Dopple ganger

180 4 0
                                    

"Dopple Ganger"

Hi admin sana po maipost nyo po itong story ko about sa dopple ganger ko, siguro sa iba hindi ito masyadong creepy but for me isa itong pang yayare sa buhay ko na hinding hindi ko malilimutan..

Year 2007 and 9 years old ako that time, nuon kasi hilig kong harutin yung anak ng kapitbahay namen 1 year and 3months lang ata yung baby diko na maalala  sa Bocaue pa kami nun nakatira, halos araw araw kada makita ko yung baby na yun hindi mawawala saken na harutin sya super cute kasi  Then one day pag daan ko sa kanila nilapitan ko yung baby tas syempre hinarot harot ko tapos yung mama nagulat saken kasi kaka alis ko lang daw ang bilis ko naman daw bumalik edi nagulat naman ako kasi di pa naman ako dumadaan or nag punta sa kanila, (Me: Hala ate hindi pa po ako pumunta dito kanina) tapos sabi naman nya (Sya: Nandito ka kanina hinaharot harot mo panga baby ko ee, tapos kinakausap kita kaso hindi ka naman nagsasalita kakaalis mo ngalang tapos wala manlang reaction mukha mo kala ko nga galit ka ee, ikaw yun kasi ganyan na ganyan suot mo kanina kaso bakit basa na yang buhok mo?) Tanong nyapa saken sabi ko naman (Me: Ee ate katatapos ko lang po maligo kahit tanong mo pa kay mama) Then sinabi ko agad sa mama ko tapos yung ginawa ni mama pinahubad saken yung suot ko, sabi ni mama kelangan daw sunugin yung suot ko kasi na dopple ganger daw ako masamang pangitain daw yun kasi may mangyayareng masama, sobrang iyak ko nun kasi takot na takot ako na baka may mangyare saken pero sa awa naman ni papa God wala ..

May part 2 pa po yan kasi naulit po nung 2015 kaso sobrang haba na ng naikwento ko kaya sa susunod nalang po yung part 2..

@emskie

SPOOKIFY ( HORROR TAGALOG STORY )Where stories live. Discover now