ROAD TRIP

74 0 0
                                    

Roadtrip

hi sana mapansin.. last month umuwi kami ng husband ko sa pangasinan, sa bahay ng tatay ko pati ung ibang kapatid ko sa manila at pinsan ko sa side ng tatay ko umuwi din silang lahat. kaya ayun parang naging mini reunion yung pagkikita kita namin. March 26 yun last month lang, tapos March 27 saturday yung kuya kong taga baguio nagyaya umakyat sa kanila so Sunday ng March 28 bumaba na kami. akala ko maaga kaming bababa ng Baguio kaso hapon na kami nakababa dahil namasyal pa kami. ay oo nga pala dati kaming taga manila ng husband ko, kaso lumipat na kami sa Baler, Aurora sa bundok kami ng sierra madre kamidumadaan lalo na kapag pababa kami papuntang manila. kapag pauwi na syempre aakyat ulit kami ng bundok.
umalis kami ng pangasinan 5:30 na ng hapon, nakarating kami ng Rizal Nueva Ecija 9:30pm yun yung paanan ng bundok na sinasabi nila ng husband ko actually dalawa ung daanan papuntang baler isa villa at yung isa naman sa pantabangan ang daan sa villa sabi ng husband ko sobrang dilim na daw dun at walang street light halos pati street sign hindi katulad sa pantabangan e lahat ng dadaanan mo may street sign at kahit papano may mga makakasabay ka hindi katulad sa villa halos wala talaga dahil takot din dumaan yung karamihan.

so eto na nga halos wala pa naman kami sa kalagitnaan ng bundok syempre pakurba mga daan may nauuna saming kotse nung una tapos mabilis naman magpatakbo nung una sa pakurba na medyo bumagal sya kaya ginawa ng husband ko nag over take sya tapos sa pababa ng pakurba may kotse sa harap namin yung kotse is sobrang luma na parang 90's ata yung model basta luma na sya ganun. sa pakurba na pababa okay pa yung takbo ng kotse nila e biglang paahon na kasi kaya yung kotse nila bamagal na at parang hirap umahon, so yung kotse nila grabe yung usok na nilabas kaya sabi ko "unahan mo na nga yan mahal, grabe naman yung usok itim na" so inunahan na ng husband ko. paglingon ko sa kotse nila natakot talaga ko kasi nakita ko yung driver matandang lalaki na at naka shades pa. yung katabi nya sa driver seats e babaeng nakabelo ng puti tapos pareho sila nakatingin lang sa iisang direksyon. tapos yung ilaq nila sa loob ng kotse sobrang liwanag hindi ko alam kung saan nanggagaling yung aobrang liwanag na ilaw na yun para bang may floresent lamp nakakabit sa kotse nila. pero yung backseat nila sobrang dilim e diba kapag ganun dapat kita mo na din ying likuran ng kotse dahil sa liwanag. kaya nung nakalampas kami hinarurot na ng asawa ko akala ko nakita nya kaya pinabayaan ko na sya. tapos nkalagpas na kami sa kotse na yun. sabi ko sa asawa ko pagdating sa bahay may kwento ako sayo. tapos edi byahe pa dn kami merun kasi kaming dalang kahon tinali ng asawa ko kasi yun yung mga pinitas nilang mangga, e tinakpan nila ng sako. sakanang balikat ko parang may humihimas, akala ko yung sako lang natanggal sa pagkakatali kaya nilingon ko paglingon ko yung sako hinahangin lang naman hehe.. hanggang sa makarating kami sa border na sinasabi nila buti na lng may mga bukas na tindahan na dun huminto muna kami ng husband ko kasi ansakit na rin ng pwet ko sa byahe hehe.. paghinto namin dun ayun nawala naman na yung humihimas sa balikat ko. tapos kinabukasan nagkwento kami sa mga taga rito talaga sa balee na matatanda, sabi nga nila marami daw talaga sa bundok lalo na at gabi. kaya ayoko na maulit yung experience namin ay ako lang pala hehe. first time namin kasi umakyat ng gabi at naka single motor lang kami. salamat po.

SPOOKIFY ( HORROR TAGALOG STORY )Where stories live. Discover now