Hiwaga ng Baguio

200 4 0
                                    

Hiwaga ng Baguio

The story that I am about to share isn’t my personal story but rather an eerie event that my mother had experienced during her college days. Habang tinatype ko ‘to kinikilabutan pa rin ako kahit hindi ko naman siya naexperience firsthand.

This story happened in Baguio City particularly sa dormitory kung saan naging bed-spacer yung nanay ko habang nag-aaral siya noon. Pero a brief background history sa Baguio City or also known as City of Pines, kilala na ang BC dahil sa mga maraming haunted places because of its tragic past. From the Japanese occupation during WWII na maraming pinat@y at tinortur3 hanggang sa 1990 Luzon earthquake na marami ring nailibing nang buhay, sabi nila ang Baguio raw ay home of lost spirits with unresolved matters.

So fast forward, alam naman natin yung buhay ng mga college students na maraming activities, may laging hinahabol na deadlines, quizzes, or exams. With this, para mas peaceful and tahimik, karamihan sa atin pinipiling mag-review  kapag tulog na lahat or kapag tahimik na.
One night habang nagrereview yung nanay ko mga around 11 pm na rin turning 12 am siguro, tulog na lahat ng kasama niya sa kwarto. Wala ka nang maririnig na nagsasalita so nakafocus lang siya kasi may exam siya kinabukasan. Inaantok na raw siya pero nawala raw yung antok niya nang may biglang lumitaw na lalaki sa harap niya. Based sa description niya, yung lalaki is walang mukha pero sa built niya masasabi mong lalaki. Yung lalaki raw na yon is nakalutang sa ere tapos binanggit niya ang mga katagang “kama ko yan, alis ka riyan”. Yung nanay ko literal daw na naghina, yung time na yon para siyang nanigas and di na niya maihakbang yung mga paa niya dahil sa takot. Sigaw raw siya nang sigaw pero hindi magising yung mga kasama niya sa kwarto na tila ba’y hindi nila naririnig kahit anong sigaw niya. Doon na raw siya nagdasal ng “Our Father”.  Pero habang pilit niya raw nilalabanan ang takot at nagdadasal daw  siya ng malakas ay ginagaya naman siya ng lalaki na parang kinukutya. Pinagtatawanan daw niya at sinasabayan yung nanay ko. Di matapos-tapos ng nanay ko yung dasal niya kasi parang gusto siyang lituhin ng lalaking walang mukha. Pero in the end, nagawa niyang tapusin yung “Our Father” kasi ginawa niya lahat para makapagfocus. Noong natapos raw siyang magdasal ay bigla nalang nawala yung lalaking walang mukha at doon na parang nahimasmasan yung nanay ko.

Kinabukasan, nakwento raw niya iyon sa mga kasamahan niya pero wala naman daw silang narinig na kahit ano.

Sa sumunod na gabi, yung isang kasama naman daw nila sa kwarto ang nakakita ng multo pero this time, iba yung nakita niya. Isang babaeng duguan na may rustling sounds of chain or kadena sa paa while pilit niyang hinahatak habang naglalakad tapos parang nanghihingi ng hustisya.

So ayon, I hope na-enjoy niyo yung shinare kong story. May mga iba pa akong mga kwento about sa Baguio pero siguro sa susunod na kung mapagbibigyan ulit. Let me know nalang guys if gusto niyo rin hahahaha! Btw, don’t worry kasi there are many things naman that Baguio can offer. For example, beautiful sceneries, delicious foods, and most especially, yung mga cultures ng mga tao roon.

Tempest

SPOOKIFY ( HORROR TAGALOG STORY )On viuen les histories. Descobreix ara