THE MYSTERIOUS HOUSE

741 16 0
                                    

The mysterious house.

WARNING: WAG NA PO BASAHIN KUNG MATATAKUTIN KA.

I'm Vainne nakatira sa Calamba Laguna.

So this is our story, Yung bahay namen malaki, madilim at luma na. Isa to sa mga bahay na unang napatayo dito sa Village sa may Calamba. Lahat ng mga bagong pumupunta dito hindi pwedeng walang makikitang kakaiba. (Hello sa mga tropa kong ayaw ng bumalik kasi natatakot) HAHAH! Hindi ko din kasi malaman bakit may parang kakaiba dito sa bahay namen. Kasi dati daw meron ditong nakatirang pamilya which is nakita ng lolo ko nung unang lipat nila sa Cabinet ng isang kwarto dito, Mukang luma na yung picture, Kung baga hindi sya talaga picture kasi parang drawing sya yung mga parang sinauna? So syempre akala ng lolo ko naiwan lang nung nag gawa ng bahay na tumira din dito bago kame lumipat. Habang nag tatype ako ngayon tahimik yung paligid kasi lahat ng tao nasa kwarto ako nasa sala pero ramdam ko may nakatingin saken. Hindi pwedeng isara ang ilaw sa kusina kasi sa hindi din mapaliwanag na dahilan. Siguro para hindi mamahay yung mga sinasabi nila nag papakita, Palagi kaming maingay sa bahay kasi madami naman kame, Pero kung maiiwan ka dito mag isa hndi mo talaga kakayanin.

Meron kasi mga instances na eto na biglang may lalagpas sa kusina, Isang beses yung tita ko may nakitang batang nakatakip ang tenga sa cr Akala nya na malik mata lang sya pero hindi kasi nag aaway away daw dito that time parang naingayan ba, Yung batang yun yung laging nag papakita dito sa mga unang napunta, Nakikita nila tumatakbo papunta sa may likod bahay namen na akala nila kapatid ko, Pag pina describe namen iisa lang sinasabe nila Naka pantalon na pang pasok at maduming sando, yung mga kaklase ko hanggang sa mga manliligaw ng tita ko date napansin din yun (grabe nangingilabot nko habang nag tattype) Ito pa totoo pala yung kapag may third eye ka di ka basta basta mag kekwento kasi matatakot mo yung tao sa paligid mo. Yung mama ko at kapatid ko bukas ang third eye nila. Yung kapatid kong lalaki ayaw na ayaw binubuksan yung ilaw sa sala, Hndi ko alam kung bakit hanggang sa nainis na ako tinanong ko sya kung bakit ayaw nya buksan, Sabi nya sken nakita nya daw kasi isang beses na may madreng nakatayo na sobrang tangkad na nag reflect sa bintana ng salas na nasa kusina, Nagulat kaming lahat ng isang beses na pa kwento mama namen na meron daw madre sa isang cr (sa may dulo ng bahay) na matangkad nabigla kame talaga kasi hndi nya pa alam na nag kwento na yung kapatid ko about dito, So ibig sbhn nakita nila pareho yun ng walang nag oopen saknila. IISA ANG ICHURA NUNG DINESCRIBE NILA, MATANGKAD KA HEIGHT NG PINTO, NAKAITIM, WALANG MUKA AT NAKAYUKO. Sinabuyan daw ng mama ko ng tubig sabay sabi ng ""In Jesus name amen"" Sabay nawala, Meron pa lahat kame umalis ng bahay binyag ng pinsan ko, Sakto naman may pupunta dito na kaklase para kumuha ng tshirt na order, Iniwan lang namen yung plastic sa may gate na kita agad nya pero expected kasi namen maaga sya pupunta kaya alam kong pansin agad nya. Tinawagan nya kame tapos sabe nya asan na daw kame di daw nya makita yung tshirt kasi madilim daw, Tapos bago pa ko mag salita nag salita sya ""OKAY NA MAY NAG BUKAS NA NG ILAW"" Nanlaki mata ko seryoso pano mag bubukas yun eh walang tao dun? Di ko nalang sinabi baka matakot pa, HAHA! Minsan yung mama ko biglang mamumutla, Sasabhin nakita ko nanaman yung madre nakatingin saken malay ko anong gusto nun, Parang wala nalang daw saknya, Pinaka hindi ko makalimutan yung kapatid kong 3 yrs old na walang kamuwang muwang sa mundo, Meron daw syang kaibigan lagi daw nya kalaro nag taka kame bakit bigla sya nag kakasakit nag ka dengue nag ka bronchitis as in sunod sunod nung sinabi namen na wag na sya makikipag laro dun sa kalaro nya since hndi naman namen nakikita. Isang araw nasa ospital kame kasi na ka confine sya kame ng bf ko nag bantay yung bf ko magaling sa arts palaging may dalang drawing materials so para maaliw yung bata niyaya nya mag drawing which is tamang tama naman kasi nasa kaliwa yung swero nya, Sinabi namen na idrawing nya yung kalaro nya at halos mahimatay himatay ako suskopo kitang kita sa drawing na itim ang buong katawan mahahaba ang kamay at paamabalabon. sabay kulay pula yung mata. Ayun din yung dinescribe nung isa kong tropa na umiyak kasi nag yaya na umuwi nasa kusina daw yun yung madilim na part nakaupo daw yun at nakatitig sakanya. So nag insenso kame ng bahay pinaayos namen yung kusina pinadagdagan ng ilaw, Pero hindi parin namen alam bakit ang bigat bigat ng pakiramdam dito. Meron kasing albularyo na pakalat kalat dito sa Village namen sobrang galing daw nun, Minsan makikita namen katitig sya sa bahay tas pag tinatanong namen sasabihn lang samen mag ingat kayo. Sabay aalis na. Sobrang dami pang nakakakilabot na nang yare dito katulad nung may ginawa yung lolo ko ng cabinet yung tatay ko nakatalikod nagulat kame bakit nya sinara biglaan sabe nya may pumasok daw kasi na kapatid ko pag titripan ata, Aba ang tagal na mga isang minuto na walang pang nag rereact, Pag bukas nya wala naman tao. namutla sya bigla kasi ramdam nya daw may pumasok patakbo sa loob nung cabinet na malaki sabay wala naman pala. May mga picture kame makakapag patunay dito na may mga hagip nung picture ng bata pero di ganun kalinaw, meron pa yung isa kong tropa trip nya lang mag panorama ang nahagip nakaitim sa kusina habang nakangiti, Yung mga ganun, Nakakatakot pero iniisip namen na sana malik mata lang na sana imbento nalang pero iba e, Ibang usapan na kasi kapag bata at matatanda na yung nakakakita. Siguro nga haunted tong bahay namen, Pero sana wag naman. HAHAH! Sa mga nakapunta dito kayo na bahala humusga kung totoo tong sinasabe ko, HAHA! alam ko ilan kayong napaiyak na dito.

Kaya dapat mag ingat tayo, kasi minsan di naten alam bago tayo tumira sa isang lugar hndi naten alam may nauna na pala saten. Kaya mahalaga mag pa bless hndi lang isang beses kung hindi uulitin pa. At sa mga may third eye dyan wag kayo matakot mag share para aware din yung tao sa paligid nyo ha? Yun lang salamat po!

Jenjie
CALAMBA CITY LAGUNA

SPOOKIFY ( HORROR TAGALOG STORY )Where stories live. Discover now