Chapter 9

737 17 0
                                    


Buong araw akong tulala habang gumagawa ng mga trabaho dito sa bahay. Limang araw na ang nakalipas simula ng mahuli ako ni Sir Calren na nangunguha ng strawberry sa kusina. Hindi ko na yon inulit. Nakakahiya kasi. Wala namang masyadong nangyari sa limang araw na 'yon. Tatlong araw din naman kasing hindi umuwi si Sir Calren dito dahil lumipad sya pa Cebu para sa trabaho. Ngayon daw 'yon uuwi. Ewan ko ba, wala ako sa mood ngayon. Lahat ng kilos ko sobrang bagal, sumasabay pa ang oras na parang pagong kung tumakbo.

"Hindi naman siguro yan matutunaw kaka punas mo no?" Salita ni Ate Delya sa likuran ko. Masyado kasing napatagal ang pagpupunas ko ng lamesa. Ano ba yan, nag loloading na naman ako.

"Sorry po." Tipid kong sagot.

"Ayos ka lang ba? Ang tamlay mo naman ata ngayon." Sabi nya at hinawakan ang braso ko. Napaigtad ako ng tayo ay nginitian sya.

"Okay lang po ako." Sigurado kong sagot.

"Okey. Nagugutom ka ba? Baka gusto mong magluto ako ng pagkain?" Alok nya. Umiling ako at nginitian sya. Wala talaga ako sa mood ngayon. Nagpaalam ako sakanya na aakyat na sa taas para maka pag linis ng katawan. Tutal hapon na naman, maya maya ay darating na si Sir Calren. Naligo ako dahil ang lagkit ng katawan ko dahil sa pawis. Ginawa ko kasi yung garden. Kahit papaano ay umaliwalas na ang itsura nito. Hinihintay ko nalang tumubo talaga ang mga halaman.

Pagkatapos kong maligo ay nag ayos ayos ako ng mga gamit ko. Grabe, hindi ko akalain na nagkasya ang buong buhay ko sa backpack na 'to. Ni hindi ko man lang nagawang isama saakin ang mg pictures namin nila Mama at Papa. Itong wedding ring lang ni Mama at ni Papa lang ang nadala ko, ginawa ko itong pendant sa necklace ko. Simula no'ng nawala sila hindi ko ito hinubad kahit isang segundo. Itinago ko pa ito kay Tito Ace dahil balak nya ata 'tong isangla. Mabuti nalang magaling ako magsinungaling.

Hinaplos ko ito at maiging tinignan. Kahit anong hirap na pagdaanan ko sa buhay na 'to, hinding hindi ko kayo bibitawan. Hindi ko na napigilang umiyak. Bukas na nga pala ang death anniversary nila. Kaya siguro wala ako sa mood mag trabaho ngayon. Nasa sistema ko na talaga ata na kapag sasapit na ang death anniversary nila ay automatic na lulungkot ang pakiramdam ko.

Alas dyes na ng gabi. Hindi na ako bumaba para kumain. Kinatok na ako ni Ate Delya kanina at sinabi ko lang na hindi maganda ang pakiramdam ko. Hindi naman na siya nagtanong at bumalik na sa baba. Mamaya nalang ako bababa. Baka may natitira pang liligpitin.

Binuksan ko ang bintana ay bumungad sa akin ang hangin mula sa labas. Maliwanang ang bwan at marami ring mga butuin. Maganda siguro 'tong kung nasa dagat ako at nakaupo sa buhangin.

Medyo mahamig ang hangin. Manipis pa naman 'tong suot kong puting tshirt at pajamas. Sumpa ako sa bintana at naupo. Sinilip ko ang veranda ni Sir Calren mula rito sa bintana. Naka bukas ang ilaw, mukhang umiwi nga sya. Mamaya na ako bababa. Maganda kasi ang langit ngayon pagmasdan.

Tumingin ako sa baba. Pag nahulog ako mula rito siguro madededs agad ako. Ang taas ba naman kasi. Napahawak tuloy ako ng todo sa inupuan ko.

"What the fuck do you think you're doing there?!"

"Ah!" Nagulat ako at napasigaw sa galit na boses na biglang pumutol sa katahimikan. Muntik na ako napabitaw sa maghigpit na pagkakahawak ko.

"Shit!" Tinignan ko si Sir Calren na mukhang tatalon na sa veranda papunta saakin. Kumakabog ang dibdib ko at medyo nihinihingal sa sobrang kaba. Shuta, muntik na akong napabitaw sa gilid ng bintana! Bakit ba naman kasi kailangan pa akong sigawan!

Hindi maipinta ang mukha nya. Naka pambahay na sya at nakita ko sa lamesa ng veranda nya ang bote ng whiskey at baso. Mukhang balak nya ata uminom, ah
Nasira ko ata ang moment nya. Aba, nagmomoment din ako dito. Panira s'ya!

The Way I Loved You  [COMPLETED]Where stories live. Discover now