Chapter 15

698 16 1
                                    


"Huy, Tappy. Dahan dahan naman sa pag inom." Saway ni Ate Delya saakin habang inuubos ko ang laman ng baso na may gin.

Sa sobrang sama ng pakiramdam ko. I don't know why I feel very uneasy. Siguro ay dahil sa sinabi no Sir Calren saakin kanina. Hindi ko sya kayang tignan sa mata dahil naiilang talaga ako.

"Ayos lang ako, Ate Delya." Saad ko kay Ate Delya at nag thumbs up.

"I think you should stop drink. You had too much of it." Sabi ni Sir Calren sa tabi ko at pilit na inaagaw ang baso.

"Ang pula ng mukha ni Ate Tappy!" Tinawanan ako ni Angge.

Napahawak ako sa mukha ko dahil medyo mainit nga ang pisngi ko. Nang lingunin ko si Sir Calren ay biglabg umikot ang paningin ko.

"She's already drunk." Deklara ni Sir Calren.

"Magliligpit lang ako at uuwi na tayo. Naku, itong batang to." Sabi ni Ate Delya at nagsimula nang magligpit ng gamit namin.

Dahil sa hilo ay napatulala lang ako ng tingin sa mukha ni Sir Calren. Hindi ata nakatulong ang alak dahil mas lalong nawiwindang ang buong katawan ko.

"Stop looking at me like that." Iwas nya sa tingin ko.

"Uyyy, may crush si Ate Tappy kay Kuya Calren." Asar ni Angge habang kagat kagat ang dulo ng tuwalya nya.

Humalakhak ako at inilagay ang hintuturo ko sa bibig ko. "Shhh...wag ka maingay. Malalaman nya."

Nilingon ko ulit si Sir Calren na malaki ang ngisi. Aba'y anong nginingisi ngisi mo dyan?

Pati si Ate Delya ay ngumisi din saakin. Oh bakit? Masama bang mag ka crush?

"Naku, halata namang may crush iyang si Tappy kay Ser Calren. Wala namang problema doon dahil gwapong lalaki naman talaga itong si Ser Calren." Saad nya at itinuro pa si Sir Calren.

"Exactly!" Agad akong tumayo pero natumba din at muling napaupo dahil sa hilo. Inalalayan ako ni Sir Calren sa pag upo. "Ate Delya, tama ka. Ang gwapo nya nga ano? Parang hindi anak ng tao. Para syang anak ng..."

"Naku, tapusin mo yan." Tumatawang sabi ni Ate Delya na mukhang sinasabayan nalang ako sa trip ko dahil sa kalasingan.

"I'm a son of?" Sabi ni Sir Calren na tila nag aabang ng sagot ko. Malaki ang ngiti nya sa mukha.

"Wala, uwi na tayo." Hinila hila ko ang braso nya. Inaantok na ako at mabibigat na ang talukap ng mga mata ko. "Gwapo ka na, kaya ayaw kitang tinitignan minsan."

"I like your honesty. Thank you."

"Bitbitin mo na po yan sa kotse. Isusunod ko na itong mga gamit doon." Sabi ni Ate Delya.

Napasandal ako sa balikat ni Sir Calren. Kinuha nya ang tuwalya ko at pinulupot iyon aa katawan ko.

"Let's go. Watch your step."

Inalalayan nya ako papunta sa kotse. Sa front seat nya ako pinaupo. Matapos kong makasakay ay inoff nya ang aircon ng sasakyan at lumabas ulit para tulungan si Ate Delya ipasok ang mga gamit.

"Ate Tappy. Okay ka lang?" Tanong ni Angge sa likuran ko. Tumango tango ako habang nakapikit. Sinundan ko iyon ng thumbs up. Actually nahihilo na talaga ako.

Pag gising ko ay nasa kwarto na ako ni Angge. Nakapag bihis na din ako ng malinis na damit. Teka— sinong nagbihis saakin? Dinampot ko ang cellphone sa tabi ko at tinignan ang oras. Alas dyes na pala ng gabi. Napahilamos ako ng mukha dahil sa sakit ng ulo. Nauuhaw ako kaya lumabas ako ng kwarto. Ingat na ingat ako habang papalabas dahil magigising ko si Angge na mahimbing na natutulog sa papag.

The Way I Loved You  [COMPLETED]Where stories live. Discover now