Chapter 5

770 15 0
                                    

Lunes ngayon at maaga ang gising ko dahil maaga din ang pasok ni Sir Calren. Nasa mini gym sya ngayon at nag sstretching bago maligo at mag kape. Routine nya na 'to araw araw. Kaya siguro nya napapanatili ang magandang hubog ng katawan.

"I'm going on a business trip today. I need to personally meet a client in Palawan. I need help with packing but I can't do that today dahil may meeting pa ako ngayon with another client." Sambit nya habang nagkakape.

Nagpatuloy pa sya sa pag instruct saakin kung ano ang dapat iimpake. Konting damit lang naman na gagamitin nya sa dalawang araw na pag stay doon.
Mukhang good mood si sir ngayon dahil hindi nakka kunot ang noo. Asus, baka naman hindi business trip ang sadya no'n doon. Baka mag kikitain na fling o kaya girlfriend.

"Dadaanan ko ang gamit mamayang 2pm. Be sure to ready everything. Iyong mga ibinilin ko lang." Bilin nya habang naglalakad papunta sa pintuan habang nakasunod ako. Palihim kong syang sininghot. Ambango nya kasi ansarap yapusin forever.

"And also.."

Nagulat ako ng bigla syang huminto kaya muntik na akong bumungga sa likod nya. Buti ay huminto din ako.

"Do you even have a phone? How can I contact you incase?"

Huh? May landline naman ah. Atsaka may phone naman si Ate Delya. Yung maliit nya na keypad.

"Wala po akong phone e. Sa landline nalang po kayo tumawag o kaya kay Ate Delya." Sagot ko kunwari sisinghot singhot na parang sinisipon. Ang totoo sinisinghot ko ang pabango nya. Sulitin ko na, dalawang araw kasi sya di uuwi dito e.

"Okay, but you should also have one. Even Romeo has it."

Tumingin sya sa relo at tinalikuran na ako papunta sa labas para sumakay na sa sasakyan nya. Matapos nyang umalis ay umakyat na ako sa taas, sa kwarto nya para mag impake.

Pag pasok ko sa loob ay agad na inatake ang ilong ko ng napaka bangong kwarto nya. Grabe, amoy Sir Calren. Parang nandito pa sya sa sobrang bango, kasing bango nya.

Wala na 'yong maliit na CCTV sa lamesa. Asan nya kaya nilipat 'yon? Nag libot libot muna ako sa kwarto nya. Napaka manly ng kwarto nya. Simpleng cream at black lang ang kulay ng kwarto pero halatang maigi ang pagkakadesinyo. Lakas maka pogi.  Sa kaliwang bahagi ng kwarto nya doon naka display ang mga koleksyon nya ng snow globes. Galing sa iba't ibang lugar. May lugar sa states at sa ibang bansa. Sa ganoong edad nya ay andami nya na palang napuntahan.

May mga pictures din sa itaas na parte ng shelf. Dumampot ako ng isang frame at maiging tinignan 'yon. Picture 'yon ng batang Sir Calren kasama ang mama nya, and he's smiling. Pansin ko walang pictures dito kasama ang papa nya? Namatay din kaya ang papa nya? Hindi kasi naikwento saakin ni Ate Delya.

May pictures din sila ni Grant. But in this picture he looks so serious. Hindi kagaya ng picture nya kasama ang mama nya. Nakangiti at parang walang problema. Pwede pa ba kaya syang bumalik sa ganto?

Nang magsawa ako sa kakatingin sa mga gamit nya ay sinimulan ko nang kunin ang dapat ilagay sa maleta nya. After kong matapos ay ibinaba ko na ang maleta sa sala.

Eksatong alas dos nga ay pumarada na sa garahe ang kotse ni Sir Calren.

"Ser Calren meryenda muna kayo bago tumulak papuntang airport." Salubong ni Ate Delya kay Sir Calren na kakarating lang.

Pinatay ko muna ang vacuum cleaner dahil medyk maingay 'iyon.

"I'm good thank you. " Kunot ang noo nyang saad bago tumungo sa kwarto nya. Bad mood yata? Ni hindi man lang kami tinapunan ng tingin.

Nagkibit balikat lang si Ate Delya at lumakad na papuntang likod bahay para nagdilig ng mga halaman.

Ilang minuto lang ay bumaba na si Sir Calren. Nagbihis lang pala sya. May bitbit na syang bag pagka baba.

The Way I Loved You  [COMPLETED]Where stories live. Discover now