Chapter 1

1.4K 21 8
                                    


Kinse pesos. Tatlong minuto na akong nakatayo dito sa bus terminal habang nakatitig sa palad ko. Kinse pesos nalang ang meron ako, pano pa ako makapunta nito sa distenasyon ko? Hustisya naman!

Kakarating ko lang galing probinsya, marami na akong pinagdaanan ngayon pa ba ako uuwe? You better be here Grant! Kung hindi ay pasasabugin ko ang talaga ang buong bahay nyo!

Isang bag na naglalaman ng mga importanteng gamit at isang pirasong papel na nag lalaman ng address lang ang nadala ko mula sa paglalayas ko. Hindi ko na kinaya buhay na meron ako sa probinsya. Wala na akong pakialam kung nagulo sila nang umalis ako. Nine hours ago I was supposed to get married to a man whose 10 years older than me dahil ginawa lang naman akong pambayad ng magaling kong tiyuhin sa pagkakautang nya. Medyo ang bantot ko pa nga dahil pumasok ako basurahan para lang mag tago, mabuti nalang at sa labas lang iniwan ang basurahan kung nasaan ako at hindi iyon na pick up ng garbage truck dahil hapon pa naman ang schedule ng basura.

"Loleng! Ang bag ko!" Mahinang tawag ko kay loleng nang madatnan ko syang nagdidilig sa garden.

"Seniorita, mabuti naman at naka takas kayo!"

"Wala na akong time para makipag chikahan, Loleng. Yung mga gamit ko. Bilis!"

Nataranta na sya at binitawan ang hose. "Opo na ihanda ko na, weyt!"

"Heto na po! Seniorita, mag iingat po kayo doon. Aalagaan nyo po lagi ang sarili nyo ha? Malulungkot ang Mama nyo kapag napano kayo." Nag aalalang bilin nya saakin. She was with me since I was still baby. Napaka loyal nya sa akin at sa mga magulang ko at hanggang ngayon hindi parin sya umaalis kahit ginigipit sya minsan sa sahiod ni Tita Mathilda.

Saglit kong inilibot ang paningin sa bahay. Mamimiss ko 'tong bahay na 'to. But I don't have any choice. I need to free myself. Hindi si Tito Ace ang magdidikta ng kapalaran ko. Babalik ako dito kapag kaya ko nang tumayo sa sarili kong mga paa. Kukunin ko itong bahay namin.

"Loleng, mamimiss kita." Naluluha kong sambit. Pati na rin sya ay naluluha na.

Nagyakapan kami at pagkatapos no'n ay nagpaalam na kami sa isa't isa. I'm not used to this thing. I'm never used to saying goodbye to anyone.

Maaga akong naulila sa magulang. Twelve years old palang ako nang mamatay ang mga magulang ko sa isang aksidente. Si Tito Ace na kapatid ni papa ang kumupkop saakin kasama ang asawa nyang si Tita Mathilda ay isa nilang anak na si Wendy, tatlong taon ang tanda saakin. Sila nalang kasi ang natitirang kamag-anak ko. Si Mama kasi ay ulila na rin kaya wala nang ibang kukupkop saakin kundi sila lang. Noong una ay okay naman sila. Maayos naman makisama pero kalaunan ay nag iba na ang trato nila saakin. Sugarol si Tito Ace at 'yon ang madalas nilang pag awayan ni Tita Mathilda. At pagkatapos ng away nila, ako ang napag iinitan ni Tita Mathilda. Hays, dinaig ko pa character sa fairy tale sa lahat ng pinag daanan ko.

"Rosewood Street, may katabing puno ng sampalok. "   Basa ko sa nakasulat sa maliit na papel na hawak ko.

Jusko namang puno ng sampalok yan. Ni puno nga ng bayabas hirap akong i identify! Paano kung hindi namunga yung sampalok na yun paano ko yon hahanapin?!

Napalingon ako ng may kumalabit saakin.

"Miss, bago ka rito?" Ani ng matandang babaeng animoy mag zuzumba at may hawak na maliit na ako.

"Ah. Oho. May hinahanap lang po akong bahay. Alam nyo po ba kung saan ito?" Sabi ko at ipinakita ang nakasulat sa papel.

" Sampalok? Hmmm.. wait. May nabanggit ang apo ko na puno ng sampalok dito sa subdivision, doon kasi sila madalas kumuha kasi walang may ari. Pero hindi ako sure kung iyon ba." Saad nya at ibinaba ang dalang aso at hinawakan nalang ang tali nito.

The Way I Loved You  [COMPLETED]Where stories live. Discover now