Lumang hotel sa Pasay

226 4 0
                                    

Lumang Hotel sa Pasay

Noong dekada 70, itinayo ang isang hotel sa Pasay na naging saksi sa mga pagbabago sa kasaysayan. Ngunit, sa paglipas ng oras, ang dating gilas nito ay unti-unting napalitan ng anino at misteryo.

Bilang isang dating receptionist sa nasabing lumang hotel, nasaksihan ko ang iba't ibang kwento. Sa paligid na puno ng mga kwento ng pagkamatay at pagpapakamatay, nalaman ko na ang dilim ay hindi lamang nararanasan sa labas ng gusali, kundi maging sa loob nito. Bagamat may ""third-eye"" ako, hindi na ako natatakot, maliban na lamang kung ito'y poltergeist.

Nasa oras ng 9 hanggang 6 pm ang aking pasok noong araw na iyon. Pagkatapos ng trabaho, agad akong nagtungo sa locker room sa ikalawang palapag. On-the-dot ako umalis dahil nais kong makauwi ng maaga, lalo pa't sa Cavite ako nakatira. Karaniwan, dumadaan kami sa hagdan, at pagkatapos nito, may hallway na walang ilaw patungo sa aming locker room. Sa hallway, may nakasalubong akong matangkad na anino na tila lalaki. Subalit, hindi ko ito pinansin, sapagkat hindi na ako takot at nasanay na sa ganitong pangyayari.

Nakapasok ako ng locker room at nagpatuloy sa aking gawain. Nagpatugtog ako gamit ang cellphone at inilapag ko ito sa mesa. Kinuha ko ang aking damit sa locker at nagbihis sa cr. Sa loob ng cr, may nakita akong babae na may itim na buhok na nagtatago sa shower curtain. Gayunpaman, hindi ko pa rin ito pinansin.

Pagkatapos magbihis, umihi, at maghugas ng kamay. Ang set-up ng cr nakatapat lavatory na may salamin ay nakatapat sa pinto. Sa aking pagsubok na buksan ito, bigla akong hindi makakilos. Parang may humihila sa labas ng pintuan na tila ba naglalakas-loob na pigilan ako. Uwian na din ng empleyado ng admin ng 6pm, at parang may narinig akong pumasok.

Maya-maya pa, naririnig ko ang isang kakaibang tinig na kumakanta, sumasabay sa tugtog ng aking cellphone. Kinatok ko ang pinto, ngunit walang sumasagot. Pawis na pawis na ako, kinikilabutan at parang lumolobo ang ulo ko. Sinubukan ko uli buksan ang pinto at tumawag ng tulong, ngunit parang may humihila sa labas, at walang nakakarinig.

Sa kaba at takot, sinabi ko sa sarili ko na may aakyat din at naghihintay ako nang walang paglingon sa likod (salamin). Narinig ko, at sigurado na ako ngayon, na may pumasok. Kumatok ako at sinabi kong buksan ang cr. Pinihit niya lang ang doorknob at kaagad bumukas ito. Hindi niya ginamitan ng susi o ng pwersa. Tinanong niya ako, ""Ano'ng nangyari sayo? Bakit namumutla ka?"" Nang itanong ko kung kakarating lang siya, ang sagot niya'y oo.

Tiningnan ko agad ang oras, at napagalaman kong 20 minuto akong nakulong sa loob ng cr. Mula noong araw na iyon, hindi na ako pumunta sa locker ng mag-isa. Sabi ko sa sarili ko, okay lang makakita, basta huwag lang akong guluhin o paglaruan.

Eloise

SPOOKIFY ( HORROR TAGALOG STORY )Where stories live. Discover now