Nurse

300 9 1
                                    

NURSE

Hello, sana ma-post :)

Call me Willows. Di po ako marunong mag tell ng story so please bear with me nalang po hehehe. I had a sister na namatay just this year. She was just 20 years old and she died of brain tumor. Matatawag ko na medyo shocking talaga, plot twist of 2023, kasi parang ambilis ng pangyayari.

Anyway, she died after 3 months of fighting with the tumor. It was so unexpected, in a way. Recently lang, a week after I decided to write this, natapos nang ipagawa yung tomb niya. May tiles na tapos na attach na din yung lapida nya. Ma-tagal2 din napagawa yun kasi short kami ng funds nun.

A few days after natapos, bumisita kami ng cemetery. Nakaka-depress tingnan na natapos na talaga kasi parang final na talaga na wala na sya. This past few months, narealize ko na in denial padin talaga ako sa pagkawala nya.

While nandun kami, may lalaki na nag approach sa amin. Caretaker ata sya sa malapit na mausoleum namin. Akala ko manghihingi ng pamasko hahahaha, tumayo lang sya malapit sakin habang tinitigan yung picture ng kapatid ko na nasa ibabaw ng tomb nya. Yun yung picture ng capping nya, favorite picture namin lahat yun kasi super proud kami sa kanya na naaabot na nya yung pangarap nya. Kaya lang, di man lang pinagraduate.

Ilang minuto din before nagsalita si kuya. Sabi nya, "Ma'am, wag po kayo mabigla ha. Nakita ko po sya nung isang gabi."

I was a little confused with what he meant kaya tinanong ko kung yung nasa picture ba yung ibig nyang sabihin at kung ano yung ibig sabihin nya na "nakita". He explained, "Natutulog kasi ako jan sa tabi. May narinig akong humahagulhol dito banda kaya nakagising ako. Pagtingin ko sa labas, kitang kita ko po na may nurse na nakaupo jan sa tapat ng gate ng libingan ng namayapang pamilya nyo. Akala ko bisita, tatanungin ko sana kung may kasama ba sya kasi delikado dito pag gabi eh."

In my thoughts, baka classmate lang ng kapatid ko na bumisita dito kasi namimiss sya. Parang may doubts pa din po kasi ako when it comes to the afterlife or souls kasi I'm usually more on the scientific side of things. Pero, nakilabutan ako habang nakikinig. May instances na din po kasi na parang nagpaparamdam yung kapatid ko pero never sya nagpapakita. Yung usual occurences lang na may random fragrance ng bulaklak sa bahay o di kaya kandila. Minsan din napapanaginipan din namin ng pamilya namin. Tinanong ko si kuya, "Paano nyo nasabi na kapatid ko yun? Namayapa na po ata sya ngayon eh."

Sabi naman ni kuya, "Eh kasi ma'am, nag flashlight ako sa mukha nya. Akala ko nga magagalit eh. Umiiyak lang talaga sya. Kita ko po mukha nya. Pamilyar sakin eh kaya tiningnan ko rin yung nitso ng kapatid nyo kasi yan yung tinitingnan nya habang umiiyak. Nung nakita ko po yung picture, dun ko nalaman na espirito sya kasi yung mukha jan ay yung mukha din na nasa harap ko. Gusto ko nga sana pictureran kaya lang baka magalit daw."

Di ko alam kung may takot akong naramdaman pagkarinig ko nun pero alam ko na nakafeel ako ng sadness nang malaman ko na umiiyak sya. Naremember ko din kasi na just a few nights ago, napanaginipan ko sya. Medyo blurry na yung dream ngayon pero yung naremember ko, ililibing na sya nun. Bigla daw syang gumising tapos umiyak kasi ayaw nyang magpalibing. Nagmamakaawa sya kaya lang wala akong magagawa eh. Masakit pa rin isipin na baka di pa nga nya tanggap na wala na sya. Andami pa talaga nyang gustong gawin sa buhay. Sya din kasi yung paborito ng lahat kasi napakabait, generous at ang sweet pa. Kahit nga palagi kaming nag aaway, hindi tumatagal yung galit ko sakanya kasi ang galing lumambing eh.

Hindi po ako sure kung may afterlife talaga, pero sana meron nga. And if meron, sana maging mapayapa man sya kung san man sya ngayon. Gusto ko din po sana makakuha ng opinion ng readers kung ano po usually meaning pag ganito o kung ano gawin para matulongan sya? Hindi po ako religious na tao pero kahit ano, gagawin ko para lang po maging peaceful ang kaluluwa nya. Thank you!

SPOOKIFY ( HORROR TAGALOG STORY )Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz