Pinsan

199 8 0
                                    

Pinsan

"This happened almost 5 years ago. If i'm not mistaken nasa 6-7months old palang baby ko noon. That time, halos 2 nights na hindi nagpapatulog baby ko. As in wala kaming tulog dahil magdamag siyang umiiyak for no reason. Chineck nanamin if may kabag, pati if may poops or wiwi pero as in wala talaga. Pinapadede ko kasi breastfeeding ako noon, pero ayaw niya talaga. Nabulabog talaga kaming lahat noon, kasama ko sa bahay tatlong hipag at bayaw ko kahit sila hindi siya mapatahan. Pabalik balik kami sa loob ng kwarto at sala noon, kasi di siya mapalagay talaga. Siguro nakakatulog kami 1-2 hrs pero maya maya e iiyak at manggugulo nanaman siya.

The next day nagpasya akong ipa albularyo siya, kasi awang awa na ako sa baby ko 2nights na halos hindi makatulog. Naniniwala ako sa albolaryo pero mabusisi ako, alam ko kung magaling siya talaga or hindi. Yung pinuntahan namin sikat dito sa lugar namin, magaling talaga siya lalo na nung nasubukan namin. Pagpasok mo sa bahay niya meron siyang altar para sa mga santo. Dun ka maglalagay ng ""alay"" after magamot.

Pagbungad namin tinanong lang edad ng anak ko, at ano ang sadya namin. Sinabi ko nga halos hindi nakakatulog iyak lang ng iyak. Nagulat talaga kami ng hipag ko pagkasabi ng manggagamot ""May namatay kayong babaeng pamangkin diba? Siya ang kalaro ng anak mo pag gabi, nakakatuwaan niya ang baby mo kaya di nakakatulog"" dun kami naschock kasi totoo yun. Bago ko pa man mapanganak si baby ko, namatay ang pamangkin nila. I mean, buntis palang kase ako nung mamatay siya. I think nung time na yun mag 2 yrs ng patay pamangkin nila. 4 yrs old palang yata siya nung kunin siya ni Lord. After magsabi ng mga dapat gawin, dinalaw din namin puntod ng pamangkin nila. Sabi ko wag na niya kalaruin si baby ko pag gabi kasi hindi nakakatulog. Alam ko sinabi ko sakanya na dadalaw kami yearly sa puntod niya kasama pinsan niya (baby ko) para kahit papano e matahimik siya.

And yes, yearly dinadalaw namin puntod niya pero alam ko thrice palang namin nasasama baby ko.

Mae, kung asan ka man now alam ko happy kana dyan. Pinakilala na kita sa pinsan mo, sabi niya pa ""Ate mae"" pero wag mo na siya dalawin ha? 😊 Miss ka na namin, lalo na mga Tita mo. Wag ka mag-alala, yearly ka namin dadalawin kasama si Pinsan mo.

SPOOKIFY ( HORROR TAGALOG STORY )Where stories live. Discover now