Chapter 22

637 16 0
                                    


"Thank you po."

Ipinasok ko sa bag ang ballpen na dala matapos kong maipasa ang enrollment form at ibang requirements para sa pag-eenroll ko. Medyo matagal akong pumila at inabot ako ng isang oras sa pag-iintay, marami kasing studyante ang mag eenroll din. Makailang ulit na ngang natatapakan ang paa ko ng mga takong at sapatos ng mga studyanteng nakasunod ko sa pila.

Napadaan ako sa isang room na puno ng lights at may upuan sa gitna nito. It looks like they're having a photoshoot. Nahagip ng mata ko ang tanging taong kilala ko dito sa school, si Adam. He's checking something on his camera habang may kausap.

"Hey, are you here for your ID picture?" Tanong ng babaeng nakasalamin. Lumingon naman si Adam at ngumiti.

"Hi Taffy!" Kumaway sya saakin. I waved back.

"Ah hindi, napadaan lang." I said.

"Are you done enrolling?" He said at lumapit saakin.

Tumango ako.

"Great, pa picture kana ng ID mo since enrolled kana naman. It won't take that long."

Tumingin ako sa relo ko. Alas nuebe pa naman, maaga pa. Atsaka mas maganda kung may ID na din agad ako. Sumilip ako sa loob ng room. There aren't that many students inside. Kaya ayos lang.

"Sige."

Pumasok na ako at may ibinigay saakin ang isang babae na maliit na papel for me to fill out. Pagkatapos no'n ay pinaupo nila ako sa upuan. Adam's gonna take me a picture, akala ko iyong magandang babae na may hawak din na camera.

"Lemme hold your bag." Ani ni Adam. I remembered na may shoulder bag pala ako, kaya ibinigay ko sakanya ang bag.

"Thank you."

He took 3 or 4 photos of me. Panay naman ang puri ng mga kaibigan nya sa room saakin dahil maganda daw ang kutis ko. Sinabi ko naman 'safeguard lang yan' at agad naman silang tumawa.

"You can claim the ID in the registar office, mag aannounce kami sa page ng school if irerelease na ang mga ID. Pwede din na si Adamboy ang personal na mag aabot sayo kung gawa na." Sabi ng lalaking nag edit ng ID ko saakin. Binatukan naman agad ito Adam.

"Sege, salamat ah. Tutuloy na ako." Paalam ko sakanila.

I am almost at the door when Adam called my name. "Taffy!"

Lumingon ako sakanya. Kinuha nya ang bag sa upuan at lumapit saakin. Napakamot pa ito sa ulo nang tuksuhin ng mga nakakakilala sa kanya. "Naka target lock na naman si Idol."

"San kana after nito?" Saad nya at sinabayan nya ako sa paglalakad.

"Uwi na ako." I smiled at him.

"It's still early. Uhmm... coffee? Treat ko."

Hindi maipagkakaila, magandang lalaki si Adam. Pero masyadong intense ang dating nya para saakin. Masyado syang palakaibigan at mukhang medyo....babaero. If I could compare him face to face with Yuan's brother, siguro ang pagkakaiba lang nila ay ang porma at pananalita. Ewan ko ba, masyado lang yata akong judgemental.

"Tayo lang?"

Tumango sya. "Just us."

I have to say no. May malaking respeto ako kay Sir Calren hindi lang bilang amo ko kundi sa pagiging manliligaw ko din. Wala mang masyadong nakakaalam pero at least I am faithful to him. Anyway, how do I say no?

"Ahmm... Next time na lang, Adam. May gagawin pa kasi ako e." Saad ko at tipid na ngumiti.

His gaze dropped after that. Tumango sya at ngumiti. "Okay, basta next time ah? Panghahawakan ko yan. Can I know your Facebook name?"

The Way I Loved You  [COMPLETED]Where stories live. Discover now