Ukay-ukay

308 5 0
                                    

"UKAY-UKAY"

Hi po first time kong mag sesend ng spooky story ko na base from my real experienced, hindi ako ganun ka galing mag kwento so bare with me😌 Tayong mga pinoy mahilig talaga tayo sa mga UK na damit short for Ukay-ukay maliban kasi sa madalas magaganda ang mga quality ng mga damit dun ay mura pa. May baby ako, and she's almost 2 na. Ang lola nya ay sobrang hilig mamili sa ukay-ukay, madalas kapag namimili ito sinasabay nya talaga ang pagbili ng mga damit sa apo nya. One time meron syang nabiling dress for my baby, cute sya na vintage style yung dress alam nyo yung style na maraming burda? ganun ang design ng dress na nabili nya for my baby. Manipis lng naman yung tela pero ang cute nyang pantulog isa pa presko sya kaya I decided na pantulog na lang ng baby ko since sobrang pawisin ng anak ko. FF ng story the first night na pinasuot ko ang dress ok naman, pero nung umulit ay may weird na nangyari, biglang gumising ang anak ko ng midnight at umupo tapos nagsasalita na parang may kausap. As a mother, bawal nega so inisip kong baka nanaginip lng sya. but the next night iba yung ginamit nyang damit okay naman tulog nya, then third time na ginamit nya ang dress na yun ay biglang ganun nanaman. the fourth and fifth time ay same situation, bumabangon sya tuwing midnight parang may kausap. nakaramdam ako ng weird feeling sa damit na yun, since nangyayari lng sya tuwing suot nya ang damit na yun. So sa takot ko kwinento ko ito sa husband ko and we decided to declutter the dress. Ang creepy lng kasi buti nalng talaga malakas prayers ko ang kapit ng baby ko sa guardian angel nya. So ayun lang po, di talaga natin alam kung saan nanggagaling ang mga damit an anbibili natin sa ,ga ukay-ukay at kung sino ang may ari ng mga ito bago mapunta sa atin. Siguro yung damit na napunta sa anak ko ay sa batang sumakabilang buhay at maybe may sentimental value ang damit kaya sguro binobother nya ang baby ko.

-Concernedmomma

SPOOKIFY ( HORROR TAGALOG STORY )Where stories live. Discover now