TAA 09: Curse Speech

146 13 0
                                    

CHAPTER 9: CURSE SPEECH

FABBY | FABIENNE

Ilang beses ko nang kinukuskus ang palapulsuhan ko pero hindi matanggal-tanggal ang ginawa niya. It seems like it is indeed a permanent tattoo. Lintek, hinalikan lang, nagka-tattoo agad? Sinong niloloko dito, ako? The hell is wrong with that man, anyway?

Mabuti na rin na nakaalis ako dahil ramdam na ramdam ko ang init ng mukha ko, mukha akong pinapakuluan na tubig. After a while, I stopped walking, and it's not that far from the vehicle. Nakikita ko naman nasa labas ng sasakyan ang driver namin habang hindi ko mahagilap ang dalawa.

They must have gone to the forest as they said. Maliwanag pa naman ang kalangitan, at dahil sa mga gubat, hindi nakikita ang pagsisimula ng paglubog ng araw. Though clouds from the other part of the sky emits color yellow and orange, hindi sakop nito ang buong langit.

A sudden wind wrapped around me from the east. Napapikit ako para damhin ang lamig at kaginhawaan na binibigay nito.

"It seems like winter is coming," I mumbled to myself. Thanks to Lady Fabienne's memories, I would have an idea of the seasons here in their world. Kapag ganito kalamig ang hangin kahit lantaran naman ang araw, malapit na naman ang taglamig.

'Fabby, where are you?'

"Ay lintik, pota!" napasigaw ako nang marinig ko sa aking isipan ang boses ni Lord Callaghan- este, Zaryn. Napalingon-lingon ako, nagbabakasakali na mali ako ng narinig pero hindi ko makita ang pigura niya.

I heard him again, this time, a chuckle that seems like he can see me go nuts looking around for him. Napaikot ang aking mga mata dahil sa inis at sa ginagawa niya.

"Lubayan mo ako, parang-awa muna!" litanya ko.

'Don't go too far, wild boars are abundant in this area.'

Napakrus ang mga braso ko. "Pakihanap ng paki ko sa sinabi mo. Pwede ba, lods, lubayan mo ako sa kapangyarihan mo, hindi nakakatuwa!" asik ko. Mukha akong baliw na nagsasalita dito mag-isa.

'Call me by my name. I have a hunch that lods is an informal name to call someone in your world.'

"Asa ka naman na susundin ko utos mo," sabat ko. Naglakad ako palayo sa sasakyan habang iniisip na baka hindi niya ako mahabol kapag malayo ako.

'Don't go too far, Fabienne.'

"Argh!" inis na bulyaw ko. Nagdadabog ako sa gitna ng kawalan. Hinarap ko ang sasakyan kahit maliit na siya sa paningin ko at tinuro ito. "I swear, Zaryn. Kapag hindi ka umalis sa utak ko, tatakbo ako palayo hanggang hindi mo na ako makikita!"

I heard him laugh. Napamaang ako at napakurap ng ilang beses dahil sa tono ng boses niya. It's so genuine, his laugh carries melodies that would instantly calm a person's mind. It calmed mine, unexpectedly.

'Wait for me there.'

Naibalik ang ulirat ko dahil sa sinabi niya. I narrowed my eyes to see if he was outside the vehicle and I was right. Napasinghap pa ako ng napako ang tingin niya sa direksyon ko kaya ang instant action na nagawa ko ay tumakbo palayo. Lintik, ayoko nga makita, nagpapakita pa. Lord, anong klase na parusa ba 'to?!

'Stop running, Fabbiene.'

It was his command, and I immediately stopped running. Lintik na, hindi ko na naman maigalaw ang mga paa ko. Mukha akong paralisado, nakakabanas. I tried to move but every attempt felt like I'm carrying the world on my shoulders.

"No one actually broke through my command, not even you, Fabienne." His voice was near and my eyes immediately rolled. Naglakad siya paharap sa akin at gusto ko tuloy tanggalin 'yang mga labi niyang nakangisi. "I said don't go too far twice, yet you still did. How long can this stubbornness last?"

✓ | The Assailant's Affection (Fate's Transgression Series, #5)Where stories live. Discover now