Chapter 16

682 15 1
                                    

Habang nakasakay kami sa sasakyan nya, hindi maiwasan ng isip ko na maglakbay sa kung saan. Palipat lipat lang ang tingin ko sa bintana at kay Sir Calren na nag mamaneho sa tabi ko. Pasulyap sulyap lang din sya saakin at chinecheck ako kung okay lang ba ako sa kinauupuan ko. Honestly, hindi talaga. At hindi ko alam kung bakit. Kanina ko pang gustong bumaba. Nagsisisi na yata akong pumayag na lumabas kasama sya. Pero baka naman pag tumanggi ako isipin nya na unfair ako sakanya kasi kay Yuan sumasama ako.

"Are you okay?"

"Huh? Okay lang." Mabilis na saad ko at nilingon sya na parang finifigure out nya ang mga kilos ko. Kibit balikat nyang ibinalik ang tingin sa daan habang ako nama'y chinicheck ang message na dumating sa phone ko.

Yuan:

Hey, are you busy today?

Napakagat labi ako sa message na narecieve mula kay Yuan. Sasabihin ko ba? Magsisinungaling pa ba ako, e ang liit liit lang nitong bayan nila. May chance na magkasalubong pa kami ng landas ni Yuan at ayaw ko namang magmukhang sinungaling.

Nagumpisa ka akong mag tipa ng isasagot sakanya.

Me:

Yuan, pasensya ka na. Inaya kasi ako ni Sir Calren na lumabas e.

Pagkasend ko ay agad kong ibinaling ang mukha kay Sir Calren. Huli ko ang pag smirk nya kaya nagtaka ako saglit sa hitsurang iyon ng mukha nya. Hindi man lang inabot ng isang minuto ang reply ni Yuan saakin.

Yuan:

I see. How about tomorrow? Do you have any plans?

"Tomorrow's a good day for a picnic. Can we have that tomorrow?" Simpleng saad nya. Tumaas ang kilay ko at bahagyang inilayo sa mga matang lawin nya ang telephonong hawak ko.

"Binabasa mo ba ang messages ko?" Diretsahang tanong ko.

"No, I'm not. Why would I?" Sabi nya at sinabayan ng halakhak sa dulo. Nanliit ang mata ko. Alam nyo, sa sobrang misteryoso nitong nilalang na 'to. Talagang hindi ko sya nababasa.

Ibinalik ko ang tingin sa phone ko habang nag iisip ng irereply kay Yuan. Ilang minuto akong napatulala sa phone ko at iniisip na sana may auto reply nalang 'tong phone.

"Aren't you gonna reply?" Si Sir Calren.

Sinamaan ko sya ng tingin at ngumuso na lang din saka nagtipa ng isasagot.

Me:

Tignan ko Yuan kung may gagawin ako bukas o wala. Magttext na lang ako sayo bukas.

Matapos mag tipa ng sagot ay itinago ko na sa bag ang phone ko at bumaling ulit ng tingin kay Sir Calren na nakangiti habang nakatutok sa daanan. Mukha syang proud na proud at parang may ginawang malaking ambag sa bayan. Hindi ko nalang iyon pinansin at hinintay na lang na umabot kami sa patutunguhan namin.

"Wait lang ah, uulitin ko lang. Gusto mong sumakay tayo dyan sa maliit na bangkang 'yan?" Saad ko habang inaabot saakin ang life jacket ng isa sa mga staff dito sa resort na pinuntahan namin ni Sir Calren.

"Yeah. Ayaw mo? We can do something else then."

Ibinaba nya ang hawak na life jacket sa harapan ko.

"E, binayaran mo na yan e. Sayang naman." Sabi ko at tinignan ang kayak na pangdalawahan.

"I did. But it's okay. I think we can ask for a refund." Pasimple nyang sagot.

Kinokonsenysa nya lalo ako sa refund na sinasabi nya. Hindi ko din naman kasi alam na mag bebeach kami. Edi sana nakapaghanda ako. Tuloy, pag dating namin kailangan ko pang magbihis ng binili nyang damit dito sa resort. Isang black shirred tie strapped bikini top lang ang pinili ko at isang short. Hindi din maalis sa utak ko ang ngisi ni Sir Calren saakin matapos akong makitang naka bikini top. Noon kasing naligo kami sa talon e, naka loose shirt lang ako.

The Way I Loved You  [COMPLETED]Where stories live. Discover now