Chapter 3

708 19 0
                                    

Kunot noo kong kinikiskis ang mamahaling inidoro sa common comfort room ng bahay na ito. Kumbakit ako kunot noo? Nagpakitang gilas ba naman sa kasamaan ng ugali 'tong amo ko. Bukod sa suplado na, matabil pa ang dila.

"Ser, andito na po si Tappy." Bungad ni Ate Delya kay Sir Calren habang nag aagahan sa may lamesa.

"Sit, join me." Imbita nya.

Nilingon ko si Ate Delya bago ako maupo at nag thumbs up naman ito bago pumasok sa kusina. Nakakahiya dahil mugto pa ang mga mata ko kakaiyak kaya medyo naka tungo ako at hindi makatingin sa kanya.

Tahimik lang akong kumain dahil wala naman akong masasabi. Hinihintay ko lang na sya ang magbukas ng usapan patungkol sa sahod 'kuno' na sinasabi ni Ate Delya.

"Tafitta Ylene Perez.." banggit nito sa pangalan ko.

Inangat ko ang paningin at nakita kong nakatingin sya sa phone nya.

"Po?" Nagtatakang tanong ko.

"Twenty one. Born in San Dominico, daughter of Raphael and Ylena Perez. An incoming 4th year college student. Single." Matapos nya banggitin ang salitang 'single' ay mapanuri nya akong tinignan habang naka taas ang isang kilay.

"Single? Since birth?" Ulit pa nito habang ako naman ay halos lumipad na sa hiya sa kinauupuan ko.

"Opo." Iniwas ko ang mukha at mabilis na uminom ng tubig.

"Hmm..not surprising."  Ouch. Grabe naman 'tong lalaking 'to. Porket probinsyana at hindi pa nagka jowa not surprising na. Napaka judgmental nya naman.

"Paano nyo po nalaman ang mga 'yan. Tungkol saakin?" Tanong ko.

"Pina investigate kita. Ayoko naman na magpapasok lang ng kung sino sino dito sa pamamahay ko without me knowing a single thing about that person. " Saad nya at sumimsim sa kape. "Malay ko, baka rapist ka."

Ay waw! Rapist talaga? Hindi pwedeng akyat bahay muna o kaya manunuba. Rapist talaga? Ka babae kong 'to?!

"Hah.." Hindi ko napigilan ang singaw ng asar mula sa loob ko kaya't napasabi nalang ako ng ganun.

"Mabuti nga ay pinaimbistigahan nyo ako. Malinis naman po diba? Hindi naman po ako mukhang rapist no. Atsaka kung sakali man na rapist ako. At sino naman ang hahalayin ko dito? Ikaw?" Sa isip ko lang 'to sinasabi pero hindi ko to talaga sinabi sakanya. Baka palayasin ako bigla. Nalintikan na.

"Hindi po ako ganun."

"Good to hear that. Did you bring any documents with you? I can see that you need a job. Aren't you an incoming 4th year student?" Sunod sunod ang tanong nya kaya medyo nalula ako saglit.

Nagdala nga ako ng mga importanteng papeles pati na rin ang titulo ng bahay namin. Syempre baka biglang ibenta 'yon ng Tito kong unggas. Pero aanhin nya naman ang mga documents ko?

"I just need one document. PSA perhaps?"

"Meron po ako nyan. Nasa taas po. Kukunin ko lang."

"Mayayang gabi nalang pagkauwi ko."

"Okay po. " Sagot ko.

"Since it's still summer. You can work here full time."

Mabuti kong tinignan ang mukha nya habang nagsasalita. Ang pogi nya kasi hindi ko mapigilang mamula habang titignan nya ako.

"Are you listening?" 

"Ay opo." Kinabahan ako bigla. Baka naglaway na pala ako kakatitig sakanya.

"Eight thousand a month ang sweldo mo, for this month and the following month." Saad nya at tumango tango ako kumwari naiintindihan ko talaga.

The Way I Loved You  [COMPLETED]Where stories live. Discover now