Chapter 25

643 18 0
                                    

"So, this is quite unexpected."

Ibinuhos ni Sir Hillton ang juice mula sa pitcher papunta sa baso nya. Nasa kalagitnaan kami ng pagkain namin. All of us including Ate Delya and Kuya Romeo. Silang mga lalaki ang nag grill ng mga karne habang kaming dalawa naman ni Ate Delya ang nasa kusina para lutuin ang ibang pagkain.

"What's unexpected?" Tanong ni Sir Calren sakanya.

"You and Taffy. I thought she's annoying you?"

Tumaas ang kilay ko sa sinabi ni Sir Calren. He instantly shook his head at me. Humagikhik naman sa gilid si Ate Delya. Nasa garden kami nag set up ng lamesa.

"Kahit naman ako magkakagusto kung ganyan ba naman ka ganda ang kasama ko araw araw." Singit ni Sir Grover. Sinamaan sya ng tingin ni Sir Calren.

Calren added another chicken on my plate. Ngumiti ako at nag 'thank you' sakanya.

"My cousin's gonna be heartbroken. Crush ka pa naman no'n." Sabi ni Sir Qebin kay Sir Calren.

Tinoon ko ang tingin sa plato ko. Why does that matter still makes me insecure?

"Shut the fuck up and eat, Cabrera."

"Anyway, it's my parents' anniversary party on Saturday. Calren's coming, and I'm hoping you also come, Taffy." Sir Hillton said.

Ngumiti ako. "Nakakahiya naman po."

Calren's hand found its way to my side. He's fiddling on it. Nakikiliti ako kaya't hinawakan ko ang kamay nya upang mapirmi ito.

"Don't be. You're obviously gonna be part of our family soon." Bulong nya saakin na ikinatayo ng mga balahibo ko. Kinurot ko ng mahina ang kamay nya.

"Nakakainggit naman." Sambit ni Sir Grover sa gilid.

We waved goodbye to them after they got to their car. Masayang natapos ang dinner at kwentuhan namin. Medyo lasing na nga ang dalawa na sina Sir Grover at Sir Grover kaya't si Sir Hillton na ang nag maneho.

"Tulungan ko lang si Ate Delya magligpit." Paalam ko sakanya. I walked to the kitchen while he's still tailing me. Nilingon ko sya at tinaasan ng kilay.

"What? I don't have anything to do. I'm going with you." He said while his hands are in his pocket.

Umirap ako ako at naunang maglakad papunta sa kusina. "Ewan ko sayo."

It's not that I'm getting sick of his clinginess. Ayaw ko lang talagang nawawala ang focus ko sa mga ginagawang bagay.

"Ate Delya, tulungan ko na po kayo."

"Naku, ayos lang." Sagot nya saakin habang naghuhugas ng pinggan.

"Delya, you should take a rest. Kami na rito." Singit ni Sir Calren sa gilid nang makapasok ito sa kusina. Huminga ako at mahinang umirap.

"Ha? Ah.. oh sya, sige. Magpapahinga na ako." Sagot ni Ate Delya. Kinalabit ako nya ako at sinenyasan na papasok na sya sa loob.

Tumabi si Calren saakin at tinulungan ako sa paghuhugas ng pinggan. Tahimik lang ako habang sya naman ay pasulyap-sulyap saakin.

"Ano? May sasabihin ka ba?" I said while my eyes are still on the plates I'm washing.

"I don't have anything to say. Do you want me to say anything?" Sagot nya.

"Hindi naman. Mukhang may gusto ka kasing sabihin e." Nagkibit balikat ako.

"Well, I do have now." Saad nya bago ako nakawan ng halik sa pisngi ko. Hindi ba sya nagsasawang halikan ako palagi? Sa ganoong posisyon din kamk nadatnan kanina ng mga kaibigan nya, and he still wants more?

The Way I Loved You  [COMPLETED]Where stories live. Discover now