BARBARA

40 0 0
                                    

👺🔥
"𝗕𝗔𝗥𝗕𝗔𝗥𝗔"

( Year 2022)
☀️ Gising nko, as in kakagising lang, Sa kwarto mismo ng gf ko !
Madalas akong nkikitulog dto sa bahay nila, medyo maliit lang naman ang kwarto nya sa 2nd floor at simple lang, sakto lng saming dalawa yung kwarto tapos may mga dagang nag tatakbuhan ganun lang nmn ka'simple ang kwarto nya. Joke lng, malinis ang kwarto nya tsaka maaliwalas, Normal na kwarto lang,... Maayos na kama, mga lagayan ng damit, etch... At mga santo !
Limang santo yung nandun,
Yung apat na santo dun sila nakaharap sa bintana bali naka'patagilid sila saken,
tapos yung babaeng santo na nakalagay sa kwadradong kahoy sa twing ggcng ako sa umaga madalas syang nakaharap na sa pinto. Sabi ng gf ko baka nagalaw daw ng daga, ano yun nag dadasal pala ang daga ! , basta...Hindi nmn madalas pero ilang beses ko ng napupuna yung santo na yun kaya napansin ko.

9PM nag inuman kame ng gf ko sa bahay nila kasama ang ibang mga kapatid nya, bali tatlo silang babae nun that time tas mag isa lang akong lalake, normal na kwentuhan lng na parang mga magkakapatid kming lht, napag kwentuhan namin itong page ng spookify tungkol sa mga kababalaghan and alam nman nilang isa ako sa mga sender dito nuon pa dhil obvious naman sa mga kwento ko. Habang napagkukwentuhan na nmin ang spookify biglang Sabi nung isang kapatid ng gf ko...."Alam nyo sa tuwing papasok ako sa kwarto nyo may isa akong napapansin dun.".... , Napatingin lng ako sknya pero wala akong idea kung ano man yung sinasabi nya tapos nag tanong kame kung ano yun, sabi nya...., "Yung isang santo dun !"..., tumayo yung ano ko... yung balahibo ko pero dinadaan ko muna sa biro kaya sabi ko sknya,... "Ahhh yung panget ???." ... (yun yung santo na lagi kong napapansin na nakaharap na sa pinto pag gigising ako sa umaga.), Hindi sa mapanlait ako ha ! yung itsura kc ng santo na yun parang hindi maayos yung pagkakahulma sa mukha nya eh parang anak sya ng mangkukulam ! Basta parang gusgusin yung mukha nya, alam nyo yung bata na naglalaro na mukhang mabantot !? Prang gnun sya.. Basta para syang batang babae na hindi nag hihilamos ng mukha sa umaga tas diretso laro agad sa labas wala ng almusal-almusal, yung santo na yun maliit lng sya kasing laki lang ng bottle ng COKE MISMO tapos nakatayo sya sa loob ng square na kahoy na kulay dark brown..... Sabi ko..."Si chanak yun eh."..., Tapos pinagalitan ako ng gf ko,.... "Ikaw para kang gago noh ! ".... Tinignan ko ng masama ang gf ko kc epal sya, then sympre lcng nko non kaya nuknukan nko ng yabang sabi ko,... "Kukunin ko si chanak wait." .. tumayo ako non tapos naglakad ako sa hagdan paakyat pero pinigilan nila ako tapos sabi ulit ng gf ko... "Parang kang gago talaga !?? ".....  Bumalik ako tapos ang angas ko mag lakad para kunwari gangster tlga ako tapos Sabi ko sknila,.. "Wala pala kayo eh, wag kayo matakot  !",..  Pero sa totoo lang guys di ko nmn tlga kukunin yon nagpapasikat lang ako 🤣 di ako aakyat mag isa dun pra lng kunin yon khit bilhan mo pa ko ng pulutan baka sapakin ko pa mukha mo !  nakakatakot kc tlga yung itsura nung santo na yun tsaka mukha din syang demonyo kc, alam mo yung batang kapapa'nganak plng pero mukha ng makasalanan, prang gnun sya... Tapos sabi ulit nung kapatid ng gf ko..., "Shungak ! Hindi yun." .., Sabi ko,.. "Eh alin ba dun?? Nilait lait ko pa naman tapos hindi pala sya !" ..., Sabi nung kapatid ng gf ko..."Yung isa, yung Sto.Niño.".... Yung Sto.niño naman na yun guys malinis ang mukha non, para syang bata na anak mayaman , yung bata na tipong pag nahawakan mo lang iiyak na agad kasi may germs na sya sa balat prang ganun nman sya kaganda at kalinis kaya sabi ko,... "Gagi mabait yun." ..., Ano yun (Pag maganda mabait pag pangit salbahe?) gnun ako ka judgemental guys sorry tlga tapos sabi ng kapatid ng gf ko,..."wait kukunin ko." .... Tapos sabi ng gf ko,.. "Go !".... Nainis ako non sa gf ko kaya sabi ko,...  ,."Pag ako 'Gago',?  pag kapatid mo "Go !' ??",... At dahil sa pasikat ako sumama ako sa kapatid ng gf ko paakyat sa taas, kinuha nya si Sto.niño tapos kinuha ko si barbara...Si barbara sya yung santo na sinasabi ko kanina yung pangit na madungis na nakaharap na sa pinto tuwing gigising ako sa umaga ! Tapos bumaba na kami, habang hawak nmin yung dalawang santo kinukwento ng kapatid ng gf ko na Sa tuwing papasok sya sa kwarto namin prang tinitignan daw sya lagi ni Sto.niño , parang gumagalaw yung mata tapos pinagmamasdan sya kung anong ginagawa nya sa kwarto nmin, (nandun kc yung ibang damit at gamit nya and Madalas kasing walang tao don, nag tatrabaho kc ang gf ko at ako naman ay umuuwi na sa bahay namin), ang bigat bigat daw ng feelings nya kay sto.niño parang ang negative daw ng aura, Eh bida bida ako ! habang hawak ko si barbara hindi ako nag pa huli, dinuduro-duro ko yung santo tas sabi ko,.. "Eto nga oh, wala pa ngang ginagawa pero mukhang may balak ng masama eh." .... Nagalit nnman ang gf ko sakin kaya tumigil nako. Ang dami naming mga napagkwentuhan non na nakakatakot hanggang sa inabot na kame ng 2AM... sabi ng kapatid ng gf ko wag na daw naming ibalik si Sto.niño sa kwarto namin sa 2nd floor, dto nlng daw sa baba, sabi ko "Sige pati si barbara dto nlng pra wala ng negative sa kwarto namin kaya minamalas cguro kami eh."., At ayun natapos na ang inuman.

SPOOKIFY ( HORROR TAGALOG STORY )Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang