CHAPTER 27 ~ KILL LING

1K 26 0
                                    

   •YSABELA's P.O.V•

Papalabas na ako ng mansyon bitbit ang mga armas na nakalagay sa attaché case nang marinig ko ang paparating na chopper.

Hindi ako nangamba dahil pamilyar ito.

Iisa lang kasi ang pagkakakilanlan nito at katulad ito ng pulang chopper na sumundo sa amin sa bundok upang dalhin sa secret headquarters ng TAJSO.

Nasisiguro kong ako ang pakay nila rito.

Ibaba niyo ang mga baril niyo!” Utos ko sa kanila dahil naging alerto sila sa pagdating ng hindi kilalang chopper.

Sinunod naman nila ako at mabilis akong lumapit sa kung saan lalapag ang chopper.

Miss Ysabela sandali!”

Napalingon ako ng marinig ko ang tawag ni Bob.

Bihis na bihis na rin kasi ito gaya ko at may bitbit na rin itong mataas na kalibre ng baril.

Kumunot ang noo ko dahil sigurado akong sasama rin siya sa pagpunta ko sa hideout ni Zin Ling.

Kung saan ako kinidnap at ibinenta kay Takamurah.

Sino sila?” Nagtatakang tanong niya sa akin.

Ang TAJSO…” Seryosong sambit ko sa kanya na ikinagulat niya.

Huhulihin niyo na ba kami? Pwede bang iligtas muna natin si Mikhail?”

Binalingan ko siya ng tingin.

Magtiwala ka sa akin.” Seryosong sabi ko sa kanya.

Hindi pa sila nakakalapag sa lupa ay nakita ko na agad ang pagdungaw ni Daniela.

Naroon din sina Daniel na hindi ko alam kung bakit naririto dapat nasa Hospital sya dahil hindi naman siya kabilang sa TAJSO.

Pero ang hindi ko inaasahan na makita ay ang mga magulang ko.

Nag-alala ako dahil alam kong hindi ako pwedeng magsinungaling sa kanila. At kailangan kong puntahan si Mikhail.

Paglapag ng chopper at agad silang lumapit sa akin ni hindi man lang sila nagkaroon ng pag-aalala na baka maging agressibo ang mga tauhan ni Mikhail.

Ako ang nagpapunta sa kanila dito.”

Sabay kaming napalingon ni Bob kay Levi katabi niya si Jenny na hindi maipinta ang mukha sa pag-alala.

Anong ibig mong sabihin?” Tanong ko sa kanya.

Alam ko ang tungkol sa TAJSO dahil napag-usapan namin yun ni Dramon bago siya kunin nila Mr. Ling . Pinapunta ko sila dito para sumuko at malinis ang kanyang pangalan sa mga bintang sa kanya.” Mahinahon na wika niya.

Namalayan ko na lamang na nilapitan na siya ng mga kasama nila Daniela at hinuli.

Ysabela…”

Mahigpit na niyakap ako ni Mom at Dad.

Nasa likuran naman nila si Daniela at Daniel.

Kasalukuyan namang dinadala ni Tito Nath at ni Sir Bogs  si Levi.

Papatayin mo ba siya?” Tanong ko kila Tito.

Humiwalay ng yakap sila Mom at Dad.

Umiling si Sir Bogs.

"Kusa siyang sumuko sa amin. Kahit nasa batas ng TAJSO ang magkaroon ng sariling justice system ng bansa para sa mga taong hindi kayang papanagutin ng batas. Hindi kabilang dito ang parusahan ang mga taong sumuko na. Kaya absuwelto na si Mr. Velasquez sa kanyang mabigat na kasalanan. Ngunit may natitira pa siyang kasalanan na dapat niyang pagbayaran.” Mahabang paliwanag ni Tito Nath sa akin.

My Possesive Mafia BoyfriendWhere stories live. Discover now