Chapter 33

607 14 0
                                    


---

"Teka— bakit dito mo ako iuuwi? Hindi doon sa bahay?"

Nag protesta ako kay Calren sa tapat mismo ng pintuan ng kanyang condo unit. Ang akala ko ay iuuwi nya ako sa kanila. Iyon pala ay dito nya ako dadalhin.

"Mas malapit ito sa office ko. I can see you whenever I want to at my mind would be at peace when you're just near."

I understand him. Pero namimiss ko na din kasi sila Ate Delya at Kuya Romeo, pati na rin ang bahay. Umismid ako. He just sighed at binuksan na ang pintuan ng kanyang condo unit. I heard he only sleeps here whenever he's over timing. Mukhang hindi nga nagagamit masyado ang unit na ito dahil napaka linis pa at kintab ng mga sulok. Halatang hindi rin sya nagluluto dito dahil mukhang bago pa ang mga kagamitan aa pagluluto. Panay order lang siguro sya at kain sa labas.

"Paano naman ang bahay mo? Gusto ko sana doon nalang sa bahay nyo e. Nandoon kasi sina Ate Delya at Kuya Romeo." Saad ko.

Inilapag nya ang bag at susi sa sa center table at sinamahan ako na maupo sa mahabang sofa ng condo nya. He snaked his arms around my waist and he rested his face on my shoulder.

"I know you miss them. They can visit here anytime you want. Nasa school ka din naman buong araw at ako ay nasa work din. I just want to have peaceful place with you. Yung tayong dalawa lang." He said. I cupped his face.

"Naiintindihan ko. Dito lang ako. Hindi na ako aalis sa tabi mo."

"You don't know how silly I was back then." Biglang saad nya. "I tried to argue with Grant after he caught me looking at your videos on his videocam. I even called you 'ugly' just to deny his accusations of me having a crush on you. You were my very first crush."

Namula ako sa sinabi nya. He's my boyfriend now he's still saying these things to me. Marami nang nag confess saakin at ni isa sa kanila ay wala akong naramdamang kahit anong feeling. It's just blank, almost empty emotions.

"Idol mo pala ako e. Ba't mo pa ako sinungitan noong una tayong nagkita? Ang sabi mo pa nga no'ng tinanong mo ako kung single ako 'Really? Not surprising'." Saad ko at tinusuok tusok ang tagiliran nya. He budged and laughed. He's still hugging me at mas lalong isiniksik ang mukha sa leeg ko.

"I'm sorry. I was just so happy inside that time, ang akala ko ay nag-asawa ka na or may boyfriend. Honestly, I was thinking of shooing you away when you're either of those. You're lucky, you're single." He grinned.

I sarcastically laughed at him. "Ah talaga, Sir? Thank you ha. Dahil tinanggap mo ako dahil single ako. Teka nga, tinanggap mo ako dahil single ako hindi ba? Then, you really have the whole intention of having a romantic relationship with me?" 

He laughed at pinapak ako ng halik sa pisngi. He pouted at sumiksik na ngayon sa likod ko. What— I can't believe this man!

"Crush nga kasi diba. Alangan naman gawin kitang guard ng bahay ko. Yes, I have all the intentions of making you the mother of my children. Happy?"

Nanatili ang mukha ko sa tingin nya. I once hated this man's honesty ngunit ngayon ay mas gusto ko nang laging katotohanan ang lumalabas sakanya. I bet even his lies are so good to hear but I won't hope for that.

He licked his lips at pinasadahan ang labi ko ng tingin. He slowly got closer to obviously kiss me. Iniwas ko ang mukha sakanya.

"Nagugutom ako." Mahinang saad ko. He pouted when I withdraw my face. I smiled at him at mabilis na ninakawan sya ng halik bago tumakbo sa kusina. I watched him smile in surprise. Kinikilig din ata.

We've spent the rest of the day cuddling and sleeping. Ala una kasi ng hapon kami nakarating sa condo nya. He didn't have any schedule daw at bukas na nya sisimulan ang training nya. It's 4pm when I woke up. His arms are all in my body as if he's so afraid to loose me. Pinasadahan ko ng haplos ang mata nya. Mahahaba ang pilik mata, matangos na ilong at mapupulang labi. He never fails to send shivers to all over my body. Sa tuwing titignan nya ako ay para akong nalulusaw.

The Way I Loved You  [COMPLETED]Where stories live. Discover now