DUYAN

45 0 0
                                    

" DUYAN "

Hi Spookify,silent reader here. I just wanna share something about my nephew's experience.

Nangyari ito no'ng year 2021,4 years old ang pamangkin ko non.Matagal ko ng napapansin na kada hapon satwing nag lalaro sa labas ng bahay namin yung pamangkin ko may kinakausap sya na diko nakikita pero baliwala lang para sakin kasi baka normal lang yung ganyan kasi nga bata,halos kada hapon syang nag lalaro sa labas at kada hapon din syang may kinakausap kaya one time tinanong ko sya kung sino ang kausap nya.

CONVO NAMIN;

Ako: Loy sinong kausap mo sa labas kanina?

Loy: kaibigan ko tita

Ako: Sino?

Loy: Diko alam name nya tita

Ako:Babae o lalaki?

Loy: Girl tita

Dun na ako nag taka kung totoo bang may nakikita talaga sya or may nakakausap ba talaga.

Isang hapon nag lalaro sya sa labas tapos kami ng fam. ko nasa loob lang ng bahay nag kakape ng biglang sumigaw ito at umiiyak iksaktong alas 5 yun ng hapon.Tinanong sya ng papa ko kung bakit sya umiiyak.

Papa: Bakit ka umiiyak kuya loy?

Loy: Inaway ako nung babae papalo

Sabi ko: Bakit naman?

Loy: Gagalit sya kasi ayaw ko daw sumama sa kanya.

Mama niya: O tapos?

Loy: Natakot ako kasi dumugo yung mata nya at galit ang mukha nya

Papa: Dapat kapag hapon na dina dapat yan pinapalabas ng bahay baka kung ano2 ang nakikita nya.

Ilang araw ang dumaan mula noong may nangyari sa kanya dina namin sya pinapalabas ng bahay sa duyan nalang sya palagi minsan sa sofa namin.

At dumating yung araw na di namin inaasahan,Friday yun nasa loob kami ng bahay kami nina loloy,papa ko,mama at papa nya.Nagulat kami kasi nasa duyan lang sya nun natutulog,yung duyan namin ay nasa kusina namin at nan dun mama nya sa kusina ng lalaba.Nagulat nalang kami ng umiyak sya bigla grabi yung iyak nya tinatawag nya mama nya kaya dali2 kaming lahat pumunta sa kusina at tinignan sya,tinignan ko rin cp ko kung anong oras,eksakto alas 5 ng hapon ng yari yun,tinanong sya ng mama nya.

Mama nya: Anong ng yari sayo anak?ok kalang?

Papa nya: Ano bang panaginip mo't napa sigaw ka jan?

Loloy: kanina pa ako gising mama(habang umiiyak)

Mama nya: Ganon?kaya pala may naririnig akong humihikbi kanina,ikaw ba yon?

Loy: Opo ma.

Ako: ano ba nyari sayo loy?

Loy:May babae po naka tingin saakin

Ako:Sino?

Loy:yung kalaro ko tita,abi nya kunin nya raw ako, isa lang mata nya,may blood ang mukha nya tsaka wala sya paa.

Mama nya:Tapos?

loy: galit sya mama kasi di ako sama sa kanya sabi ko ayuko takot ako sakanya.

That time naka tayo ako malapit sa duyan at naka dungaw ako sa kanya(kay loy)
Nanginginig akot tumayo balahibo naming lahat,feel na feel ko yung lamig sa batok ko as in subrang lamig tawa tawa pako nun at pabiro kung sabi " grabi naman ang lamig para akong nasa ref haha " . Binuhat ni kuya si loy,naka yuko lang sya nun,pag tingin nya sakin sumigaw syang " waaag tita,waag " habang umiiyak pag lingun ko sakanya bigla akong bumagsak,diko na alam ang sunod na ng yari.

Nagising ako alas 8 na ng gabi,sabi ko  sa mama ko

Ako: Ma anong ng yari kanina?

Mama ko: Nahimatay ka

Ako: Bakit sumisigaw si loy kanina?

Mama ko: sabi nya nasa likod mo raw yung babae at sabi ng babae papatayin ka daw nya

Ako: Seryuso ka ma?wag monga akong takutin ma grabi ka

Mama: Di ako nag bibiro yun talaga sabi ni loy.Kaya dapat bukas ng linggo mag simba kayo ni loy at tsaka papa binditahan natin itong bahay natin tsaka itatapon natin yung duyan.

Ako: Bakit itatapon?

mama: kasi sabi ni loy lagi daw nya nakikita yung babae jan sa duyan naka upo at naalala ko rin,matagal na yang duyan na 'yan 7 years old kapalang nyan,ngayon 17 kana tsaka disatin yan galing yan sa lolo mo nakita nya lang yan dun sa lumang bahay ng kapatid nyang matagal ng patay,kinuha nya lang yan don kasi maganda daw at binigay sakin baka yung sinasabi ni loy na babae baka yan yung may ari ng duyan na yan.

Kaya pag sapit ng linggo nag simba kami ng pamilya ko,at pinagdasal ko na sana dina ito mauulit sakin at sa kay loy at sana dina mangugulo yung babae.

Yun lang po Spookify.Thankyou kung ma post mo ito, and thankyou for reading☺️

SPOOKIFY ( HORROR TAGALOG STORY )Where stories live. Discover now