PUGOT

60 1 0
                                    

Pugot

Hi everyone 👋🏻 hesitant akong ikwento to kase hindi ko alam kung bukas padin ba yung third eye ko hanggang ngayon pero kase naka lipat na kami ng bahay and so far wala na akong nakikita or nararamdaman.

So ayun nga kwento ko yung nangyari sakin noong grade 7 ako nakitira ako sa bahay ng lola ko since sya lang naman ang nakatira mag-isa sa bahay at malapit lang din yung school ko doon, walking distance lang. Dalawang palapag yung bahay puro kahoy at old style ang disenyo, tatlo yung kwarto at yung pinaka malaki ang pinagamit saakin, meron yong malaking lumang kabinet na kahoy at my salamin sa pinto (gets nyo ba yung mga makalumang aparador na maingay pag binuksan at laging nakikita sa horror movie hahaha) puro gamit ni lola yung andun at naka lock yun diko na pinapakielamanan tinatakpan ko nlng ng kumot or tela yung salamin dahil naki-creepyhan ako at madalas din mag isa lang ako sa bahay dahil ang lola ko ay laging wala, madalas nasa simbahan siya or sa mga kaibigan nya kaya gabi na sya kung umuwi. One time nagkaroon kami ng school project, by group hinati ng teacher at sakto tatlo kami magkakaibigan. Sila yung mga bagong kaibigan ko na sa school ko lang nakilala,sila maica at anna. Pag dating sa bahay agad akong nag cr dahil na iihi nako, kaya pinauna ko na sila sa taas na kwarto para mailapag na nila yung mga gamit nila don. Nagulat ako ng makasalubong ko sila sa hagdan at putlang putla na pinapagpawisan, sabi ko " bat hinintay nyo pako kayo talaga " iling lang ang sinagot nila sakin at hinila ako palabas ng bahay. Nung nasa labas na kami ang sabi nila pag ka bukas daw nila ng kwarto ang unang bumungad daw saknila yung pugot na ulo sa ibabaw ng kabinet, lalaki daw ito at nakapikit, dalawa daw silang naka kita kaya sure daw silang hindi sila namamalikmata kaya naman nag tatakbo na daw sila pababa. Hindi ako naniwala kaya pumasok ako ng bahay at nag pasama sakanila sabi ko pa non papakita ko saknila na wala naman yon at namamalik mata lang siguro sila baka gamit lang yon at naiba lang sila ng tanaw. Habang nag lalakad sa taas nasa likudan ko silang dalawa kaya nung pagka dating sa kwarto unang bungad ko palang sa kabinet napasabi nalang ako ng " P*t*ng*na!!" dahil andon nga sa ibabaw ng kabinet ang pugot na ulo, nanlaki yung ulo ko talaga at tumaas lahat ng balahibo ko sa katawan, dahil this time naka dilat na ito at naka tingin pa sakin! hay*p talaga, kaya naman kumaripas na agad kami ng takbo palabas ng bahay. Nung araw na yon hindi na kami natuloy gumawa ng project at nag palipas ako ng oras sa labas at talagang hinintay ko muna makauwi ang lola ko bago ako pumasok ng bahay hahaha. Kwinento ko yun kay lola at sabi niya baka daw ayaw ng tagabantay na my ibang tao sa bahay. Tagabantay kase madami na talagang nararamdaman sa bahay na yun halos buong pamilya kami napagparamdaman. Hanggang dito nlng muna sasusunod na yung iba hehe. tenkz🌷

SPOOKIFY ( HORROR TAGALOG STORY )Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora