PAGPAG

69 0 0
                                    

PAGPAG

Hi admin, reader na po ako sa page nyo matagal na. Sana mapost nyo to.

Share ko po ung experience ko nung namatay ung lola ko, hindi naman talaga ako naniniwalang susunod talaga ung kaluluwa ng patay after mo dalawin. Pero nag iba talaga nung ako na mismo nakaexperience mismo.

So ung lola ko po nung nabubuhay pa mag isa syang nakatira sa bahay nya, kaya minsan don talaga ako natutulog sa bahay nya pag may kasama sya. Laging nyang bilin sakin na wag ko raw bubuksan ung pinto sa gabi pag may kumatok, dahil may kumakatok daw talaga don na hindi nakikita ng tao. Pero actually nakita ko yon, bukas po kasi ang 6th sense ko, mga around 6pm na makahoy kasi sa lugar ng lola ko kaya mga ganong oras talagang madilim na. Nakahiga ako sa duyan, dala ng pagod, nakaidlip ako ng bahagya, alam kong nagising ako kasi parang may nagduduyan sakin at kinakantahan ako. Nakamulat ako non kitang kita ko ung itim na pigura ng lalaki, malaki ang katawan, matangkad na nanlilisik ang mata. Gustong gusto kong gumalaw kaso di ako makagalaw, palapit sya ng palapit sakin, hanggang sa sinasakal nya ako at hindi na ako makahinga. Mabuti nalang nalaglag ung isang paa ko sa duyan doon ako tuluyan nakagalaw, pawis ako non kahit di gaano mainit at parang nahihirapan ako huminga.

Fast forward po nung namatay na ung lola ko, kasama ko si mama at ung kaibigan ni mama na manguha ng damit ni lola para daw sa pasabay, ung isasama sakanya pag ililibing na mga 2 days before libing ganon. Etong kaibigan ni mama niloloko ako na kunin ko ung paburito nyang damit at isama ko para di ako sundan, tinatawanan ko sya kasi nga di ako naniniwala. Isa pa kabilin bilinan ng matatandang bumisita sa burol ni lola na wag daw isama ung mga koleksyon nya ng selpon at baka tumawag samin. So diko sinama ung mga phone nya.

Dumating na ung araw ng libing, nagiiyakan ang lahat, nung nasa sementeryo kami nag speech ng konti ung kuya ni mama at si mama bago ihatid sa huling hantungan, don palang sa sementeryo masama na talaga pakiramdam ko, mabigat ung katawan ko at masakit ung ulo ko kaya di ako pinasama don sa part kung saan ilalagay si lola naiwan ako don sa may shed. After non umuwi kami don sa pinaburulan sakanya nagbigay ng pagkain sa mga nakiramay at nakilibing, nakihalubilo pa nga ako sa mga bisita.

After non, mga 3 pm umuwi ako ng deretso sa bahay namin dahil diko na kaya, parang nasusuka na ako na ewan. Nagpaalam ako kaya biniro pa ako ng kaibigan ni mama na baka sasama sakin si lola kaya masama pakiramdam ko, magpagpag daw muna ako,kaso di ako nakinig. Umuwi ako naligo at nagpahinga. Bandang 5 pm nung nakauwi sila mama, nilalagnat na ako non. Maliwanag pa pero nakahiga na ako. Nilalamig buong katawan ko, sabi ko pagod lang to. Not until, 6pm may narinig ako tumawag sa labas ng bahay malinaw na malinaw na boses ng lola ko un hanggang ngayon tandang tanda ko ung boses nya na yon pag tinatawag nya ung pangalan ng mama ko, as in super linaw ng pagkakatawag nya. Tinawag ko si mama na nasa kusina sabi ko " ma may bisita ka ata tinatawag ung pangalan mo sa labas, dalawang beses" pero pag silip ni mama mula sa kwarto ko walang tao, lumabas sya walang tao, tinanong nya ako kung anong boses sabi ko babae mukhang matanda baka kailangan ka, don nagtayuan ung balahibo ko kasi that time lang nagsink in sakin na boses ng lola ko yon, like masakit kasi katawan ko kaya parang wala sa isip ko kung anong boses o sino ganon. Pati si mama ko at mga pinsan ko nagkatinginan sila. Don ko narealize sana pinadala ko ung panty na hinahanap nya at nag pagpag ako bago umuwi.

SPOOKIFY ( HORROR TAGALOG STORY )Where stories live. Discover now