♡-Prologue

3.2K 53 0
                                    

Prologue: You're a heartless

“Siya pa rin ata yung ssg president hanggang ngayon,”

“Hindi pa rin nagbabago ang ugali niya,”

“Do you know girls, I still like him even he's the coldest person I know.”

Hindi ko napigilang mapalingon sa mga babae nang marinig ang pinag-uusapan nila, marami na 'kong naririnig tungkol sakaniya, sa SSG president. Kaya hindi ko rin maiwasang humanga sa taglay nitong talino at kagwapuhan. Ang totoo nyan, hindi ko pa siya nakita ng harap-harapan, sa picture lang o kaya sa malayuan naman.

Halos kasabay ko rin sa paglalakad ang mga babae dito sa hallway, tatlo sila at ang isa ay may bitbit na kahon na sa tingin ko ay cookies ang laman.

“Okay, susuportahan kana lang namin sa katangahan mong 'yan.”nagtawanan sila, natahimik naman ang babaeng may gusto ata sa ssg president.

Agad silang nahinto sa pagtawa nang marinig ang tilian ng mga estudyante sa harapan namin. Napatingin rin ako sa unahan at nakita ko ang ssg president na hindi mo kakikitaan ng anumang reaksyon sa mukha habang deritsong naglalakad.

Ganyan nalang palagi ang ekspresyon niya pero hindi naman 'yun naging hadlang para humanga ako sakaniya. Happy crush lang, ganon!

“Ayan na siya, ibigay mo na dali!”rinig kong bulungan ng magkaibigan pero nanatili sa lalaki ang mata ko.

Maraming nagpapapansin sakaniya ngunit ni isa sakanila ay nilagpasan niya lang na parang hangin.

Napatabi ako nang malapit na siya sa harapan ko, first time kong makita siya ng ganito kalapit kaya amoy na amoy ko ang kaniyang pabango, napatigil siya sa paglalakad nang harangin siya ng babaeng may hawak na box ng cookies.

“Hi Cleo, for you!”parang may kung anong magic na nahulog mula sa langit dahil biglang tumahimik ang buong paligid.

Nakakabinging katahimikan ang namayani sa buong hallway na parang pati paghinga ay napigilan rin.

Tinignan ko ang babae, nakalahad pa'rin ang kaniyang dala sa harapan ng lalaki. Bakas ang kaba sa kaniyang mukha. Tinignan ko ang lalaki, kagaya kanina wala akong nababasa sa kaniyang mukha kundi ang malamig nitong aura na parang wala siyang kahit na anong magandang nararamdaman mula sa paligid.

“Do you think, I will eat that?”sabay-sabay kaming napasinghap nang marinig ang napakalamig na tugon ng lalaki.

“Don't worry Cleo, malinis lahat ng ginamit ko sa pagluto—”

Hindi natapos ng babae ang kaniyang sasabihin dahil nilagpasan na siya ng lalaki. Muntik pang mahulog sa kamay ng babae ang box dahil sa panghihina.

Napatabi ang mga estudyante para hindi sila mabangga ng isang cleo na may ugaling kasing lamig ng yelo.

Bumalik ang tingin ko sa babae nang marinig ang hikbi nito. Nakayuko siya habang inaalo ng kaibigan.

“Another girl crying because of him. Ano ba ang nakita niyong kamahal-mahal sakaniya at ganyan kayo ka desperadang mapansin ng isang tulad niya?”isang lalaki ang biglang sumulpot sa harapan ko.

Nakatalikod siya sa'kin at nakatingin sa dinaanan ni Cleo kanina habang nakapamulsa.

Napabuntong hininga nalang ako at naglakad na papalayo sakanila bago pa ako makialam sa mga usapan nila.

******

Isang oras ang vacant time namin kaya lumabas nalang muna ako sa classroom at dumiretso sa garden.

Isa ang garden sa paborito kong lugar dito sa paaralan maliban sa canteen na palagi ko ring tinatambayan.

Napatigil ako sa paglalakad nang may matanaw na isang lalaking nakasandal sa paborito kong puno.

Humakbang ako papalapit sakaniya at agad ring natigilan nang makilala ang lalaking nakasandal sa puno.

Si Cleo.
Ang ssg president na kinababaliwan nila. Oo, sila lang kasi hindi naman ako 'yung tipong nagpapa-pansin sa mga taong hinahangaan ko.

Nakapikit ang kaniyang mata kaya malaya ko siyang natitigan. Ngayon ko lang rin natitigan ng ganito kalapit at katagal ang kaniyang mukha. Mula sakaniyang kilay na may kakapalan, medyo singkitin na mata, kapansin-pansin rin ang mahaba nitong pilik-mata, matangos na ilong na bumagay sakaniyang pinkish na labi.

Ngunit nakakunot pa'rin ang kaniyang noo!

Hindi ko maiwasang mainis sakaniya, parang ang paghanga ko ay biglang naglaho dahil sa kaugaliang nakita ko mula sakaniya.

“Hanggang sa panaginip mo siguro masungit ka pa rin. Pinaglihi ka ba sa sama ng loob? Ang bait bait ng mga tao sayo tapos dinedeadma mo lang? Matalino at gwapo ka nga, ang pangit naman ang ugali mo.”biglang nagmulat ang kaniyang nagtatakang mga mata kaya natakpan ko ang bibig ko, hindi ko napansin na nasabi ko na pala ang nilalaman ng utak ko.

Umiiral na naman ang pagiging pakielamera ko!

“What are you doing here and what the hell are you saying?”sinabayan ko ang matalim niyang titig.

Naumpisahan ko na, kaya dapat kong harapin 'to.

Tumayo siya at humakbang ng isa papalapit sa'kin. Subrang talim na kaniyang titig na parang pwedeng na akong humimlay dahil dito.

“If you are here to talk shit me, then I don't want to—”

“Bakit ba ang sungit mo? Andaming nagmamahal sayo pero hindi mo sila pinapansin, ni ang mag appreciate ng kanilang mga efforts ay hindi mo magawa! Kung may galit ka sa mundo, wag mong idamay ang mga tao sa paligid mo! From now on, I hate you na because you're so heartless!”natakpan ko ang bibig at nanlalaki ang mga matang napatitig sakaniya na natigilan rin sa sinabi ko.

Naglakad siya papalapit sakin at huminto ng may isang dipa ang layo, napalunok ako nang magtama ang mga mata namin, mga mata niyang nag aapoy na ngayon.

“I'm not heartless, I just learned how to use my heart less!”tila natigil ang paghinga ko sa napakalamig niyang boses na umaalingawngaw sa tenga ko.

Walang mababakas na biro sakaniyang tinig, kundi emosyon at matinding hinanakit ang naramdaman ko.

Wala nang emosyon ang kanyang mukha nang talikuran ako. Napahawak ako sa puso ko dahil sa hindi maawat nito na pagkabog.

Ngayon ko lang rin napansin sa may iilang estudyante ang nakatingin sa amin. Bakas sa mukha nila ang pagkamangha at pagkabahala.

Napatitig ako sa likuran ni Cleo na ngayon ay naglalakad na papalayo.

‘Paano mo natutunan ang maging malamig, Cleo?’

Itutuloy....

MY HEARTLESS CRUSH (COMPLETED) Where stories live. Discover now