Chapter 8

753 15 0
                                    

Tatlong linggo na ang nakalipas mula ng magkasakit si Sir Calren. After three days, pagkatapos niyang magkasakit ay back to work na agad ang sungit at balik na rin sa dati ang pagiging suplado. Ewan, hindi ko naman na sya mayadong kinakausap dahil busy na rin ako sa pag lilinis ng bahay at pag-aalaga sa mga bulaklak sa garden.

"Naku! Dapat talaga e mamulaklak na kayo ha? Hindi madaling maglipat ng pot." Kausap ko sa mga halaman na inaayos ko. Nagpunas ako ng pawis gamit ang kamay. Pagkatapos ay naglinis ako ng mga pinag gupitan ko ng dahon at diniligan ang mga bagong lipat na halaman.

No'ng isang araw nagpunta ako ng grocery para bumili ng karne, may nadaanan akong nagtitinda ng halaman. Maka punta nga do'n pag sweldo na. Bibili ako ng halaman na i
dadagdag dito sa garden.

Pasado alas singko na ng hapon ng tumulong ako kay Ate Delya sa kusina. As usual puro chika tawanan lang kami habang nagluluto kami ng hapunan.

"Siguro po ay napaka gandang tumira sa bukid. Noong bata kasi ako ay madalas kaming nagpupunta sa bukid, doon sa kamag anak ng Papa ko. Kapag napupunta nga kami doon ay kamote agad ang hanap ko. " Kwento ko kay Ate Delya.

Tatlong oras ang byahe mula rito papunta sa probinsya ni Ate Delya. Pamilyar ako sa bayan ng Delfoso pero hindi pa ako nakakaapunta doon. Mas malapit pala ito kumpara sa probinsya ko na aabutin ng halos walong oras kung sasakay ka ng bus at ferry.

"Ay naku day, pag mag time tayo. Isasama kita doon. Naku! Napaka ganda doon. Maraming prutas at masarap ang simoy ng hangin. Hindi gaya rito saglit ka lang lalabas, mangingitim ka na agad dahil sa sobrang init." Saad nya.

"Sege po! Gusto ko po 'yan! Excited na tuloy ako."

Maganda nga 'yon. Pero kung sabay kaming mawawala dito, sino ang magbabantay ng bahay? Tapos sino ang mag aasikaso kay Sir Calren?

"What's for dinner?" Tanong ni Sir Calren ng maupo sa upuan ng lamesa. Ang aga nya ngayon, siguro ay hindi masyadong mabigat ang trabaho ngayon.

"May Adobo, Sinigang, Salad at...." Saad ni Ate Delya pero hindi na ako nakinig dahil busy pa akong mag imagine sa magiging travel namin sa probinsya ni Ate Delya. Simula kasi ng mamatay ang mga magulang ko, hindi na ako nalayo ng San Dominico. Kahit sa mga field trip nga hindi na ako nakakasama dahil bukod sa walang pambayad ay hindi din ako pinapayagan ng Tito Ace at Tita Mathilda.

"Why are you smiling? I said sit down." Saad ng baritonong boses na pumutol sa pag iimagine ko. Ano ba yan, kumakain na ako ng prutas sa iniimagine ko e! Panira 'to.

"Po? Ay opo." Saad ko bago maupo sa lamesa. Naupo na rin si Ate Delya sa tapat ko.  Ganito na kami mula noong matapos syang magkasakit. Gusto nya nang nakakasabay kami sa pagkain kahit minsan ay tahimik lang sya at hindi umiimik. Kapag nasusulyapan ko sya ay nahuhuli kong nakatitig din sya saakin kaya't never naging comfortable ang pagkain ko kasama sya.

"Naku Ser, excited lang yan kasi isasama ko sya saamin kapag may panahon na. Yon nga lang ay kung kailan, hindi ko alam." Saad ni Ate Delya habang kumakain.

Agad na napatingin si Sir Calren saakin kaya't napatuwid ako ng upo at napatikhim. "Matagal na po kasi akong hindi nagagawi sa bukid. Hehe."

Tumango sya at nagpatuloy sa pagkain. "The summer vacation's about to end. Malapit na ang pasukan. You should go."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Tunay nga?

"Talaga po? Okay lang po sa inyo na sumama ako kay Ate Delya?" Paniniguro ko.

Baka pag balik ko dito hinanapan mo na ako ng kapalit. Nagdadalawang isip tuloy ako sumama.

"Yeah. So do you plan to leave?"

The Way I Loved You  [COMPLETED]Where stories live. Discover now