CHAPTER 48 ~ THE VOWS

1.2K 23 0
                                    

Napabalikwas ako ng bangon nang makapa kong wala na akong katabi sa kama.

"Mikhail?"

Mataas na rin ang araw at tumatagos na ang hangin sa nakabukas na salamin ng balkonahe.

Paglingon ko sa crib ay wala na din doon si Baby Mikmik kaya bumaba ako ng kama at nagtungo ako sa balkonahe upang tanawin ang magandang panahon sa labas.

Napatingin ako sa ibaba at nakita ko silang dalawa.

Karga niya si Baby at tuwang-tuwa niya itong nilalaro habang pinapainitan.

Hindi ko maiwasan ang mapangiti.

Hindi ko kasi akalain na darating ang araw na ito. Na buhay siya at makakasama namin siyang muli.

Napa-angat siya ng tingin sa gawi ko at malawak na nginitian niya ako.

Kung ganito ba naman ka-guwapo ang bubungad sayo pagising palang ang sarap ng sundan ni Baby Mikmik!

Kumuha ako ng cardigan at lumabas ako ng kuwarto.

Pagkababa ko ng hagdan ay bumungasd si Mommy sa akin na naghahanda ng pagkain sa veranda.

Mabuti naman gising ka na. Pinuyat ka ba ni Baby Mikmik? O baka naman ang lalaking yun ang pumuyat sa’yo? Alalahanin mo kapapanganak mo pa lang.” Litanya ni Mommy sa akin na ikinangiti ko.

Mommy sa tingin ko mas napuyat si Mikhail kagabi at siya ang nagpapatulog kay baby kapag nagigising siya.” Sagot ko sa kanya.

Nagpaalam ako sa kanya at lumabas muna ako para puntahan ang mag-ama ko.

"Kaninong Chopper kaya to?..."

Papalapit palang ako sa kanila nang may matanaw akong chopper patungo sa kinaroroonan namin.

Naglanding ito sa patag na lupa at nakita ko agad na bumaba si Bob.

Kinuha ko si Baby Mikmik kay Mikhail. 

Boss Dramon!"

Nagulat ako nang bigla niya itong sugurin at niyakap.

Sira ulo ka talaga! Bakit hindi mo sinabing buhay ka! Akala ko talaga multo lang yung kausap ko kagabi. Pero talagang ikaw ba talaga yan?”

Oo nga ang kulit mo kanina ko pa sinasabi sayo di–”

Sabay kaming napatingin ni Mikhail nang may bumaba pang isa sa chopper at mas nagulat ako nang makita ko siya.

J-Jenny?” Hindi makapaniwalang sambit ko na maski si Mikhail ay nagulat din.

Lumapit siya sa amin at ngumiti na parang walang nangyari sa kanya.

Namiss niyo ba ako? Ako na miss ko kayo!” Nakangising sabi niya.

B-Buhay ka?”

Tumango siya sa akin.

Kinuha ni Harvey ang kamay niya.

"Naghihingalo na siya nang tawagan niya ako habang nasa daan ako papunta sa kanya.Akala ko hindi ko na siya maililigtas. Pero sa awa ng diyos nakayanan niya ang mga tama ng bala sa katawan niya. Si Beah ang pinabantay ko sa kanya habang nagkakagulo pa tayo at hindi pa nahahanap ang kalaban. Pinalabas kong patay na siya dahil baka balikan siya ni Luciana. Akala ko nga hindi na siya magigising pa. Nalaman kong si Luciana at si Ivana ay iisa dahil sinabi niya ito sa akin nang makapagsalita na siya kaya lang huli na. Dahil noong araw na malaman ko yun ay wala na rin si Dramon.” Paliwanag niya na ikinagulat ko.

My Possesive Mafia BoyfriendWhere stories live. Discover now