TAA 02: Conductor

265 18 0
                                    

CHAPTER 2: CONDUCTOR

FABBY | FABIENNE

Hindi ko alam kung nasaan ako, maski intindihin kung saan ako dadalhin. Isa lang ang nasa utak ko ngayon, at ito ay iniisip ko kung paano ako makakatakas.

I am not dumb to not understand the context of an auction. Para akong isang bagay na bigla na lang binenta sa isang malaking halaga. Fifty million, sobrang laki, parang mabubuhay na ako ng ilang taon n'yan.

Isa pa, I don't like that freaking old man. Kahit madilim ang paligid sa auction, kitang-kita ko kung gaano kapanget ang lalaking 'yon at kung gaano kadiri ang tingin niya sa akin.

Hindi ko din gets kung bakit ako mukhang walang paligo ng ilang buwan. Ang lagkit ng buhok ko, tapos ang gaspang pa ng balat ko. What the heck did that freaking killer do to me? Wait, bakit buhay pa ako?! Buhay pa ba talaga ako? O baka nananaginip lang ako?

"Argh," daing ko ng bigla akong hilain ng marahas ng lalaking kanina pa ako hinihila palabas sa auction hall. Walang hiya siya makahila, para akong bagay na hatak-hatak niya lang nang walang halong pag-iingat.

Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin dahil hindi ako pamilyar sa lugar na nakikita ko. Dumaan kami sa mga eskinita at talagang wala siyang awa makahila sa akin.

I really want to strangle him, but I can't stand up. I tried escaping earlier but my freaking legs were paralyzed. I couldn't speak at first because my throat was dry, but I got drenched by the water from a bucket.

Sabi kasi ng isa sa mga guards ang baho ko daw. They want to bathe me but I don't like being touched. Sa huli, nakatamo ako ng pasa sa pisngi dahil sa lakas ng pagkakasampal sa akin nung isang tao.

Ngayon, hila-hila na ako ng isa para dalhin kuno sa lugar kung saan naghihintay ang amo ko. Bruh, I never lived 20 years of my life to become a slave. Sa yaman namin kahit kailan hindi ako trinato na parang asong kalye!

Ngayon lang, at gusto kong patayin lahat ng nakikita ko. Ang bababoy, mga halimaw pa sa totoong halimaw. I am utterly disappointed on how humans became a fucking obsessed individuals craving for dominance and targeting the weak just to express they are the predators.

Kahit sa sobrang inis ko, hindi ko magawang makipag-away. I just glared at everyone I see and sometimes they slapped me for glaring or even looking at them.

"Is that the Witch?"

May narinig akong nagsalita. I peeked from behind the man who was dragging me and saw a person standing in front of the door. Saglit niya akong tinitigan bago bumalik ang tingin niya sa kasama ko.

"The Lord will not be pleased to see his pet in that state," he added. Bakas ang disgusto sa boses niya kaya napansin ko kaagad ang paggalaw ng kasama ko.

"My Lord had said the agreement ends when the item is sold. Ibig sabihin, wala na kaming pakialam sa kanya," sagot ng kasama ko. Marahas niya pag hinila ang kadena kaya natangay ako at bumagsak ako sa gitna nilang dalawa. "Your Lord only needs her energy, so I think she doesn't need to be cleansed," he added.

Hindi na nagsalita ang nagbabantay. May kinuha siya sa loob ng kanyang damit at binigay ito sa kaharap niya. It was a pouch, and base sa bigat ay mukhang maraming coins ang laman. Binigay naman agad ng kasama ko ang dulo ng kadena sa kaharap niya bago siya umalis.

Napamaang ako. "Wait-"

"Speak and I shall take out your tongue without anesthetics," saad nitong lalaking nagbabantay sa pintuan. Sa sobrang lamig ng boses niya parang nasa north pole ako. "Don't even try opening that mouth of yours. The Lord doesn't like it. Now, come!," he added.

✓ | The Assailant's Affection (Fate's Transgression Series, #5)Where stories live. Discover now