Chapter 30

479 12 0
                                    


I need to get a job. Yan ang tanging laman ng utak ko ngayon matapos akong mamili ng ibang gamit sa bahay. Halos kasi lahat ng gamit ay binitbit nila paalis dito. I bought a lot of things that I could use here. May natira pa naman sa pera ko ngunit hindi na ito aabot sa susunod na linggo. Kailangan ko ng mapagkukunan ng income para hindi ako mamatay sa gutom. May mga napagtanungan na din ako kanina, nagbabakasakaling may mapasukang trabaho. Hanep din naman kasi ngayon, maghahanap na nga lang ng kahera kailangan pa college graduate at may diploma sa accounting.

"Ate Bing, tulungan nyo naman po ako. Baka may kakilala kayo na naghahanap ng katulong, o kaya naman tiga bantay ng tindahan o kaya bata? Kailangan ko lang kasi talaga." Pagmamakaawa ko kay Ate Bing. Bumilis ang pagpapaypay nya sa sarili.

"Ay naku, bakit hindi mo subukan sa munisipyo? Ah! Itry mo kaya dyan sa bagong bukas na flower shop malapit sa may simbahan?" Saad nya.

'Yon nga ang agad na tinungo ko. Maliit lang ang shop na 'to. At iisang tao lang din ang nakikita kong nagtatrabaho. At mukhang ang may ari pa. I watched her through the window. Mahaba ang buhok at balingkinitan. Morena at maganda. Pumasok ako sa loob at agad akong binati ng ngiti ng babaeng abala sa pag aarange ng bulaklak.

"Goodmorning Ma'am. Welcome to Magnolia's flower shop.  Gusto nyo po ba ng bulaklak?" Saad nya saakin.

"Ay hindi po ako naparito para bumili ng bulaklak." I said and shook my head. Nalungkot naman ang mukha nya.

"Ay ganun ba? Ano bang maipaglilingkod ko sayo?" Sagot nya.

"Gusto ko lang po sanang itanong kung nangangailangan kayo ng empleyado? Kailangan ko po kasi ng trabaho e."

"Actually, I do. Kakabukas ko lang kasi noong isang araw at wala pa akong masyadong nabebenta. Bago lang kasi ako sa bayan na ito at mukhang hindi pa ako gusto ng mga tao." She said while fidgeting the flower in her hands.

Inilibot ko ang tingin sa shop nya. Malinis naman ito at magaganda ang mga bulaklak na naka display. Ito din kasi ang downside ng pag bebenta ng bulaklak. Hindi naman kasi ito kagaya ng pagkain na pwedeng i stock at ibenta kinabukasan. Maiksi na lang ang buhay ng mga bulaklak na wala na sa lupa , kaya't kailangang maibenta ito kaagad.

"May kaunting alam naman po ako sa pag aarange ng bulaklak. Pwede din ako manood sa YouTube para matuto pa. I just badly need a job right now para may mapagkunan ako ng pagkain sa araw araw." Paliwanag ko.

"I see. Alright, let's talk about your salary. Do you want it daily, weekly or kinsenas?" Saad nya.

Of course I chose the weekly. Hindi pa din naman kasi mabenta ang shop nya to pick the daily one. Maaga syang malulugi kung ganoon. May nagsusupply naman sakanya regularly ng bulaklak kaya hindi na sya nag aalala kung saan kukuha ng bulaklak. Mabait at magalang si Miss Maggie. Mahinhin at animo'y balahibo kung gumalaw. Pino at parang maharlika.

I spent the whole day doing flower arrangements. Balde balde din ng bulaklak ang inayos ko dahil may mga supply ng roses ang dumating kaninang hapon. Ibinabad namin iyon lahat sa tubig bago ako umuwi. May mga naibenta naman kami ngunit kaunti parin talaga. May mga nagtitinda din naman kasi ng bulaklak around this area at mas prefer yata nila doon dahil bukod sa matagal na silang nagtitinda ay hassle na sakanila na pumasok pa sa loob ng shop namin.

"Thank you for today, Taffy. Let's end the day. I hope makabenta tayo bukas." Paalam ni Miss Maggie saakin patapos ilock ang shop.

Masaya akong umuwi ng bahay namin dala ang supot ng tinapay galing sa nadaanan kong bakery.

I was taken aback when I saw a familiar car in front of my house. Nakaharap saakin ang harapan ng sasakyan at tanaw ko din mula sa kinatatayuan ang taong nagmaneho ng sasakyan. His eyes are bloodshot at mukhang pagod sa kung saan man sya galing.

The Way I Loved You  [COMPLETED]Where stories live. Discover now