OFFICE

66 1 0
                                    

Office

Hi po sana ma post to admin.
ako nga po pala si Lance isa akong Auditor sa pinapasokan kong Construction firm. Nangyari to last 2022 sa akin. Newly hired ako noong pumasok sa kompanya, naalala ko sabi ng HR sa akin na agahan ko pumunta ng office for orientation. That time on monday sobra aga ko talaga nakarating sa office bored na kasi ako kaka  istambay at bakasyon from my previous company na nagresign ako. Bandang 7 am  pag dating ko ng office pinark ko muna yung motor ko saka kinausap ko yung guard binati nya narin ako ng " magandang umaga sir ikaw pala yung bagong hired sabi ng HR sa akin" sagot ko naman ay "ay opo chief ako nga po pala si Lance" fast forward 7:50 am dumating yung HR at ibang mga staff sa office magiliw naman nila ako tinanggap at binati pinapasok narin nila ako sa office. Pag pasok ko sa conference room for submitting my documents and orientation bigla nalang ako may napansing anino sa may pintuan ng conference room at may nag sitsit sa akin naamoy ko rin yung parang may nagsiga ng kandila, di ko nalang pinansin yun at baka may nag lilinis lang don. Saglit ang nakalipas dumating ang HR at almost 1 hour din kami bago natapos saka ako nai forward sa Audit head ng company. Kinabukasan habang nag sisimula na akong mag trabaho napansin kong maagang nagsisiuwian ang mga staff ng office nagulat ako na wala pang 5 pm ay di sila mapakali. Bandang 5:15 pm ng naka salubong ko sa may pintuan ang Audit head sabi niya na kung wala naman akong trabaho at di mag oovertime maari nadaw ako umuwi kasi siya maauuna nang umuwi. Bandang 5:26 pm Nang hanapin ko yung susi ng motor ko nagulat ako na wala yun sa drawer ng table ko imposible hindi ko nailagay yun dahil di naman ako makakalimutin, umalis ako kanina para mag lunch sakay ng motor ko at umaga pa ako huling nag CR saglit kong hinanap yung susi hangang sa napad pad ako sa CR nasa sahig sa mag gilid ung susi ng motor ko. Nanlamig at nagsitayuan ang balahibo ko ng biglang may dumaan sa gilid ko rinig ko rin yung yabag ng mga paa. Dali dali kong pinulot yung susi ng motor ko at binitbit ung helmet ko pati laptop sa taranta ko. Pagbaba ko ng parking lot tumawa yung guard sa akin ng para bang nang iinis. "Sir ingat ingat ka jan sa pagbaba" hindi na ako nakakibo pumunta nalang ako sa motor ko at umuwi ng ng bahay. Fast forward  2 months ago wala na ako nararamdamang kakaiba, pero isang hapon deadline nadaw ng quarterly audit report ng kompanya kaya kailangan namin mag overtime,  anya ng audit head "Lance mag oovertime  tayo mamaya sagot ko na yung dinner mo kasama mo naman si Lyka at si Shane total ikaw lang yung lalaki sa kanila eh baka pwede mo silang samahan mamaya deadline narin kasi kailangan ma isubmit ung report bukas for board meeting presentation" sagot ko naman "sige po wala problema ma'am" at napatango nadin sya kailangan daw nya kasi umalis kasi birthday ng papa nya at nagpaalam na ito sa amin, saka na kami kumain ng mga kasama ko by 6pm . Bandang 8 pm medyo na feel ko na inantok bigla nalang pmunta si shane sa akin sabi nya nagaamoy kandila daw saglit kami nagkakwentuhan na iba daw yung paki ramdam nya dito sa office sa tuwing kakaunti lang ang tao bigla nalang daw nawawala ung ballpen at cellphone nya at nikita rin naman nya sa ibang sulok ng office. Maya maya dumating din si Lyka Naisipan nilang omorder ng food at nakisabay narin ako ng isang mainit na kape. Mayat maya may kumatok sa glass door ng office namin at ako nalang yung tumayo para tingnan baka kasi dumating na yung inorder namin. Pag bukas ko ng pinto nagtaka ako dahil wala namang tao pinuntahan ko rin yung guard at wala sya sa guard house. Saglit kong hinintay ung guard yun pala ay nag CR lang sya, sinabi ko rin na may kumatok sa glass window at bakas pa dito yung kamay. Sinagot naman ako ng guard na imposible naman sya yun dahil malayo ung CR sa glass door ng office namin kwento pa nya marami raw talaga nagpaparamdam sa office namin pinipigilan lang sya ng management na magkwento dahil sa marami ng nag resign sa kompanya dahil rito. Mayat maya dumating narin ung foods na inorder  namin pagka akyat ko sa taas ay kumain kami at ng kwentohan ng mga taga audit department wala rin pala clang 6 months simula noong na hire sila dito at same sa akin kakaiba yung nararamdaman nila at di ako nag iisa natatakot din silang mag overtime ng walang kasama dahil nag aamoy kandila sa  conference room at usok daw sa may bandang CR . Sabi pa ni Lyka may isang beses daw na nagkalat ung papel nya ng umaga gayun wala naman tao na naka duty noong gabi na yun nagtanong narin cla sa guard at hindi rin ito umimik masyado sa kanila. Alas 9:45 pm umakyat yung janitor namin hindi ko nadin nagtanong kasi siya ung medyo matagal na sa amin, nag kwentuhan kami anya  ayaw daw nya talagang umakyat dito pag walang tao kasi nagpagtrtripan daw sila ng mga maligno na naka tira sa office ilang beses narin daw nai pablessing yung office at bumabalik parin sila at pinasasabihan narin ng management na tumahimik nalang para wala ng issue. Bandang 11 pm natapos narin ung audit presentation namin para bukas at nag email nako sa audit head sa ginawa namin. Pa out na sana kami ng biglang nag amoy kandila ang paligid at nasusuka ako na parang may usok, napagisip isip ko na baka maligno nga talaga ung laging nagpaparamdam sinecure narin namin yung mga gamit namin at baka may mawala na naman ulit. Dali dali kami nagsilabasan at pinatay narin namin yung mga aircon at computers bitbit ko na rin yung laptop ko saka ng time OUT sa biometric for log out attendance. Kinabukasan pagpasok namin sa office nagulat kami kami ng naging makalat yung office namin, lahat ng documents ay nakakalat sa sahig nagsibasagan din yung plato sa may pantry namin, galit na galit yung finance manager at tinawag yung guard. Anya ng guard at ni Lyka na maayos naming iniwan at sinarado yung office kagabi bago kami nag out nag suggest rin yung guard na i review yung CCTV kagabi agad naman binuksan ng IT ung computer at ni review yung CCTV laking gulat namin na kusang gumalaw ung mga mesa at nasibagsakan yung mga plato at baso sa pantry makikita rin sa iba pang angulo ng CCTV na panay galaw ng mga pintuan at on off ng mga computer nagkalat din ung mga papel at documento sa sahig na para bang may malakas na hangin na nagpakalat nito. Anya ng guard hindi daw nya narinig ung pagbagsak ng mga plato at paggalaw ng ibang pinto sa office pag amin nya na nakatulog daw sya ng mahimbing dahil hindi dumating yung ka relibo nya. Gulat na gulat kaming lahat sa na tuklasan namin hindi rin makapaniwala yung audit head namin na hindi naniniwala sa mga dating kwento. Sa isang banda after ng board meeting napagpasyahan ng management na ipagbenta nalang ang naturang office at lumipat na kami ng ibang opisina sa susunod na buwan. Sa isip ko at ng mga katrabaho ko sa ibang department, natatakot talaga kami at nag suggest muna kami na hindi na muna mag oovertime hanggang sa makalipat na kami ng opisina. Sa huli naging okay kami sa bago naming nilipatan na opisina, sa pagkakaalam ko nabili daw yun ng isang mayamang intsik at pinabaklas, renovate at ginawang malaking bodega yung dating office namin. Hanggang sa ngayon iniiwasan kung padaan sa lugar na yun natatakot ako maalala yung mga nangyari sa akin sa office na yun kaya nagtiyatyaga talaga ako umikot at mag ibang daan para pumasok sa trabaho. 

- Lance

SPOOKIFY ( HORROR TAGALOG STORY )Where stories live. Discover now