CHAPTER 31 ~ POSSESIVE ⚠️

1.2K 27 0
                                    

Pabalik na sana kami nang masalubong namin si Daniel at Daniela.

Seryoso lang silang nakatingin sa amin habang papalapit kami sa kanila. Naramdaman ko ang pagpisil niya sa kamay ko na hawak niya.

Kanina pa namin kayo hinahanap. Papalubog na ang araw at nag-umpisa na kaming mag-ihaw.” Wika ni Daniela sa amin.

Nag-usap lang kami ni Mikhail sa ilog.” Nakangiting sabi ko sa kanya.

Puwede ko ba siyang makausap?” Wika naman ni Daniel.

Kaya napatingin ako sa kanya.

Bakit? Hindi ba puwedeng kasama ako?” Seryosong tanong ko sa kanya. Baka kasi kung ano ang sabihin niya kay Mikhail.

“Wala ka bang tiwala sa akin? Wala akong sasabihin sa kanyang masama tungkol sa relasyon niyo kaya wala kang dapat na ikabahala.”

Napatingin sa akin si Mikhail  at nakangiti siyang tumango sa akin bilang pagsang-ayon.

Binitawan niya ang kamay ko at sumama ako kay Nara. Nilingon ko pa siya pero mukhang hindi naman siya nag-alala.

Huwag kang mag-alala, kilala mo naman ang kakambal natin. Hindi siya nangingialam sa mga buhay natin pero alam niya ang mga nangyayari. At ang mga dapat gawin para protektahan ang pamilya natin syempre pati tayo na kakambal niya.”

Sana nga— maiba ako. Bukas na ang alis niyo diba? Ano ang mga ginawa niyo ni Isaiah kanina?” Nagtatakang tanong ko sa kanya.

Wala naman sinigurado lang namin ang place. Naglagay na rin kami ng palibot na CCTV’s. Pagkatapos nagset-up kami sa isang vacant room ni Bob. Maglalagay siya ng dalawang tauhan na magbabantay bente-kuwatro oras para masiguradong handa kayo just in case na may mga sumugod dito. Pagdating naman sa armas completo si Bob nasa ground floor. At naglagay rin ako ng connection sa tablet ko para ma-monitor din namin yung nangyayari dito kahit wala kami nang sa ganun ma-double natin ang pag-iingat.” Paliwanag niya sa akin.

Salamat sa inyo ni Daniel. sabihin mo kay Mommy na wag mag-alala.”

Paano ang TAJSO? Aalis ka rin ba kagaya ni Aisle?”

Napaisip ako sa sinabi niya. Sa ngayon kasi wala pa akong balak na bumalik sa TAJSO. Marami pa akong kailangan na gawin at buntis pa ako.

Tatawagan ko na lamang si Mr. G.”

Kung ano man ang maging desisyon mo. Igagalang pa rin yun ng TAJSO.”

Oo nga…saka na ako magdedesisyon kapag naka-usap ko na si Mikhail sa bagay na yan.”

Pagkatapos ng naging pag-uusap namin ay naabutan na namin silang nagtitipon sa likura ng bahay. Nagningas na rin ang

Bonfire at ang mga lalaki naman ay nag-iihaw ng karne. May mga nakapatas din na case ng beer habang si Jenny naman ang nag-aayos ng malaking mesa.

Ms. Ysabela . Inihaw na mais para sa’yo.” Napatingin ako kay Kuya Ben, sya ung kuya ni Bob.

Hawak niya ang isang mais na inihaw at inaabot pa niya sa akin.

Hmmmm...

Ang bango ng amoy nito at lalo akong nagutom.

Sa akin?” Ulit ko.

Nakangiting siyang tumango sa tingin ko ilang taon lang ang tanda niya kay Bob..

Anong ibig sabihin nito?”

Napalingon ako nang marinig ang boses ni Mikhail.

ayan na naman ang aking Possesive Mafia Boyfriend.

My Possesive Mafia BoyfriendWhere stories live. Discover now