Chapter 2

777 16 2
                                    

"Ah! Grant! Si ser GM ba ang tinutukoy mo day? Ay wala na sya, iniwan nya na ang mundong 'to. Sa madaling salita patay na s—"

"I know that I'm not stupid." Nanginginig ang mga labi ko habang binibigkas ang mga salitang iyon.

He's dead? How can he be dead?! He's my only hope. Wala na akong ibang matatakbuhan kundi sya lang.

"Sino ka ba? Bakit mo hinahanap ang kapatid ko?" Saad nya at isinarado ang pinto ng sasakyan at naglakad papunta sa direksyon ko.

"I'm Taffy. Tafitta Ylene Perez. Kababata ko si Grant sa San Dominico. He gave me his address in case kailanganin ko ang tulong nya but I guess I'm too late. He's gone now. " Malungkot kong saad.

"He died 3 years ago. Leukemia. Naikwento nga nya na may kababata sya sa San Dominico." Umiwas ang tingin nya sa mga mata ko.

Pero bakit hindi ko sya nakikita noon every summer kung magkapatid pala sila ni Grant?

"Akala ko nag iisang anak lang si Grant. Hindi nya kasi naikwento saakin na may kapatid pala sya."

"Magkapatid lang kami sa ama. We didn't grow up together."

"Ganun ba. Sege, aalis na ako. Tutal wala naman na yung sadya ko rito. There's no sense kung mananatili pa ako." Saad ko at dahan dahang humakbang paalis.

Ano pang silbi kung mananatili ako? Patay na si Grant. Patay na ang kaisa-isang taong nagmahal saakin. Ang taong inakala kong makakatulong saakin. I've risk everything para lang makapunta dito. Mas mabuti nalang sigurong hindi ko nalang tinuloy ang paglalayas at nagpakasal nalang doon sa asungot na kaibigan ni Tito Ace. Gabi na, saan ako matutulog neto?

"Shit—"

Napalingon ako ng makita ang marahas na paghampas nung Calren sa hood ng sasakyan nya.

"Don't go. Gabi na, at sigurado akong wala kang matutuluyan. Spend the night here and we'll talk about the rest of that matter tomorrow. Delya, paki ayos ang guest room." Saad nya ng hindi nakatingin saakin at sumakay sa sasakyan para imaneho iyon papasok ng bahay nya.

Did he just say na dito ako matutulog?

"Tappy diba? Halika na Tappy sa loob. Kumain ka na ba?" maligalig na hila ni Ate Taba sa braso ko.

"Ang ganda ganda mo naman, para kang barbie doll."

Ngumisi ako sa sinabi nya. "Hehe. Salamat po."

Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay halos lumuwa ang mga mata ko sa sobrang ganda ng interior nito.  Sobrang lawak ng sala at may malaking hagdanan sa kaliwang bahagi nito.

"Wow, ang ganda naman ng bahay na 'to."

"Ay syempre day, isa sa pinaka sikat na Architect sa Pilipinas lang naman yang si Ser Calren. Iyon din naman si Ser GM ay magaling din magdisenyo dahil Architecture din ang kinuha noon sa college, sayang nga lang ay hindi sya naka graduate dahil kinailangan nyang umalis ng bansa para doon sa amerika magpagamot. " Kwento ni Ate Delya.

I didn't know. Hindi nya naman kasi sinabi saakin. Naku, kung andito lang talaga sya kakaltukan ko sya ng bongga.

Inilibot ko ang paningin sa buong bahay at doon ko nakita ang isang picture ng binata na naka upo sa wheel chair habang naka ngiti at naka peace sign. Masayahin talaga sya kahit alam mong nahihirapan na.

"Halika muna sa dining room Tappy."

Pag dating ko sa dining room ay naka handa na ang mga pagkain. Para namang isang batalyon ang kakain, andami kasi ng ulam e.

"Uhh..ako lang ang kakain? Paano si Sir?"

"Naku, sa malamang hindi na yun kakain at pagod 'yon sa sa trabaho. Halika na at maupo. Pagkatapos ay ihahatid kita sa tutulugan mo." Sabi nya at pinaupo na ako sa lamesa.

The Way I Loved You  [COMPLETED]Where stories live. Discover now