MGA PARAMDAM NI ATE

70 1 0
                                    

MGA PARAMDAM NI ATE

Naniniwala ba kayo na kapag bagong kamamatay lang ng isang tao (as in yung hindi pa naililibing), ay nagpaparamdam siya sa mga naiwan niya?  Hindi ako yung tipo ng tao na naniniwala sa mga ganito or pamahiin or whatever you guys call it pero may weird experience ako nung namatayan kami.  Hindi ko masasabi na super creepy ng experience ko pero it's definitely supernatural related kung ako ang tatanungin.

Meron akong pinsan na mas matanda sa akin ng limang taon at super close kami since childhood.  Sa super close namin, sinasabi nga ng mga kamag-anak namin na partners in crime kami or laging magka-tandem, pati yung iba kong pinsan na kapatid niya sinasabi din na parang mas magkapatid pa kami kesa sa kanila.  Super close kami to the point na magkasama kami kahit saan (pareho kaming girl, btw). Wala akong kapatid na babae kaya parang siya na yung naging big sister ko, tawagin nalang natin siya sa pangalang "Rita."

June 28, 2019, around 11PM nakaramdam ako ng lungkot.  Alam niyo yung feeling na bigla ka lang nalungkot ng walang dahilan? Ganun yung feeling ko that time to the point na naiyak nalang ako hanggang sa nakatulog nalang ako kakaiyak.  Nagising ako June 29, 2019, magfo-4:30 ng umaga super lakas ng hangin at talagang hinahangin yung kurtina sa kwarto ko.  Chineck ko lang yung phone ko nun kaya ko nalaman yung oras at bumalik na'ko sa pagtulog.  Later on, nagising ako ng medyo lagpas 8AM, bigla ko nalang nabalitaan na patay na si Ate Rita, car accident, sumalpok sa truck.  Sobrang nanlumo ako at napahagulgol, nung una hindi pa nagsisink in sa akin pero nung bumalik na ako sa kwarto ko, dun na ako naiyak.  Later on, nalaman ko na namatay pala siya around 4:30 ng umaga.  Bigla kong naalala na yun yung time na nagising ako at malakas ang hangin.  Siguro yun yung way niya para mamaalam sa akin. </3

The day after niya namatay, syempre madaming inaasikaso yung family niya.  Ako naman that time, iniisip ko ano kaya ang isusuot kay Ate Rita.  28 years old lang si ate, syempre biglaan yung mga nangyari, malamang wala namang nakahanda na damit yun.  So ako nakaisip maghanap ng damit na hindi ko na ginagamit para baka pwede ipasuot ko na sa kanya.  Meron akong white na dress na super gusto ni ate pero matagal ko na hindi ginagamit kasi medyo nadagdagan ako ng timbang, pero si ate slim sya kaya alam ko kakasya sa kanya yun.  So ako na yung nagdecide na hanapin yung damit na yun, since matagal kong di nagamit, alam ko na naitambak na yun sa mga lumang damit kasama ng mga costume ko nung bata pa ako.  Pumunta ako sa kabilang kwarto kasi dun yung naging storage room na namin.  Nagulat ako pagkasara ko ng pinto, nasa likod ng pinto yung white na dress, nakatupi na ng maayos ni walang lukot.  Nakapatong sya sa gabundok na mga tambak na lumang damit.  Imposible talaga kasi lahat ng gamit sa kwarto na yun is gulo-gulo. Sobrang kinilabutan ako that time.  Nagsalita nalang ako mag-isa sa kwarto, "Ah ito pala talaga gusto mong suotin, ate Rita at inunahan mo pa ako na hanapin ah."  So kinuha ko na yung damit at sinabi sa tita ko na ito nalang isuot ni ate Rita, kinwento ko yung nangyari at kinilabutan sila.  Mukhang yun talaga gusto niya isuot kaya binigay ko na sa kanya yung damit.

Makalipas ang dalawang araw, hindi pa naihahatid yung bangkay ni ate sa bahay para masimulan ang burol.  Nagkaroon kasi ng problema sa mga papeles kaya hindi agad maialis sa morgue si ate.  Sa ibang city kasi siya namatay kaya ang dami pa need asikasuhin sa pagkakaalam ko.  Pero nung time na yun nakuha na namin yung mga gamit niya nung time na naaksidente siya.  Yung phone niya ayos na ayos, ni walang basag sa screen, tinatry nila buksan pero wala namang nakaka-alam ng password, kahit asawa niya hindi alam.  Isang buong araw, halos lahat ng kasama ko sa bahay pinagpasapasahan yung phone para hulaan yung password pero ni isa walang nakapag-unlock.  Hanggang sa na-curious ako at nagdecide na hiramin na yung phone niya para ako naman ang mag-try.  Sa pagkakakilala ko kay ate, hindi siya magseset ng mahirap na password dahil makakalimutin siya. 6 digits ang password niya.  Lahat ng date na related sa kanya tinry ko pero hindi nag-work.  Birthday ng anak niya, asawa niya, anniversary, etc. pero wala talaga.  Naka-30 mins ata ako sa phone na yun hanggang sa napasandal nalang ako at bumulong sa hangin, "Ate Rita, pls. ipa-isip mo sa'kin yung password mo."  Wala pang 3 mins, nakaisip agad ako ng combination. Hindi ko na maalala ngayon kung ano yung password dahil sa super random niya.  Napasigaw ako nung nilagay ko yung numbers at biglang nag-unlock.  Lahat ng kasama ko sa bahay napatingin sa akin.  Lahat kami kinilabutan.

Sabi nga nila, iba talaga siguro yung bond naming mag-pinsan kaya may ganito akong experience.

Yun yung 3 major experiences ko simula nung tragic na pagkamatay ni ate.

Kayo ba? May mga similar experience ba kayo?

-Diane

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: May 08 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

SPOOKIFY ( HORROR TAGALOG STORY )Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang