Chapter 18

534 12 0
                                    


Pinagmasdan kong maigi ang mga bata pagkapasok namin sa loob ng ng center. Masayang nag lalaro ang mga ito. Sinalubong kami ni Yuan kasama ang isang babae na mukhang dito nag tatrabaho.

"Miss Aya. Sila ang mga kasama ko ngayon para sa pagpapakain ng mga bata."

Ngumiti ang babae saamin. "Mabuti naman. Nagpapasalamat ako sainyo. Siguradong matutuwa ang mga bata sa surpresa nyo sakanila."

Nagtinginan kami ni Angge at Sir Calren sa sinabi ng babae. Surprise? E, nandito lang naman kami para tumulong ah.

"Ah Miss Aya, ako na ang kakausap sakanila." Singit ni Yuan.

"Sege po.Maiwan ko muna kayo, Attorney." Nagpaalam saamin si Miss Aya at pumasok na sya sa loob ng gusali.

"I'm glad you a came. Ikaw din Architect and Angge." Bati nya saaming tatlo.

"Maraming salamat po. Excited na ako makalaro ang mga bata dito." Pumalakpak pa si Angge sa tuwa.

"Architect, thank you for the extra food that you ordered for the kids and the staffs." Sabi ni Yuan.

Tumango si Sir Calren at tipid na ngumiti. "It's nothing."

Nilingon ko sya at nginitian. "Salamat."

Sinuklian nya din ako ng ngiti na talagang humaplos sa puso ko.

Ibinaling ko kay Yuan ang tingin at inabot nya naman ang kamay saakin. "Tara?"

Parang patalim ang tingin ni Sir Calren sa kamay na 'yon ni Yuan. Kung makakapatay lang ang titig kanina pa walang buhay itong si Yuan. Tinignan ko iyon at hindi ako umimik, nag overheat na naman ata ang utak ko.

Naunang maglakad papasok si Sir Calren sa loob, hindi ko alam bakit pero mukhang nainis sya sa inasal ni Yuan.

"Okay." Tipid na saad ko at lumakad na. Nagbulagbulagan ako sa pag abot ng kamay nya saakin. Awkward na ibinaba nya ang kamay at sumunod na din saakin.

Tinulunggan namin mag arrange ng mga food packs ang staffs. Pinuno namin ang lamesa.

"The mascot is on their way." Ani ni Yuan saamin.

Ayon siguro ang sinasabing surprise saamin ni Miss Aya. Kumuha pala sya ng mascot mula sa isang sikat na fastfood chain. Nakakatuwa naman.

Matapos namin mag-ayos ay tinawag na nila Miss Aya ang mga bata. There are about 36 of them. Mayroon pa ngang kailangan panh kargahin dahil hindi nito kayang maglakad. Habang pinagmamasdan ko silang maupo isa isa sa mga upuan ay hindi ko maitago ang awa kaya napaluha ako. Napaka sama ng mundo sakanila. Kaya't nagpapasalamat ako sa Dios na may nag alaga saakin at may inaalala akong magulang kahit maaga silang kinuha saakin.

Binalingan ko ng tingin si Sir Calren na tabi ko dahil naramdaman ko ang paghagod ng kamay nya sa likod ko. Ngumiti sya saakin.

"It's alright." Saad nya at kusang pinaling ang luha mula sa mata ko.

Maya maya ay dumating na nga ang mascot na sinasabi ni Yuan. Aliw na aliw ang mga bata munting program na ginawa ng mga staff ng fastfood chain.

Tuwang tuwa kami habang nakaupo sa isang mahabang lamesa. At syempre kumain din kami, naparami kasi ang order nila Sir Calren at Yuan.

"Gusto mo ba syang kargahin?" Ani ni Yuan nang mapansin na kanina pa ako nakatitig sa batang karga karga ng isang staff.

Ngumiti ako at pumalakpak sa tuwa. Actually kanina ko pa sya gustong lapitan pero mukhang wala kasi sya sa mood dahil kanina pa umiiyak.

"Sege." Saad ko.

Tinawag ni Yuan yo'ng kumakarga sa bata. "She wants to hold the baby for a while. You can take a little rest and enjoy the food."

The Way I Loved You  [COMPLETED]Where stories live. Discover now