Chapter 32

620 16 0
                                    

Nagising ako kasama ang sakit ng katawan lalo na ang balakang. Hindi ko yata mabilang kung makailang ulit namin iyon nagawa ni Calren. I covered my face with my hands in embarrassment because I can still vividly remember all the things we did. All the noise we make in a rainy night makes me want to live inside that moment.

Wala na si Calren sa tabi ko. I am also dressed when I woke up. Alam ko na nasa kusina sya at nagluluto dahil sa mga ingay ng kaldero at kutsara. I smiled as I got off the sheets.

I felt a sharp knife pain down there when I moved. Oo nga pala. I am still sore but it's bearable. Pinilit kong maglakad patungo sa kusina para tignan sya sa ginagawa nya. I walked slowly towards him, not facing me. Sinuyod ko ng tingin ang malapad nyang likod. I must've scratched it really hard last night.

I came closer at niyapos ang likod nya. He let out a small groan at hinarap ako. Malaki ang ngiti nya nang harapin ako. He kissed my forehead at inipit ang takas na buhok ko sa gitna ng tenga ko.

"Goodmorning." He said sweetly. Isiniksik ko ang mukha sa dibdib nya.

"Goodmorning din." I murmured. Sininghot ko ang katawan nyang bagong ligo. Siguro ay ang baho ko dahil sa pawis. When I realized it ay agad akong bumitaw at lumayo. His brow raised.

"What's wrong?" He asked.

Natatawa akong umiling at humakbang patalikod. He's still getting closer to me. Iniharang ko ang kamay ko sakanya.

"Wag ka muna lumapit, hindi pa ako naliligo. Amoy pawis pa nga ata ako."

His expression changed and he flashed a strong grin on his face. Napatili ako nang subukan nya akong hulihin.

"Let me smell you."

I hurriedly went to the bathroom to shower. Hindi nya ako titigilan kung hindi ako aalis doon. It took me an almost an hour in the shower, paano ba naman kinikilig parin ako sa tuwing naaalala ang pag-iisa namin kagabi. But it still also makes me worry about the other things na pansamantala naming isinantabi.

"Breakfast's ready." Salubong ni Calren saakin nang makalabas ako ng banyo. I smiled.

Inihatid nya ako sa shop naming kumain. Hindi ko maiwasang isipin kung hanggang kailan sya dito at kung ano na ang estado ng trabaho nya sa Manila. He didn't mention anything to me at natatakot din akong magtanong. Natatakot akong malungkot na naman ulit.

"I have to go back to Manila, the day after tomorrow. I will be gone for only two days. I'm sorry." Saad nya saakin nang makarating kami sa shop. He rested his hand on my thigh.

"Ayos lang. Okay lang naman ako dito."

"I want you to come home with me. Pero hindi kita pinipilit. I just want to make sure that you're okay. That you're safe." He said.

Umiwas ako ng tingin sakanya. Hindi naman sa ayokong bumalik doon, masaya din naman ako sa bahay nya lalo na't kasama ko sila Ate Delya at Kuya Romeo. I love them and that house. It's just that, mas mas malaya ang isipan ko dito. Sa San Dominico. Lahat ng bangungot ko ay nandoon. Ayoko nang masaktan, ayoko nang iwan sya at maging mahina ulit. But he promised to me, that he'd always be with me every step of the way.

I smiled. "Okay. I'll go with you.".

Ngumiti sya saakin. He gave me a quick kiss on the lips. Hindi ko ngayon alam kung paano ko sasabihin kay Miss Maggie na aalis ako? Kawawa naman sya at mag iisa na naman sya ulit.

"Pero— paano si Miss Maggie? Ako lang naman kasi ang inaasahan nya. Siguro ay maghahanap muna ako ng kapalit ko bago ako umalis."

"Alright, we'll do that."

The Way I Loved You  [COMPLETED]Where stories live. Discover now