Chapter 19

604 12 0
                                    

Maaga kaming tumulak pauwi nila Ate Delya at Sir Calren. Ikinarga namin ang mga gamit namin sa sasakyan at ang mga pabaon saamin ni Mang Ruben na pinya at iba pang gulay.

"Mag iingat kayo dito." Paalam ni Ate Delya sa mga anak at hinalikan ang mga ito sa noo.

Bigla ko tuloy na miss ang nga magulang ko.

"Ate balik po kayo dito ah." Saad saakin ni Angge.

"Oo naman, babalik ako dito." Ngumiti ako at niyakap sya.

"Tulungan na kita." Sabi ko kay Sir Calren na pinapasok ang mga box ng gulay sa likod ng sasakyan.

"It's okay." Tanggi nya.

Napaatras ako sa sobrang tabang ng sagot nya saakin. Hindi ko tuloy maiwasan nagtaka sa inaasal nya.

I spent 3 hours of the car ride thinking what did I do wrong. Para akong sinasakal ng katahimikan. Hindi din ako mapakali sa seryosong tingin nya sa daanan.

"Tappy, nagugutom ka ba?" Inalok saakin ni Ate Delya ang babana chips nya mula sa passenget seat.

Kinuha ko naman ito at kumuha ng isang pirasa mula doon. Tinignan ko si Sir Calren na seryoso parin sa pagmamaneho. Kinalabit ako ni Ate Delya. Pinapahiwatig nya sa tingin na kausapin ko si Sir Calren. Mukhang alam nya din kasi na kanina pa ako hindi pinapansin.

"Banana chips?"

Nilakihan ko ang ngiti habang inaalok sakanya ang bag ng banana chips. Agad din naman iyong nabasag ng ibalik nya ang tingin sa daan. Tumungo ako at ibinaba ang pagkain sa hita ko.

"I can't eat. I'm driving."

Mahina akong tumango at tumingin nalang sa labas ng kotse.

"Just feed me."

Napadilat ako ng malaki sa sinabi nya. Agad na lumingon ako kay Ate Delya at mabuti nalang ay natutulog na ito.

Ngumanga sya. Kumuha ako ng ilang piraso at nanginginig na inabot sakanya yo'n. Kinain nya ito mula sa kamay ko. Napalunok ako habang pinagmasdan ko syang gawin 'yon. Agad na bumalik ang tingin nya sa daan habang ngumunguya.

Dahil sa hindi maintindihan na pakiramdam ay mahinang napakagat ako sa daliri ko na ginamit ko sa pagsubo sa kanya ng banana chips, na realize ko din naman agad 'yon kaya ibinaba ko agad. Should I talk to him about last night? Should I explain myself?

Huminga ako ng malalim.

"Ahmm..." Iyon lang ang lumabas sa bibig ko nang subukan kong magsalita.

Nanatili ang estado ng mukha nya na mas lalong nagpakaba saakin.

"Sorry." Mabilis na saad ko.

"For what?"

Napalunok ako. Feeling ko tuloy isang buong bato ang nilunok ko.

"Hindi ko alam. Kung may nagawa man ako na ikinagagalit mo. Sorry."

Nilaro laro ko ang strap ng seatbelt na nakasuot saakin.

"Who told you that I was angry. I wasn't. " Seryoso ang mukha nya nang lingunin ako.

Hindi sya galit? Isa lang ang ibig sabihin ng hindi pag pansin ah. Kung hindi galit ay...

"I got jealous." Diretso nyang sagot.

Hindi ko alam kung anong mayroon saakin at napa 'ahh' lang ako. Of course he's jealous. Dahil ba kay Yuan? How can I not know that?

"Is that all what you can say?"

Pinoproseso pa ng utak ko kung ano ang susunod na gagawin. Teka naman, ngayon ko lang na experience ang ganito at hindi ko pa alam kung ano ang gagawin. Icocomfort ko ba sya?

The Way I Loved You  [COMPLETED]Where stories live. Discover now