PRINZA POLCENA

46 0 0
                                    

PRINZA POLCENA

i just wanna share my short story, hindi ko na papahabain yung kwentong nangyari sa buhay namin kasi medyo nakakakilabot din, hindi rin po ako magaling magkwento pasensya napo

so eto na nga, nagbalak kami ng kaibigan ko na sina kerby, myre, louie at carlo na mag nature trip sa prinza polcena, pumunta kami ng mag aalas dos ng hapon, medyo mainit pa ang mga araw na 'yon, malayo layo rin ang nilakad namin bago makapunta sa paroroonan namin, nakapunta na kami sa prinza polcena ng mag aalas tres ng hapon kaya naman eh nagpahinga na muna kami bago maligo, inayos na rin muna namin ang mga gagamitin namin para sa tutulugan namin, so 'yon natapos na nga kami sa mga inayos namin, “ano tara na maligo guys?” sabi ni kerby sa mga kaibigan namin, mga ilang oras ay natapos na rin kaming maligo at kumain na kami kasi gutom na rin kami dahil din sa pagod, mag gagabi na nga ay pumasok na muna kami sa tent upang magpahinga, nagkwentuhan din kami ng nakakatakot para hindi kami maboring nung mga gabing 'yon so bali dito nga pala kami matutulog nun kasi trip nila na bukas nalang daw umuwi, so 'yon deal naman sa mga iba naming mga kaibigan na dun na nga lang matulog, so 'yon nga matapos kaming mag kwentuhan ng mga nakakatakot na storya ang may narinig si carlo na humihingi daw ng tulong "guys may narinig ba kayong huminihingi ng tulong?" wala naman, sabi ko. lumabas kami upang hanapin or tingnan kung saan nanggaling yung boses na 'yon, hindi kami mapakali sa sobrang nakakakilabot, boses lalaki kasi yung humihingi ng tulong ang akala ko ay mga kasama ko lang din yun, akala ko eh nagbibiro lang pero hindi parang sa malayo kasi nanggaling, "tara na guys matulog na tayo inaantok na ako eh, bukas nalang natin pag usapan 'yan pag uwi natin sa bahay' sabi ni kerby sa mga kaibigan namin, so 'yon nga kinabukasan ay nakauwi na nga rin kami mga mag aalas syete na rin siguro kami ng maaga nakauwi dahil na rin sa takot, kinuwento rin namin sa mga magulang namin yung nangyari nung gabing 'yon saamin, laking gulat namin na may namatay nga raw dun nalunod at hindi na nailigtas nag nature trip din daw kasi 'yon kasama ang mga kaibigan kaso nalunod at hindi na natulungan, so 'yon hanggang dito ko nalang ikekwento yung mga nangyari sa'min, thankyou sa pagbabasa.

SPOOKIFY ( HORROR TAGALOG STORY )Where stories live. Discover now