Chapter 13

737 14 1
                                    


"There you are." Binungad ako ng yakap ng Mama ni Yuan.

Nakangiti sa gilid nya ang asawa na Mayor ng lugar na 'to. Nagpalipat lipat naman ng tingin ang Mama ni Yuan. Mas lalong lumiwanag ang mukha nito nang makita si Sir Calren.

"And you must be Architect Vegas?" Inabot nito ang kamay sakanya at tinanggap naman ito ni Sir Calren. Kalmado ang mukha nya ngayon. Mukhang sanay naman sya sa ganitong tagpo. Ako kasi ay hindi.

"Oh, I've heard so many things about you galing sa mga past clients mo na close friends ko din. When my son here told me na may visitor na Architect, I asked him kung ano ang name and ang sabi nya 'Vegas' so I thought 'Maybe it's the same Architect my friends are talking about' and then I told my son..." Daldal nya.

Actually hindi ko na na gets ang sinasabi nya dahil ang bilis nyang magbitaw ng salita. Napalingon ako kay Sir Calren na maiging nakikinig sa kausap.

"I really liked your work. You see, I bought this property a year ago and I want to build a vacation house on it."

Tumango tango lang si Sir Calren at nang maramdaman ko na masyado akong na oout of place sa pinag uusapan nila. I excused myself at nag libot libot sa mga booth.

"Ate, magkano 'to?" Tanong ko sa Ale na nagtitinda ng seashell coin pouch.

"150 pesos po."

Oo nga pala, hindi ako nagdala ng pera. Phone lang ang dinala ko. Ano ba yan. Ibinalik ko nalang ito sa display.

"I'll take it. Here."

Kinuha ni Yuan ang dinampot ko kanina at nag bigay ng 200 pesos sa Tindera.

"Here." Ngumiti sya at inabot saakin ang coin pouch. Tinanggap ko naman 'yon.

"Thank you." Tipid na saad ko.

"Sukli po." Yung Ale.

"Keep the change." Sagot ni Yuan.

Tumango tango ako. Aba'y may malasakit nga talaga ito sa kapwa, gaya ng sinasabi nya.

"So, where to?" Tanong nya saakin habang naka pamaywang. Pasulyap sulyap sya kay Sir Calren na busy sa pakikipag usap sa Mommy nya.

"You know what? Malapit lang dito ang farm namin. Do you wanna go there?" Tumaas taas ang kilay nya.

"Yuan, paano ang Mommy mo? Atsaka si Sir Calren, baka hanapin ako."

Kumunot ang noo nya. "They're fine. Architect can surely manage. O kaya naman, itext nalang natin sya. Besides, he's busy with his potential client."

Hindi ako sure kung okay lang na sumama ako. Hindi ko pa kasi lubusan na kilala si Yuan, hindi naman magandang tignan na sumama agad ako sakanya.

"Ate Tappy!"

"Angge!"

Kumaway si Angge sa mula sa malayo. At nang nakalapit sya saamin ay agad na bumati itong kay Yuan. Napayuko si Angge habang si Yuan naman ay nakangiti sakanya. Asus, nangangamoy may crush itong si Angge kay Yuan.

"Evangeline, kamusta?" Bati ni Yuan sakanya. Nahihiyang ngumiti si Angge sa kanya.

"Okay lang po ako."

"Magkakilala kayo?" Saad ko kay Yuan. Tumango naman si Yuan saakin.

"Evangeline here was an athlete and she's one of my dads scholars. At matalik na magkaibigan din ang mga Mom namin. " Saad nya.

Kaya pala maganda din ang hubog ng katawan ni Angge. Maganda din sya at morena.

"Ahmm..kumain na po ba kayo? May mga kakanin po doon sa booth. Baka gusto nyo pong tikman."

The Way I Loved You  [COMPLETED]Where stories live. Discover now