Chapter 7

763 14 0
                                    

Nagising ako sa sariling  paghilik. Kahit inaantok ay kinapkap ko ang mukha ko baka kasi may panis na laway ako. Wala naman kaya nag inat na ako habang nakapikit parin.

"Ugh, ang sakit ng likod ko." Mahinang bulalas ko.

"Saan? Dito?"

May marahang kamay ang sumundot sundot sa likod ko habang nakahiga ako sa kama.

Kama? Nasa upuan lang ako kaninang madaling araw ah?

Napadilat ako at agad na lumingon sa likod ko. Malaki ang ngiti ni Sir Calren na katabi ko habang nakapatong ang ulo sa isang kamay at nakadungaw saakin.

"Good morning, sleepy head."

Hindi ko muna pinansin ang mararamdaman na hiya. Hinarap ko sya at inabot ang leeg nya para i check ang temperature nya. Nabasag ang ngiti nya at umiwas ng tingin saakin.

Lumuwag ang pakiramdam ko at napapikit nalang dahil bumaba na ang lagnat nya.

"Hindi na masyado mataas ang lagnat mo. " Sabi ko.

"Why does your breath smells like strawberries?" Saad nya bago ako singhot. Napadilat ako at napatakip ng bibig.

Naalala ko bumaba ako kaninang madaling araw at nilantakan yung strawberries sa ref. Nagutom kasi ako. Bumalikwas ako ng kama at dali daling lumabas ng kwarto. Shet! Nakakahiya baka may muta pa ako sa mata.

Pumunta ako ng kwarto para mag hilamos ng mukha. Great! Siguro nakita nya na ang paglalaway ko! Nagsasalita pa naman ako kapag natutulog. Nakakahiya talaga. Nakakahiya!

"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Sabi na Ate Delya. Rinig ko mula rito sa taas.

"Yeah, I'm good."

"Si Tappy gising na ba?" Tanong ni Ate Delya. "Pinasilip kp kayo kay Romeo kagabi. Kawawa naman 'yong batang 'yon, sa upuan na mismo nakatulog kakabantay sayo. Kung kaya ko pa sana magpuyat ay ako na ang mag aalaga sayo. Mabuti nalang at napaka bait ng batang 'yon at magaling mag alaga ng may sakit."

Sinilip ko ang dalawang nag uusap mula rito sa taas. Tumango tango si Sir Calren habang nakapamulsa maliit na ngumiti.

"Yeah, she's a good nurse." Sabi nya at nagulat ako ng tumingin sya sa kinaroroonan ko. Tumikhim ako at mabilis bumalik ng kwarto.

"Let her rest. She also got tired. Hindi muna ako papasok ngayon. I'll just rest in my room for the whole day." Yun lang ang narinig kong sinabi nya at sinundan iyon ng ingay ng mga yapak nya paakyat ng hagdan.

Mabuti naman at natauhan din.

Humiga ako sa kama at nag muni muni muna. Naalal ko yung nangyari kagabi. Nakakahiya 'yon pero hindi nya naman siguro nahalata.

Pasado alas onse na ng magising ako sa inalarm ko sa relo ko. Tiningan ko Sir Calren na mahimbing na natutulog. Hinipo ko ang noo nya para i check ang temperature. Ang init nya parin. Agad kong inalis ang kumot nya dahil pinagpapawisan sya ng todo. Agad akong bumaba sa kusina para kumuha ng malinis na bimpo at maligamgam na tubig. Pagkatapos noon ay pinunasan ko ang mga braso at leeg nya.

Napatigil ako, anong sunod ng leeg? Sa tyan ba?
Inangat ko ang tshirt nya at doon ko nasilayan ang mababato nyang tyan. Lord, pagtibayin nyo po ang loob ko.  Bahala na nga 'to.

Marahan kong pinunasan ang tyan nya pagkatapos no'n ay iaangat ko na sana hanggang dibdib ang tshirt nya ng bigla siyang magising at pinigilan ang kamay ko.

"What are you doing?" Mahinang saad nya.

"Pupunasan po kita. Kailangan nyo po magpalit ng damit. Pinagpapawisan po kayo."

The Way I Loved You  [COMPLETED]Where stories live. Discover now