BATANG ITIM

86 0 0
                                    

BATANG ITIM

Hi, pls hide my identity. I'm a silent reader here sa spokify,  pero gustong gusto kong e share yung na-experience ko. this is a true story maniwala man kayo sa hindi. 😊

Last Friday ng April, pumunta kami sa baba (bahay ng mga ante ko) dahil yung bahay namin dito sa may highway, so kaunti lang yung mga bahay na andito, sa baba yung maraming bahay2 na parang bayan na. gets niyo? malamang parang di tayo nag grade 2 no? joke lang, heto na.

5pm na at hinihintay namin ng anak kong 5 mos old yung kuya ko, tawagin nalang natin siya sa pangalang "ken".  taga don sya eh. may lakad kasi kami non time na yun at timing din na di pa nakauwi mama ko sa kanya ko sana iiwan anak ko, kaya choice ko man sa hindi, need kong isama si bb kahit byernes. Ayaw na ayaw ng mama ko at ng kuya ken kong taga doon na dalhin si bb sa kanilang lugar lalo na't martes at biyernes. pero sinuway ko padin kasi nga choice ko yun. Habang kausap ko yung tito ko at mga tita ko, nacu-cutetan sila sa anak ko at nakalimotan kong magsabi na "bujag" pangontra sa usog yan dito saamin. Malapit ng mag gabi umuwi nalang kami sa bahay namin dahil wala atang balak na magpunta yung kuya ken ko sa pupuntahan namin. Yung asawa ko naman ay kasama siya sa tournament ng ML ng time na yun, panalo sila oo. ngunit mga bandang 7pm yung anak ko di na mapakali hanggang sa nagsusuka at nilalagnat na siya. Awang-awa ako kasi di ko alam ano ang gagawin ko, mabuti nalang rumescue agad si kuya ken at ang asawa niya dito sa amin. Si kuya kasi may third eye at medyo na se-sense niya kong anong nangyari sa isang tao, o ano kayang pwedeng gawin o e gamot. parang albularyo ba, pero hindi siya ganun. basta buo yung paniniwala namin sa kanya ng pamilya ko.

Ang anak ko ay nausog, namumula siya at di ko man lang naikontra, nalaman din namin na nahawa siya sa pagsusuka at pagtatae dito sa amin, halos mga bata yung punterya ng virus na yan at isa ang anak ko. Grabe yung awa ko dahil sa nangyari. Nausog siya ng maitim na hangin na may dalang sumpa, at sa kasalukuyang nahawa din siya ng virus. Wala kaming tulog dahil sa todo bantay kami sa anak ko, minu-minuto siya nagsusuka, nagtatae at matamlay, walang ganang dumede, di na siya tulad ng dati energetic, ngayon matamlay na 😢 Pero thanks God,  kinabukasan, araw ng sabado naging okay din naman siya. Sinabi din ni kuya ken na kapag martes at biyernes wag kalimutan isara yung pinto kapag mag 5pm na hanggang mag gabi, dahil maraming di taga dito saamin ang bumibisita sa anak ko. Minsan babae, minsan bata. Kaya pala minsan di siya makatulog, minsan iyak siya ng iyak, minsan naman ay tumatawa siya habang nakatingin sa pintuan namin.

Fast forward.

Unang friday ng May, Fully recovered na yung bb ko sa pagsusuka at pagtatae niya. Maganda na tulog niya sa umaga at hapon. Dumating sina kuya ken ko kasama ang asawa niya dito saamin, 6pm ay nagku-kwentohan kami't habang nilalaro yung anak ko. Masakit ang tiyan ni kuya ken nung mga oras na yun, at nagdadasal siya sa Panginoon kung ano ba dapat niyang inumin at gawin, pinabili niya yung kapatid naming bunso ng BUSCOPAN ata yun, dahil yun ang kanyang iinumin, nakalimutan din naming magsara ng pintuan. Bale pintuan dito sa sala namin palabas, walang kuryente ng araw na yun, pero may solar naman kami, goods lang. Habang papunta yung kuya ken ko sa CR namin, sumigaw siya ng "Pakisara yung pintuan bilis" Edi kami naman dito sa sala, dali-dali agad naming isinara ang pintuan. Kinilabutan ako. Bumalik ang kuya ken ko dito sa sala, sabi niya may batang lalake ang pupunta dito at bibisita na naman. Natakot ako syempre as nanay, ayoko ng ganun. Sabi naman ni kuya sa mama ko, na try niya daw ni mama tingnan (pumikit si mama nun) tiningnan niya kong san banda naka stambay yung batang lalake. sabi ni mama sa gilid ng bahay namin, at ang batang lalake ay itim daw. sagot naman ni kuya, "tama ka dyan." Alam din pala ng asawa ni kuya ken na yung batang itim na yun ay dito samin pupunta, ngunit parang nagpatay malisya lang daw siya dahil akala niya guni-guni niya lang yun. Buti nalang naisara yung pinto kundi yung anak ko ayaw na naman matulog dahil sa may kalaro siyang hindi ko nakikita.

P.S sa mga may anak diyang sanggol, ingatan niyo bb niyo kapag martes, lalo na't byernes. dahil sa maniwala man kayo o sa hindi, hindi natin araw yun.  maniwala kayo pls, thanks!

-Mommy Kay

SPOOKIFY ( HORROR TAGALOG STORY )Where stories live. Discover now