Chapter 21

497 14 0
                                    

"Aray!"

Napahiyaw ako sa sakit ng idampi nya sa sugat ko ang bulak na may kaunting alcohol. Agad syang nag sorry saakin at pinagpatuloy ang pag-gagamot sa sugat ko.

"You should've said 'no'. This wouldn't have happened to you."

Pinagmasdan ko sya habang hawak ang dawalang kamay ko. He's too precious and I don't deserve him. He doesn't deserve to be in my world. Lahat ng tungkol sakaanya ay hindi nararapat para saakin. Those thoughts made me withdraw my hands. Nagtaka naman sya nang kunin ko ang kamay ko.

"Ayos lang naman. Maliit lang 'to." Hinaplos ko ang sariling mga kamay at yumuko.

"Please, stop doing that."

Umangat ako ng tingin. His eyes met mine.

"Ang alin?"

Huminga sya ng malalim. He caressed my cheeks with the back of his hands. He also tucked some of my disheveled hair. Iniwas ko ang tingin sakanya. I feel stuffy. Nadadarang ako sa mga tingin at hawak nya saakin.

"You're always concealing your true feelings. I have been observing you for the past days and you seem bothered. Am I worrying you?"

Kumirot ang dibdib ko sa sinabi nya. It's true. I've been thinking about a lot of things lately. Pinag-iisipan ko lahat ng iyon dahil ayaw kong mabalot ng pag-sisisi kung bakit ako pumayag na ligawan nya ako.

Pumikit ako at huminga. "Iniisip ko kasi palagi na, hindi ako nararapat para sayo."

Kumunot ang noo nya. Umayos sya ng upo. "What made you think that you're not good enough for me?"

Sinikop nya ang dalawang pisngi ko. He's making my feelings worst. Mas lalong nagwala ang mga paruparo sa tyan ko. Nagpalipat-lipat ang tingin nya sa mata at labi ko.

"Hindi ko alam."

"Then stop thinking about it if you don't know." He said using his husky voice. Ngumiti sya at tinignan ang labi ko.

Lumunok ako. Hinawakan ko ang kamay nya para sana tanggalin 'yon pero nakapirmi talaga ang kamay nya sa mukha ko. "Can you promise me that? Forget everything, forget everyone. It's just you and me. Just you and me."

Marahan akong tumango. "Oo."

"Good." Tumawa sya at ginulo ang buhok ko. "Let's put bandaid to your wound."

After two weeks of waiting for the result of the examination, masayang ibininalita ko kina Ate Delya at Sir Calren ang magandang balita. Sa loob ng mga linggong 'yon ay nababalisa ako. May mga kalapit din na university dito ang finill outan ko ng application. Pero gustong gusto ko kasi don makapasok dahil bukod sa libra ay malapit lang din. Yung iba kasi ay king hindi private ay semi-private naman kaya may bayad pa rin.

"Naku! Hindi na talaga ako nagduda. Dahil alam kong likas na matalino ka." Masayang saad ni Ate Delya.

Chineck ko ulit ang inemail saakin ng school. Konti nalang talaga ay makakapagtapos na ako.

Isang busina ang narinig namin at sinundan 'yon ng pagbukas ng gate. Si Sir Calren na siguro 'yon! Excited akong pumunta sa pintuan. I thought it was him, sina Sir Hillton pala at Sir Grover.

"Hey! How are you?" Bati saakin ni Sir Hillton nang makalabas ng kotse nya. Kumaway naman si Sir Grover saakin.

"Ayos lang po ako." Ngumiti ako sakanya.

Tumingin sa relos nya si Sir Grover. "Si Calren andito na ba?"

Akala ko nga si Sir Calren ang dumating, sila pala. Ang akala ba nila andito na si Sir Calren?

The Way I Loved You  [COMPLETED]Where stories live. Discover now