MGA BUTAS SA BAHAY

71 3 0
                                    

"MGA BUTAS SA BAHAY"

magandang araw po sana ay maipost itong karanasan ko sa aming bahay na inupahan.

taong 2022 po ng mag simula itong pangyayare ng lumipat kami ng asawa ko sa isang paupahan maliit lang ito at puro kahoy luma nadin at puro butas na ito ginawa labg naming maayos sa loob para prisentable padin tignan. may mga puno ding katabi ang bahay namim puno ng bulak mangga kaymito at mga iba pang mga puno na di naman ganun kataasan tuwing gabi bago kami matulog ng asawa ko napapansin ko minsan na ung mga butas at siwang ng bahay namin sinasabi ko sakanya na tapalan nya ng damit o kahit tape. pero kinabukasan nag tataka nalang kami na kusa ng nahuhulog ung mga tinatapal namin.

isang gabi nagising ako kasi parang may ibon o pusa sa taas ng bubong na kumakalabog sabi ko sa asawa ko eh bugawin nya tapatan nya ng flashlight. pero pag lumalabas naman ang asawa ko eh wala naman daw syang nakikita sa taas ng bubong dahil pa lihis ung bubong madali makita kung may pusa sa taas para din ung mga bumabagsaka sigurong mangga eh pabagsak din ang punta at hindi mag stay sa bubong kaya palihis o pa slant pa ang tawag dun.

gabi gabi kami nakakaranas na may kumakaluskos sa bubong namin hanggabg sa nakakaranas ang asawa ko ng bangungot at mga nakakatakot daw na panaginip sabi nya eh padasalan namkn ang bahay kaya kada gabi at nag dadasal kami.

hanggang sa nakakakita na kami ng mga minsan may dadaan sa harap ng pinto pero pag sinilip eh wala nag lagay nadin kami ng mga bantay na aso sa labas para pag may dumaan eh tatahol.

sa bawat siwang at butas ng bahay eh palagay ko na palaging may nakamasid saamin at nakatingin. pati asawa ko ganun din ang pakiramdam kahit umaga may dumaan na anino sa harap ng pinto pero wala namang tao.

hangganh ngayon ay inuupahan padin namin ang bahay nato, iniisip ko palagi na hindi naman nila kami inaano wag nalang din namin silang pakelaman dahil baka maka trigger din sakanila yun. dahil din naman sakanila eh naging madasalin kami.

pinag papasalamat ko din na kahit papano eh ligtas kami.

SPOOKIFY ( HORROR TAGALOG STORY )Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang