Satanic Rosary

512 11 0
                                    

SATANIC ROSARY

Hi po! I'm Akemi (not my real name). Sana mabasa at mapost niyo po ito Admin. Para narin ma -aware din ang iba about this. This confession is purely based on a true events.

Narinig niyo na ba noon ang balita tungkol sa fake rosary or what we say Satanic rosary? Isa itong rosary na kakaiba na maaaring pamugaran ng mga demonyo. Kung sino daw ang nagmamay ari nito ay makakaranas ng malas sa buhay at kababalaghan na gawa ng demonyo. Kung susuriing maigi kakaiba ito sa ibang ordinaryong rosary sapagkat bawat sulok ng krus ay may araw, meron ring ahas na nakapulupot kay Hesus. At imbis INRI ang nakalagay nito sa taas ay may thorns o sungay sa ulo ni Hesus. Kumalat ang balitang ito noong 2017?(not sure nakalimutan ko na kasi.) ngunit sa kasamaang palad, hindi namin ito napanood sa tv or sa radyo kasi mas mahilig kami manood ng movies kesa sa balita.

Now, the story started way back on year 2015. Magulo yung Family namin. Puro away ng dahil sa pera. Tapos lunod pa kami sa utang noon, andami pa naman namin magkakapatid (glasses emoticon. Minsan talaga maiiyak nalang ako kung bakit ganito yung buhay namin. Lumipas ang ilang taon, nadagdagan pa yung problema namin. Pinalayas kami ng owner ng lupang tinitirhan namin. Wala na kaming nagawa non. Plus si mama nabuntis ulit(pangsiyam). Galit na galit kami nila papa at mama non. "Wala na nga tayong halos makain tas nagdagdag pa?"iyon nalang ang nasabi ko.Mas humirap pa yung buhay namin tas wala ding kuryente. Ilang buwan ang lumipas at sa di inaasahang pangyayari namatay si mama sa panganganak niya. Napuno ng iyakan ang bahay namin non. Nawala yung hatred ko at napalitan ng guilt. Napakabait niyang ina... Gusto kong humingi ng tawad pero huli na... Wala na siya... I felt sorry... (Sorry ma).

Matapos ang libing ni mama, doon na nagsimula ang mga kababalaghan na nangyari sa amin. Una naming na notice ay ang napakabahong amoy sa bahay specifically sa kwarto. Masangsang ang amoy. Lagi pa ngang nagrereklamo si kuya non kasi napakabaho daw sa may ulo niya. Wala namang dahilan para maging mabaho yun. Malinis yung bahay namin. Pangalawa, tuwing gabi maingay palagi yung dingding namin. Parang kinakamot yung dingding ramdam ko yung kuko nito. Pero sabi ni Papa aso or pusa lang daw yun kaya di na namin pinansin. Hanggang sa isang gabi, tulog na tulog na kami noon nang bigla nalang sumigaw si ate Aiko(not her real name) ng...

"Pa!! Naay wakwak!!!! " (Pa! May aswang!)

Napabangon kaming lahat at napasigaw din sa gulat. Si papa naman ay dalidaling bumangon at kumuha ng itak at pinuntahan si ate sa kabilang kwarto. "Nasaan?! " sigaw ni papa nang makapasok sa kwarto nila ate. Dalawa kasi yung kwarto namin. Ang iba ko namang kapatid ay sala natutulog. Di na rin ako makatiis at sumunod ako kay papa, natatakot na ako that time. Kaso pagdating ko umiiyak si ate Aiko habang nakayakap sa baby bunso namin. Tinanong ulit ni papa si ate kung anong nangyari. Sabi ni ate binabangungut daw siya at may nakita siyang tao o anuman yun pero di niya maaninag dahil na nakatayo sa may paa niya. Nakakatakot daw yung boses.
Simula ng gabing iyon, palagi na kaming binabangungut except nalang sa mga nakababatang mga kapatid ko. Every 1-3 am nagsisimula ang sleep paralysis. Kung sino ang makakatulog, aatakihin agad ng sleep paralysis. Kaya naman walang gustong matulog sa amin. Si Papa naman at Kuya hindi natutulog dahil sa kakabantay sa amin since may minsan di namin maiiwasang makatulog kaya binabantayan nila kami. Pag may napansin agad sila kuya at papa na may binabangungut na naman agad nila itong ginigising. Naawa na nga kami sa kanila kasi mugto na yung mata ni papa tapos papasok pa siya sa trabaho kinabukasan. Yung pag-aaral din namin apektado kasi lagi kaming naka tulala at nanginginig pa rin sa takot. Gabi-gabi na rin kaming nagrorosary noon bago matulog for protection. But wala pa ring nangyayari, lumala lang yung sitwasyon namin. Malayo din kami sa kapitbahay. Nakatira kasi sa may palayan kaya wala talaga kaming mahihingan ng tulong kung sakali. Sabi nila aswang daw gumagambala sa amin. Sabi naman ng iba yung mama daw namin nagmumulto. Pero hindi kami naniniwala na si mama yun kasi napakabait ni mama. Ayaw niya kaming natatakot noon pa man at araw-araw din namin siyang pinagdadasal.

One night, nakatulog kaming lahat pati si kuya at papa tulog na din dahil sa pagod. Then here we go again, binangungut na naman yung isa kong ate. Katabi ko siya that time kaya napansin ko agad. "Hmmm! Hmmmm!!!! " yun lang naririnig ko sa kanya habang nakapikit pa rin ang mata niya. Napakaduwag ko ng time na yun. Di ko man lang ginising si ate. Dagdag mo pa yung mahinang ilaw ng lampara. Takot na takot na ako. Di nagtagal ay mas lumakas yung ungol ni ate kaya napabangon agad si kuya at pinuntahan agad si ate. " Hoy gumising ka! " sabi ni kuya pero hindi pa rin nagising si ate. Niyugyug na rin niya ito at paulit-ulit na sinigawan at sinampal pero wala pa din. Takot na takot na ako at nakaupo lang sa tabi habang pinapanood si kuya. Napabangon na din si Papa at ang iba ko pang kapatid dahil sa ingay ni kuya at pumunta sa kwarto namin. Bigla akong tinawag ni kuya at inutusan na kunin ang holy water sa altar na nasa sala. Nagdadalawang isip ako non pero nilabanan ko ang takot at agad na kinuha ang holy water. Pagkatapos kong maibigay kay kuya ay nilagyan niya agad ang noo ni ate ng holy water with a cross sign. Doon pa nagising si ate. Pagmulat ni ate ay napakapula ng mga mata niya. Hinihingal din siya at pawis na pawis. Tumitig siya sa amin isa-isa, nanlilisik ang mga mata niya. Maya-maya ay medyo kumalma siya pero bigla siyang napatingin sa gilid niya pagkatapos ay umiyak at niyakap si kuya. Sabi niya andiyan pa din daw. Andoon pa rin sa gilid niya ang babae na nakita niya sa panaginip.Kahit wala kaming makita sa tinuturo niya ay ramdam namin ang malakas na puwersa nito. Winisikan agad namin ng holy water ang lugar kung saan siya nakaturo. Nang kumalma na si ate ay tinanong agad namin siya kung anong nakita niya. Sabi niya may nakita daw siyang babaeng sobrang nakakatakot ang mukha na tumabi daw sa kanya. Nakatahi daw ang bibig at walang itim ang mata, maputla at buhaghag ang buhok.galit na galit daw ito habang nakatitig sa kanya."Parang isang demonyo. "sabi niya."The presence was so strong. Nakakatakot ang boses." dagdag pa ni ate habang nanginginig sa takot. Tumayo lahat ng balahibo namin sa sinabi ni ate. Simula noon ay iniwan muna namin ang bahay dahil hindi na rin kami makatiis. Muntik ng masaniban si ate kaya wala na dapat kaming dahilan para magstay dito. Nakitira muna kami sa pinsan namin. Akala namin titigilan na kami ng demon or something pero mali.... Hanggang dito sa bahay nila pinsan ay ginagambala pa rin kami tulad ng nangyari sa bahay namin. Creepy noises, sleep paralysis, and poltergeist. Pinablessing namin ang aming bahay at napagpasyahang bumalik na doon. Nahihiya na rin kasi kami kung mananatili pa rin kami sa bahay ng pinsan namin. Mga 1year din kami don sa kanila.

December, 2016. Bumalik na kami sa creepy house namin. Medyo nawala-wala na din yung takot namin kasi meron na kaming kuryente. Atleast, di kagaya nung dati na nangangapa pa kami sa dilim at kilabot. Medyo Okay na yung pagtulog namin. Wala na ring mga nakakatakot na experiences. Pero sometimes binabangungut pa rin sila ate. Alam naming andito pa rin sila(dark energies, demons or anuman iyon). May one time pa nga na nanaginip si kuya, nagpakita daw sa panaginip niya yung babaeng sinabi ni ate noon. "Papatayin ko kayo lahat. Papatayin ko ang lahat ng minamahal ng iyong ina! " yun daw ang sabi sakanya ng demon. Pinilit naming kalimutan ang lahat. Di na namin pinansin para na rin mamuhay na kami ng mapayapa.

2017(Nakalimutan ko na kung anong month and date)

Napanood namin nila ate sa youtube yung about sa Satanic rosary.Minsan kasi nakakapagload kami. Pagkatapos naming napanood yun ay pinatingnan ni ate sa amin kung may ganun ba din kami na rosary. At dahil mabait kami na bata(insert sarcasm), hindi namin hinalungkat lahat ng rosaryo namin dahil sa tamad.

One day,Pinahanap sa akin ni ate yung charger niya kasi nawawala. Hinanap ko naman sa lugar na madalas lagyan nila ng charger pero wala(mabait ako ngayon eh XD) . Sa diko malaman na dahilan ay dinala ako ng mga paa ko sa kwarto. Hinanap ko agad doon. Nakita ko ang charger na nakasabit sa dingding but suddenly bigla akong napatingin sa rosaryo na nakasabit lang din katabi sa charger. Biglang tumayo lahat ng balahibo ko ng mapansin ang rosary na kahawig nung nasa balita. It is a satanic rosary! Kinuha ko agad ito at pinakita nila ate. Pati din sila napasign of the cross dahil sa nakita. At hindi lang pala isa ang mayroon kami, kundi 3!at ito siguro ang nagagamit namin kapag nagrorosary kami!Hindi namin matandaan kung sino at kailan binigay sa amin ito.
Hindi na kami nag-aksaya ng panahon, sinurrender agad namin yung mga satanic rosary sa pare. Buti nalang talaga nakita ko yun. Siguro yun ang dahilan kung bakit kami naghihirap at nakaranas ng mga nakakatakot na bagay. Thank God. Kaya sa inyo diyan, please try to look your rosaries.. baka meron din kayo. Kung meron man, isurrender agad ito sa pare. Huwag na ipamigay sa iba. Huwag itapon kahit saan baka may makapulot. Mas makabubuti kung ibigay ito sa church dahil sila na ang bahala diyan. I recommend you to try to watch on youtube about Satanic rosary for more info. Baka sakaling makatulong ito sa inyo. Na ibalita na ito sa Ratedk at iba pang news.Be aware! Godbless!

Sorry po kung napahaba ko salamat sa pagbabasa.

SPOOKIFY ( HORROR TAGALOG STORY )Where stories live. Discover now