi puntahan dito ng ilang oras susulpot kung kailan wala na ako sa mood mag-antay?

Ayoko eh!” Nakangusong sabi ko at nagpikit-pikitan ako para hindi na niya ako kulitin.

Galit ka ba? I’m sorry.” Sambit niya.

huh?

Naku Ysabela ! Wag kang lilingon! Hayaan mo siya!

May pinuntahan ako kanina kaya hindi ako nakapunta dito.” Paliwanag niya.

“Eh ano naman..? Hindi naman kita inaantay?, assuming..”

My Possesive Mafia BoyfriendOnde as histórias ganham vida. Descobre agora